Dagli #8: Talunan

115 23 21
                                    

Nanggagalaiti ako  habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko pati na rin sa mahigpit na hawak ni Yael sa aking braso. 

"Please, Sophie...mag-usap tayo nang maayos. 'Wag dito," pag-aaya ni Yael.

Umiling ako. Inalis ko ang pagkakahawak ni Yael sa aking braso. Nanatili pa rin akong nakatingin sa babae. Dinuro ko siya.

"What's your name?" mapanuya kong tanong.

Tinulak ko nang mahina ang kanang balikat ng babae. Napaismid ako nang hindi man lang ito kumibo at sumagot. Muli kong tinulak gamit ang daliri ko ang kanyang noo, umurong ito.

Natawa na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ako makapaniwalang hindi siya lumalaban sa akin. Bukod doon ay takot pa siya dahil sa halatadong panginginig ng kamay niyang magkahawak.

"You shouldn't have chosen this battle, poor girl! Wala kang binatbat! My gosh! Really, Yael?!"

"Come on, Sophie!" may halo nang frustration at inis ang boses ng boyfriend ko.

Pagkatapos nito natitiyak 'kong nasa akin pa rin ang huling halakhak. Dahil ako ang pipiliin ni Yael at hindi ang babaeng kabit na ito.

"Ano?! Ipagtatanggol mo itong pokpok mong kabit?! Ha?! I will not leave until you answer me. Bakit siya ang pinili mong kabit?! Nagsasawa ka na ba sa maganda at pangit na ang pinili mo?! Gosh, Yael!"

Walang may lakas ng loob na umawat sa akin dahil pagmamay-ari ng pinsan ko ang bar na ito.

"You know what? I chose her because she's not you! You're a bitch and immature! She's way too good than you!"

I stiffened in his sudden outburst. My jaw dropped that I couldn't manage another rant. Hindi ko man aminin ay nasaktan ako sa mga sinabi niya. I looked at the girl, still fucking innocent.

Am I that bad? Ako pa ba ang mali? Hindi ba siya iyong nanloko at nambabae? Bakit ako pa itong nasaktan sa mga sinabi niya? I winced from what I'm feeling. I can't believe people were murmuring things about me. 

Nangingilid ang luha ko nang tuluyang tanggapin na siguro nga mali ako sa aking ginawa. Pero masisisi niya ba ako? Nasaktan lang naman ako.

Pinili ko na lamang na lumabas sa bar. Bitbit ang mabigat na damdamin. Nasaktan ako at umasang hahabulin pa ako ni Yael at mag-so-sorry siya sa sinabi niya ngunit walang nangyari. Mag-isa ako sa labas. Talunan at nasasaktan. Sa huli ako pa 'yung mali at masama. Sa huli ako pa 'yung nawalan ng minamahal.

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon