Maikling Kwento #6: Our Nexus

93 18 19
                                    

Ang nexus o neksus ay isang relasyon, koneksyon o linya ng mga tao o bagay sa isa't isa.

"Nexus? Anong tagalog no'n?" pagtatanong sa akin ni Gian pagkatapos basahin ang pinababasa ko sa kaniya. In-explain ko iyon, pero hindi niya pa rin maintindihan.

"Ang labo mo," may halong inis na dugtong ni Gian.

Nag-sign language muli ako para mas maintindihan niya ang gusto kong sabihin ngunit hindi niya na ako pinansin pa. Nakatutok na ang paningin niya sa nilalaro sa cellphone.

Napayuko na lamang ako. Napagtanto kong napakalayo talaga nang agwat naming dalawa. Pipi ako, may pagkakataon sa aming relasyon na naiinis siya dahil hindi niya ako maintindihan. He doesn't know how to use sign language. Mahirap din namang turuan siya.

Tinitigan ko na lamang siya habang nakaupo sa pasimano ng aming terrace. Ako naman ay nakaupo sa silyang katapat niya. Ang totoo, hindi ko alam kung anong nagustuhan sa akin ni Gian. Wala akong maipagmamalaki kumpara sa ibang babae na nakakapagsalita o normal kung tawagin.

Huminga ako nang malalim, lumapit ako sa tabi niya.

"Alis! Doon ka na sa inuupuan mo, nag-la-lag, e," sigaw ni Gian.

Labag man sa kalooban ay umalis ako sa tabi niya at naupo muli sa dating pwesto kanina. Nangingilid ang luha ko. Simula nang maglaro siya noon ay nawawala na ang atensyon niya sa akin. Bumuntong-hininga ako habang hinihintay siyang matapos sa laban.

Makalipas ang tatlumpong minuto, ibinato niya ang cellphone sa labas ng bahay. Nanlaki ang aking mata at napanganga sa kanyang ginawa.

'Bakit? Anong nangyari?' pagtatanong ko sa kanya gamit ang sign language.

Hindi niya ako binalingan ng atensyon at sa halip ay umalis siya sa tapat ko para kunin ang itinapong cellphone. Nakasunod ang tingin ko sa kanya habang pinapalis ang dumi noon.

Lalapitan ko na sana siya kaso ay bumaling na ang atensyon niya sa akin.

"Alam mo, Le ann. Simula ng maging tayo puro kamalasan na lamang ang dala mo sa akin."

Parang punyal na tumama sa puso ko ang mga katagang 'yon. Naluha ako sa sakit. Hindi ko alam na ganoon ang iniisip niya sa akin, na malas ako.

'I'm sorry,'

"Alam mo ba kung bakit ayaw kong matutong mag-sign language? Ha? Kasi ayaw kong maintindihan ka!"

Napayuko ako. Sobrang sakit na, tama na, please.

"Maghiwalay na tayo. Mas gusto ko sa normal, ayaw ko sa pipi!"

Pagkatapos niyang magsalita ay umalis na siya sa harapan ko. Palabas ng aming bahay. Malakas ang pag-iyak ko nang tuluyan na siyang makalabas. Napaupo ako dulot ng emosyon na nararamdaman.

Malas ba talaga ako? Kasalanan ko bang pipi ako? Tuloy-tuloy ang aking pag-iyak. Nanatili ako sa ganoong estado hanggang sa napagod na ako.

Ang pinakamaiging halimbawa ng nexus ay tayo. May koneksyon tayong dalawa noon ngunit sa isang iglap ay nasira, naputol at nalagot. Sa pinasimpleng eksplenasyon, naghiwalay tayo.

---

Dedicated to: Tsukiharacchi_04, ErinPretty_Writes, aegyoclaire. God bless us all!

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon