"Pagkatapos mo pa lang mag-good night sa akin, sa babae mo naman?! Ano 'to, Xian. Ginagawa mo ba akong tanga?!" malakas at puno ng galit na sambit ko.
Hindi ko mapigilan ang namumuong pait at sakit sa dibdib ko. Nasa labas kaming dalawa ng aking bahay. Ramdam ko ang pagpipigil niyang magsalita rin sa kabila nang pamamaratang ko sa kanya.
Mag-da-date sana kaming dalawa kaso ay naudlot dahil nakita ko kagabi ang pag-uusap nila ng babae niya. Who happens to be his best friend. Hindi naman ako magsasalita ng masama ngayon kung wala akong nararamdamang malisya sa pinagsasabi noong kaibigan niya.
"Hindi ka makatanggi?! Tapos sayang-saya ka pa habang kausap siya. Tapos ako nauudlot pa ang mahaba nating pag-te-text dahil nakikipag-usap ka sa mga kabarkada mo!" dugtong ko.
Bumaling ang tingin sa akin ni Xian na kanina'y nakatingin sa ibang tanawin. Madilim ang mga mata niya at nakikita ko ang mabilis niyang paghinga. Naubos ko yata ang pasensya niya nang nagsimula na siyang sumagot at magsalita.
"Tangina, Wendy! Kaibigan ko lang siya! Kung ano man ang nabasa mo, 'yon na 'yon, wala ng iba!" malakas na pagtanggi niya.
Mas lalo lamang nag-apoy ang galit ko. Hindi ko na napigilang mapasinghal at maging sarkastiko.
"Kapag ako ba nagkaroon ng kaibigan at nakipag-usap ako sa kanya ng 'nakakilig ka talaga, buti na lang friends tayo. Pero sana more than that hihihi'," pag-i-imitate ko sa nabasa kong reply ng haliparot na kaibigan ng boyfriend ko. Nagsalita muli ako, "Anong magiging reaksyon mo?"
Nangunot ng noo ni Xian.
"Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin? Akala mo mahuhulog ako sa mga sinasabi niya? Anong nabasa mong reply ko pagtapos niyang sabihin 'yon? Hindi ba sabi ko sa ibang tao na lang siya kiligin dahil may Wendy na ako?! Ano pa bang ipinuputok ng butsi mo?!"
Huminga ako nang malalim at matalim siyang tiningnan.
"Kung gusto mong hindi kita pagbintangan, sana hindi ka na lang nakipag-chat sa kanya!"
Sininghalan niya ako. Napanganga ako.
"Pinagbibintangan mo na pala ako? Kailan pa naging masama ang pakikipag-chat sa matalik na kaibigan, Wen?" nanggagalaiti niyang tanong sa akin.
Maga-alas-dies na at halos lahat ng tao sa subdivision ay tulog na. Kami na lang ang tanging malakas ang boses doon. Nangingilid na ang aking luha dahil sa lakas ng tono nang pag-aaway naming dalawa.
"Hindi mo 'ko naiintindihan e-."
"Ako ang hindi mo maintindihan! Anong masama sa pakikipag-usap sa kaibigan?! Ano, sa susunod pagbabawalan mo naman akong makipag-usap sa mga kabarkada ko?!"
Umiling ako.
"'Yan ang mali sa 'yo! You want my full fucking attention to you! When in fact, you just didn't realize that my full attention was always into you! Ikaw ang wala sa atensyon! Dahil puro na lang selos ang nandiyan sa puso mo! Na parati na lang akong mali."
I breathed heavily. Lumapit ako sa kanya. Hinarangan niya ako gamit ng kanyang kamay.
"Let me finish first. I'm tired. Pagod na ako na kainin lahat nang pagbibintang mo. Pagod na akong intindihin ka! Sana sa susunod, intindihin mo rin ako dahil baka...baka sa susunod, maghiwalay na tayo!"
Sabay ng huling salita na sinabi niya ay ang pag-alis niya sa harap ko.
Parang may pader sa aming dalawa na ayaw akong palapitin at habulin siya. Mali akong pambintangan siya at magalit sa kanya ng ganoon. I was too mad that I said those bad words. Masyado kong pinairal ang selos. I sobbed as I saw him walking away from me.
I just slipped one's heart in my hands.
---
Dedicated to: Eyesmile_Girl18, itachillish
BINABASA MO ANG
K.I.R.O.T. (Dagli At Maikling Kwento)
Romance(COMPLETED) #1 KIROT Nasaktan at naiwan ka na ba? Nagpalaya o nagparaya? Sumuko o sinukuan ka na rin ba? Ito ba 'yong pakiramdaman na kinukurot at dinudurog ang puso mo? Isa ka ba sa mga mambabasa na hopeless sa pag-ibig? Ikaw ba 'yong klase ng mamb...