"Joaquin, can you wait for me?" tanong niya sa akin.
Huminga ako nang malalim habang iniisip ang mga katagang sinabi ng babaeng matagal ko nang ginugusto, inaasam at minamahal. Minsan na nga lang ako magkagusto sa isang babae, pinaghintay pa ako.
Tiningnan ko ang litrato niya sa cellphone ko, si Dianne. Isang babaeng mahirap abutin. Nagustuhan ko siya dahil bukod sa napakaganda niya ay mabuti rin ang kanyang puso. Mayaman ang pamilya niya. Sa halip na ipagdamot iyon sa mga nangangailangan ay siya mismo ang gumagawa ng paraan para tumulong. She's an angel to me.
Hindi ako nabigo nang hintayin ko siya. Hindi lang isang taon kundi apat na taon ang lumipas makamtan ko lang ang kanyang matamis na 'Oo'. Sinagot niya ako matapos kaming gr-um-aduate ng college sa kursong AB Economics.
Naging masaya kami, oo, may mga panahong tinutulungan ko siya sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan. Mahirap din dahil okupado lagi ang oras niya. Naiintindihan ko iyon pero minsan hindi ko alam kung umuusad ba ang relasyon naming dalawa. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa.
"Joaquin, pwede bang hintayin mo ulit ako? Kailangan ko lang talagang gawin ito."
Paghingi n'ya muli ng oras.
Hindi ako madamot para hindi ibigay sa kanya ang gusto niya. Sabi nga niya, kailangan niya. Ngunit hindi niya tinanong kung ayos ba sa akin, naghintay pa rin ako. Mahal ko eh.
Dalawang taon din akong naghintay. Dalawang taon akong mag-isa. Sa tuwing nagkakausap kami-na himala pa sa isang linggo, parang wala rin namang nangyayari. Sa tuwing magkausap kami tanging bukang bibig niya pa rin ay ang mga ginagawa niya. Hindi ako umaangil. Iyon ang gusto niyang gawin; handa akong sumuporta at maghintay sa kanya.
Isang taon muli akong naghintay. Nagtrabaho ako sa loob ng ilang taong paghihintay ko sa kanya. Sa tuwing kinukumusta ako ng magulang ko patungkol kay Dianne, ang sagot ko na lamang ay ginagawa pa rin niya ang gusto niya—ang tumulong sa kapwa. She's really an angel, not to me but to them.
Isang araw tinawagan niya ako. Magkita raw kami. Nagulat ako, syempre. Noong isang linggo kami huling nagkausap. Hindi ko alam kung bakit niya gustong makipagkita sa akin. Hindi ko maiwasang maging masaya nang sobra-sobra. Makikita ko muli siya. Sa loob nang tatlong taong hindi ko siya nakita, nangungulila na ako sa kanya.
Nagkita kami sa isang sikat na restaurant. Nakita ko siyang nakatanaw sa bintana—sa tabi kung saan siya nakaupo. Hindi ko mapagkakailang mas gumanda siya ngayon. Her face was gentle with her eyes sparkling like a star. Her nose pointed with perfection and her lips shaped like a heart. Mukhang pinagtuonan at matagal na hinubog ng Panginoon—hindi ko sigurado kung para sa akin o para sa mga tao.
Nang ako'y makalapit sa kanya, abot-abot ang tahip ng aking puso. Unti-unti muling sumigla ang puso ko. Unti-unting napunan ang mga panahong wala siya sa tabi ko. Unti-unting minahal ko siya muli, nang todo-todo.
"Nandito ka na pala, Joaquin," pag-a-acknowledge niya.
Sumilay ang ngiti niya. Muli, nabihag niya ang puso ko.
Yumuko ako at dahan-dahang hiningi ang kamay niya para halikan iyon. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang pero parang pilit ang naging ngiti niya nang ginawa ko iyon. Hindi ko alam pero kumirot nang kaunti ang puso ko.
Umupo ako sa tapat niya. Tumawag siya ng waiter at um-order nang hindi ko kilalang pagkain. Isinantabi ko ang umuusbong na inis dahil pakiramdam ko'y tinapakan niya ang pagkatao ko. Isinantabi ko iyon dahil mas gusto kong isipin na siya ang nag-effort na makipagkita sa akin. Masaya ako roon.
Nagsimula kaming magkuwentuhan. Patungkol sa mga ganap sa aming buhay noong wala siya sa piling ko. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing ibina-bahagi niya ang pagtulong niya sa mga taong nangangailangan. Ang paglago ng kanyang pinapamahalaang charities and foundation. Ngumiti na lamang ako habang nakikita siyang tinatanaw ang mga alaala ng mga pangyayari sa buhay niya.
Ramdam kong ang layo na naming dalawa. Ramdam kong ang laki nang agwat namin sa isa't isa.
Mahal ko siya, sobra. Gusto ko na siyang makasama habambuhay. Gusto ko na siyang pakasalan at maging akin.
"Dianne, I want you to marry me," tugon ko.
Hindi ko alam kung tama ba'ng sinabi ko agad iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong reaksyon mula sa mukha niya. Hindi ko alam kung kikirot ang puso ko habang nakikita siyang umiiling sa sinabi ko. Tumutulo ang luha niya habang gulat pa rin. Nangunot ang noo ko.
"I'm sorry. If you could just wait, please. I love you. I just need more time for this. I want to help more people. I want them to have a better life. I want them to be happy, Joaquin. Please understand," pagsusumamo niya.
Pilit pinapaintindi sa akin na mas uunahin pa rin niya ang iba, kaysa sa akin.
"Paano naman ako? Hindi kita sinisisi, pero habambuhay na lang ba akong maghihintay sa 'yo? Manlilimos ng oras mo? Habambuhay na lamang ba akong hihiling sa 'yo na sana unahin mo naman 'yang sarili mo at hindi ang iba? Habambuhay na lamang ba akong maghihintay na maging akin ka? Naiintindihan mo rin ba ako, Dianne?"
Tumulo ang luha galing sa mga mata niya. Kumikirot ang puso ko habang nakikita siyang nalulungkot at nasasaktan sa mga sinabi ko. Ngunit hindi ko babawiin lahat ng iyon.
Matagal na akong naghihintay sa kanya. Matagal na rin akong humihingi ng oras niya. Matagal ko ng gustong maging masaya pero mas inuna niya ang iba. Hindi ko pinagkakait ang kagustuhan niyang tumulong sa mga tao pero hanggang kailan pa? Noon pa man alam ko na, tanggap ko na.
Mahal niya ako, ngunit mas mahal niya ang ibang tao.
BINABASA MO ANG
K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)
Romance(COMPLETED) #1 KIROT Nasaktan at naiwan ka na ba? Nagpalaya o nagparaya? Sumuko o sinukuan ka na rin ba? Ito ba 'yong pakiramdaman na kinukurot at dinudurog ang puso mo? Isa ka ba sa mga mambabasa na hopeless sa pag-ibig? Ikaw ba 'yong klase ng mamb...