Maikling Kwento #10: No Chances

107 13 6
                                    

"Please take me away from here," nangingilid ang luhang bulong ko habang nakayuko sa pasimano ng bar counter. Ang kaliwang kamay ko'y nakahawak sa isang baso ng martini.

Malakas ang tugtog sa paligid. Marami na ring taong nag-e-enjoy at nagsasayaw. Ako lang ang hindi.

Umupo ako nang ayos. Iniangat ko ang baso at nag-gesture ng cheers sa katabing lalaki kahit wala sa akin ang paningin niya. Ininom ko iyon ng isang lagok. It made me tipsy and dizzy. Mariin akong napapikit sa naramdamang kalasingan.

Sinulyapan ko ang lalaking binigyan ko kanina nang gesture. Lumunok ako ng laway nang mapagtantong mali ang ginawa ko kanina. Ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang lalaki.

Damn. My ex.

Tumayo ako at nagsimulang humakbang palabas ng bar. Hindi iyon natuloy nang gumewang ako dahil sa kalasingan. May mga lalaki nang nakatingin sa akin because of my skirt that was not in proper shape. Nalukot iyon dahil sa pagkakaupo ko kanina.

Nanlamig ang aking katawan nang maramdaman ang paghawak sa akin ng lalaking pinansin ko kanina. Hindi ako nagkakamali, it's him who holds my arms.

"Ihahatid na kita," sambit niya. 

Ang baritonong boses niya ang lalong nagpalasing sa akin, para akong kinantahan. Hindi ko na namalayan na hinihila na pala niya ako. Nakakabunggo na ako ng mga tao nang makalabas doon. Inalis ko ang pagkakahawak ni Ryan sa akin. Maigting ang panga niya at madilim ang paningin nang tingnan niya ako. Same old.

"Kaya ko nang umuwi mag-isa," mariin kong sagot.

Nilampasan ko siya at tumungo na sa aking motor. Tinitigan ko iyon, nagdadalawang isip ako. Mamamatay o makikisakay sa sasakyan ng ex ko?

I'm getting dizzier every minute. Kung hindi lang ako sobrang lasing, pupusta akong makakauwi ako sa bahay ng buhay. Sinulyapan ko si Ryan, nakatingin pa rin siya sa akin. He walked towards me, smirking. Tinarayan ko siya hanggang sa magkalapit kami.

"Can't ride my motor. Ihatid mo ako."

Tumango siya at nilampasan ako. I let out a sigh and followed him to his car.

Pumasok ako sa tabi ng driver's seat. Naglagay ng seat belt at nanahimik. My head hurts and my heart beats rapidly.

Naaamoy ko na naman ang paborito kong pabango niya. Bumabalik na naman ang multo ng kahapon. Unti-unting nalulusaw ang malaking pader ng kamanhindan. Bumuntong-hininga ako.

"Pakihatid na lang ako sa kanto ng subdi."

"Hindi, mapapagalitan ka ni Tito kapag nakita ka niyang lasing ulit. At least I can reason out."

Tumingin ako sa kanya, kumirot ang puso ko nang tingnan niya rin ako. Bumabalik muli ang sakit.

"No. Wala na si papa." 

Tinitigan niya ako, may halong lungkot at simpatya. "I'm sorry, Tris."

Nagkibit-balikat ako. "It doesn't matter anymore, Ryan," pinagdiinan ko sa kanya iyon.

Umandar ang kotse. Tanging ugong lamang ng aircon ang tanging maingay sa loob. Pakinig ko rin ang ilang buntong-hininga niya. Ilang minuto akong nakatingin sa labas ng bintana nang mapagtantong mali ang dinadaanan ni Ryan.

"Where are we going? You're supposed to take me to my house."

Tiningnan niya ako. Nangunot ang noo ko.

"Eyes on the road, mister! Ihatid mo na lang ako sa kanto, pwede ba?" naiinis kong tugon.

Bumuntong-hininga ako nang hindi niya ako sinunod. Hindi na ako umapila pa nang i-park niya ang sasakyan sa lugar na lagi naming pinupuntahan.

"What now?"

"I'm sorry. I want to talk to you." 

Tinitigan ko siya. Inirapan ko siya bago lumabas ng kotse, ganoon din siya.

Mali yata ang naging desisyon kong makisakay. I should've expected this to happen.

"What do you want to talk about? Spill it now nang makauwi na ako."

Sunod ang tingin ko sa kanya nang umupo siya sa dilaw na bench na lagi naming pinagpapahingahan noon.

"Ano bang gusto mong sabihin? Huwag ka nang magpaliguy-ligoy, please," pagsusumamo ko.

Nilapitan ko siya. Nakatayo ako sa tapat niya. Nakatingin siya sa overlooking view rito sa Tagaytay.

Malamig ang simoy ng hangin. Tanging sleeveless cowl top ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko iyon. Tinitigan niya ako pati na rin ang suot ko. Bumuntong-hininga siya. Hinubad niya ang kanyang leather jacket at tumayo. Umurong ako nang ilalagay na sana niya iyon. Ayaw ko, maaamoy ko ang pabango niya.

Umurong muli ako nang lapitan niya ako. Hinila niya ako gamit ang braso ko. Nagulat ako nang gawin niya iyon.

Malakas ang tibok ng puso ko habang nararamdaman ang mainit niyang kamay na humaplos sa aking likod nang ilagay niya iyong jacket. Lumunok ako. Gusto kong umiyak sa simpleng ginawa niya.

Bumalik muli ang mga alaalang itinapon ko sa kasuluk-sulukan ng utak ko, pati na rin ang sakit sa puso ko. Tuluyang bumigay ang emosyong itinatago ko. Ang emosyon na matagal ko nang pinipigilan.

Bumagsak ang malakas na ulan. Kasabay niyon ang luha sa mga mata ko. Nakatitig siya sa akin. He was sad and hurt too. If I can just turn back time, pipiliin kong hindi ko na sana siya nakilala and worst, minahal pa.

It's my fault, sana hindi ko na lang hinayaang mahulog pa ako sa kanya.

"I want you gone, Ryan. I don't want you anymore. I don't love you anymore. Please, kalimutan na natin ang isa't isa."

Kapag nawala ako, walang luluha. Dahil ako mismo ang nagpaalis sa kanila. Ako mismo ang nagpasuko sa kanila. Ako mismo ang nagtayo ng pader para hindi na muling mahalin ng iba, hindi sila.

----

Dedicated to: Angel_megumi & Rabbianne

K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon