Maikling Kwento #9: Father's Love

119 17 8
                                    

"Ikaw na ang mag-alaga sa anak mo, Ian."

Nagulat ako sa sinabi ni Rianne.

"P-Pero Rianne, hindi ba dapat tayong dalawa ang mag-aalaga sa anak natin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Hindi pa kami kasal ni Rianne nang magkaroon kami agad ng anak. Si Daniel, dalawang taong gulang pa lamang siya. Pinanagutan ko ang bata pero ayaw ng mga magulang niyang pakasalan ko si Rianne. Bata pa raw kami. Plano ko sana siyang pakasalan kapag pwede na kaso siya ngayon ang unang susuko.

"Pasensya na. Ayaw ko nang mag-alaga ng bata. Gusto ko ng maging malaya. Gusto ko nang tapusin ang pag-aaral ko. Sa 'yo muna si Daniel. Sana maintindihan mo ako."

Natigilan ako sa eksplenasyon niya.

"Rianne, pakinig mo ba ang sinabi mo? Hindi 'to bagay na isinasauli o pinagpapasa-pasahan, bata ito!" malakas ang boses na sagot ko.

Wala akong maintindihan sa rason niya. Napakababaw. Anak namin ito, bakit hindi man lang niya isipin si Daniel?

Itinulak niya nang marahan ang bata palapit sa akin. Nangingilid na ang luha ng anak ko. Dinala ko siya patungo sa akin. Nasa park kami, iyon ang usual na ginagawa namin tuwing hapon para magkasama-sama kaming tatlo.

Umupo ako para magpantay kami ni Daniel. Pinalis ko ang luha sa kaniyang mga mata.

"Doon ka muna sa swing, anak. Mag-uusap lang kami ng mama mo," nakangiti kong sambit kay Daniel.

Hinaplos ko ang kanyang ulo. Tumango siya at tumakbo patungo sa playground. Tumayo ako saka tumingin muli kay Rianne.

"Huwag mo naman sanang ipagkait kay Daniel ang karapatan niyang magkaroon ng ina. Kahit para lang sa anak mo," matigas na tugon ko kay Rianne.

Tumingin siya sa naglalarong si Daniel. Malungkot ang mga mata niya, ganoon din ako.

"I'm sorry. Noong nagka-anak tayo, doon ko lang na-realize na marami pa akong gustong gawin kaysa sa mag-alaga ng bata. Gusto ko pang tapusin ang pag-aaral ko. Gusto ko pang magtrabaho para sa pamilya ko. Gusto ko pang gawin 'yong mga ginagawa ng mga dalaga ngayon," sagot niya.

Nagtiim ang bagang ko.

"Ang selfish mo. Bata pa rin naman ako katulad mo. Pinili kong hindi tapusin ang pag-aaral ko para sa 'yo. Tapos ikaw iniisip mo na gawin ang gusto mo, sa halip na alagaan ang anak mo? Anong klase rason 'yan?"

"Because I regret having a baby! Ayaw ko pang magka-anak...pero dahil sa 'yo, nabuntis ako, at ngayon napagkait sa akin ang buhay ko! Sa halip na isipin ko ang sarili ko, kailangan kong panagutan ang anak natin!"

Nilapitan ko siya. Tinitigan ko siya nang husto.

"Kung ikaw 'yong nasa posisyon ni Daniel ngayon, anong mararamdaman mo? Mararamdaman niyang hindi siya ginusto ng ina niya, na kasalanan lang siya ng magulang niya.

Huwag mo nang dagdagan pa ang kasalanan mo. Kung ayaw mong alagaan ang anak natin, sige, ako ng bahala. Gawin mo lahat ng gusto mo. Magsaya ka dahil wala ka nang ibang iisipin pa bukod sa sarili mo," pagtataboy ko sa kanya.

Kuyom ang kamao ko nang iwan siya sa pwesto namin. Lumapit ako kay Daniel na ngayon ay nasa swing pa rin. Ngumiti ako sa anak ko nang makalapit sa kanya.

"Tara na," yaya ko.

Binuhat ko siya. Malusog si Daniel, cute at bibo. Mahal na mahal ko ang anak ko. Masakit para sa akin na tanggihan siya ng ina niya pero wala na akong magagawa.

"Ako na ang mag-aalaga sa 'yo, anak. Mahal ka ni papa," wika ko.

Tumango si Daniel. Alam kong hinahanap niya ang mommy niya. Ang tanging magagawa ko ngayon ay mahalin ng buong puso ang anak ko. Palakihin siya nang maayos at mabuti. Dahil iyon ang ginagawa ng mga ama.

---

Dedicated to: aetheryl

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon