Nag-start na magturo si Ma'am Ramos at nagulat ako kasi alam ko na yung mga tinuro niya. Tumawa na lang ako nung naperfect ko yung quiz sa Math. Perks of going back to the past nyahaha. Natapos na yung 1st and 2nd subject which means recess na. Inakbayan ulit ako ni Joshua.
"Grabe pano mo yun nagawa? Di ba mahina ka naman sa Math?" Grabe pinapaalala pa niya past ko. Tadyakan kita dyan eh.
"Ahh eh nakataon lang na na-gets ko yung discussion." Palusot ko.
" Buti naman naintindihan mo na. Nangogyopa pa naman kayo sakin. Haha at least dalawa na tayong kokopyaan ng mga ugok na to." Sabay akbay niya din sa dalawa.
Napatawa naman ako. Minsan talaga walang filter tong bibig ni Joshua. Matalino naman talaga si Joshua kaya lang palagi nagka-cutting class at bad boy din kaya pasang awa yung grades.
Pagkatapos ng recess pumasok na kami sa 3rd and 4th subject namin. Gaya ng kanina eh naperfect ko rin yung quiz namin sa Computer pero sa History Hindi. Kahit bumalik ako sa past hindi ko yun maalala haha pero kahit papano nakapasa naman.
Pagkatapos ng morning class lumabas na kaming apat. Gusto ko sanang maka-usap si Mina kaya lang baka magtaka ulit sila.Kasama ni Mina si Diana. Unlike ni Mina, Hindi nerd si Diana. Miss ko na tuloy sila. Si Lani naman ay wala pa kasi tratransfer pa siya sa second sem.
"Guys mamaya ah. 1st subject." Sabi ni Joshua. Tsk alam ko na gagawin niyo uy. Pwes di ako sasama bleeh. Magcucutting na naman yan sila. Tumango naman ang dalawang ugok. Tumalikod nalang ako at umalis. Tinawag nga nila ako pero di ko sila nilingon. Naiinis parin ako sa ginawa ni Joshua kay Mina.
Pagkatapos kung mag-lunch pumasok na ako. Hindi nga pumasok ang mga ugok. Hay ba't parang ang lonely ko? Sana pwedeng tumabi sa kanila kaya lang may minimaintain palang image itong si Brian. Badboy image tsk. Napangisi ako ng may pumasok na ideya sa utak ko.
Pagkatapos ng afternoon class, nakita ko na mag-isa si Mina sa bench. Tumabi ako sa kanya. Tiningnan ko siya pero nagulat nalang ako na umiiyak na pala siya. Nataranta ako at binigay yung panyo ko.
"S-sa-l-amm-at." Nauutal pa haha.
"Ba't ka ba umiiyak?"
"Naku, wala to. Ahh a-a-alis na ko." Kinuha niya yung bag niya. Pero hinawakan ko ang braso niya.
"Ba-bakit?" Gulat niyang tanong
"Ah-ahh sa-sabay na tayo." Hala ba't ako na-uutal?
"Huh?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya. Miss ko na talaga mga best friends ko. Nagulat siya. Hala ba't ko ba nakakalimutan sa lalaki na ako ngayon?!
"Sorry Mina, kasi naman ayaw mong ihakbang yang mga paa mo kaya hinawakan kita oo tama kasi medyo late na kaya sabay nalang tayo umuwi." Ano bayan! Parang manliligaw ang dating ko ah? Like ew bestfriend tayo jusko wag mong lagyan ng malisya.
Medyo naniwala naman siya sakin at sumabay nalang sakin. Walking distance lang yung sa kanila at sa amin din. Tahimik parin siya. Hindi ko alam anung iniisip niya kaya binasag ko yung katahimikan.
"Bakit ka nga pala umiyak?" Ay tanga ba't yun yung nasabi ko.
"Ganun ka ba ka curious? Sige sasabihin ko sayo." Hay buti nalang.
"Palagi kasing nag-aaway parents ko at Hindi ko na alam ang gagawin ko." Pumiyok yung boses niya. Oo nga pala ito pala yung time na magkakahiwalay yung parents niya.
"Ganun ba?Ahh medyo Hindi ako marunong mag-advice pero ito lang masasabi ko. Wag kang mag-alala malaglagpasan mo rin yan kasi walang problema na binibigay si Lord na hindi masosolve. Basta wag kalang sumuko." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Sana napagaan ko yung loob niya.
Nagulat siya at ngumiti.
"Alam mo ba parang narinig ko na yan pero hindi ko matandaan kung sino nagsabi sakin ng ganun. Pero salamat talaga."
Hindi ko na pala namalayan na nandito na kami sa bahay nila.
"Ahh nandito na pala tayo sa bahay niyo." sabi ko.
"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" Nagtatakang tanong niya. Shit anong sasabihin ko?
"Ahh nakita kasi kita na pumasok dito kahapon kaya sa tingin ko bahay niyo to. Madadaanan ko kasi yung bahay niyo kasi dito rin yung daan papunta samin." Palusot ko.
"Ahh ganun ba. Sige salamat ulit. Pasok na ko." Tiningnan ko siya habang pumapasok sa loob.
Hay, this day is so reminiscing.
A/N: Si Mina naba ang para kay Brian? Haha abangan...
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasyBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...
