Dagli #5: Disappeared-Appeared

143 39 28
                                    

Nakatitig ako sa lalaking pakakasalan ko noon habang mabagal akong naglalakad sa gitnang aisle na para sa akin nang araw na iyon.

Tumutugtog sa paligid ang paborito naming kanta ng mahal ko. As I'm walking slowly, my family, relatives, and friends were there happily watching me with my gorgeous wedding dress. It was surreal and magical.

Ito ang araw na pinakaespesyal sa aming dalawa ng aking minamahal. We're getting married. It was the happiest day of my life. Ilang araw akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigay niya sa akin si Joseph, ang lalaking mamahalin ako panghabambuhay. Mapalad ako dahil naipangako ako sa pinakaguwapong lalaki sa buong mundo.

But it turned out as the biggest mistake. The worst day. The most painful experience that had happened in my entire life. He left me before saying those two words, three letters that would be supposed to bind us together and forever. But it didn't happen because again, he left me before saying 'I do.' It left me a scar right here, straight on the heart.

Hindi ako makapagsalita nang matunghayan ang kaganapan. Ang pagtakbo palabas ng sana'y aking mapapangasawa. Ang aking minamahal.

Para akong tangang nakatulala. Nagkakagulo na ang lahat ng tao sa simbahan ngunit ako'y patuloy na naging pipi at walang-kibo. Ngunit kahit na ganoon ang aking estado, ang aking luha naman ay patuloy na rumaragasa sa aking pisngi. Higit sa lahat, ang puso ko'y patuloy na kumikirot at nadudurog.

Ang pangyayaring iyon ay pilit kong itinutulak at inaalis sa aking memorya ng anim na taon. Ang anim na taong iyon ay hindi pa sapat para kalimutan siya dahil ang totoo, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko magawang maalis siya sa isip ko.

Sa hindi inaasahan, nagkita kami muli. Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Akala ko naglaho na siya mula nang iwan niya ako sa altar. Akala ko lang pala.

I saw him again. In fact, I'm staring right at him. In the same position, I'm at when he left me.

I'm Yena and I'm getting married again. But no, not with him.

---
I dedicate this chapter to DravenBlack. Sobrang nakaka-inspire at nakakataba ng puso lahat ng mga comments niya rito. Thank you so much. Alam kong magiging emosyonal ka ulit rito sa story hahaha.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon