Chapter 9: Pain

293 14 1
                                    


Pagkatapos ng klase ay sinundan namin ni Fifth si Mina. Sinabi ko narin kung pano siya mamamatay. Hindi parin ako sa sang-ayon sa gustong mangyari ni Fifth pero yun ang nakatakda para kay Mina. Pero..

Nakita namin siya umakyat pupunta sa rooftop ng school. Base sa nakita ko sa kanya tatalon siya sa rooftop. Magsusuicide siya. Hindi ko parin tanggap kung bakit niya gagawin yun. Balewala lang pala yung sinabi ko sa kanya.

Tumungtong siya sa pinakadulo ng rooftop. Pumikit siya at nakita ko ang mga luha na lumandas sa pisngi niya. Ihahakbang niya na sana yung kaliwang paa niya nang magulat siya ng may tumawag sa kanya.

"Brian?" Lumabas ako sa pinagtaguan namin at tinawag ko siya. Nagulat naman si Fifth sa ginawa ko.

"Bakit ka magpapakamatay Mina? Balewala lang ba yung sinabi ko sayo?" Parang sasabog nako sa inis at lungkot.

"Brian hindi mo kasi naiintindihan! Ayoko na!Pagod nako! Kahit anong sabi ko sa sarili ko na malaglapasan namin to pero hindi eh mas lalong lumala! Ayoko na! Gusto ko ng mamamatay!"

"Sa tingin mo pag magpapakamatay ka magkaka-ayos na ang mga magulang mo! Sa ginawa mo mas lalo mong pinapalayo ang mga magulang mo sa isa't-isa!" Lumapit ako sa kanya at hinila siya paalis sa pinapatungan niya.

"Hindi pagpapakamatay ang solusyon ng lahat ng problema." Niyakap ko siya at nagulat siya.

"S-sorry B-brian.." At binuhos niya lahat ng luha na gustong kumawala sa loob niya.

Pagkatapos ng eksenang yun pinangako niya na hindi na siya magpapakamatay at di na niya uulitin yun. Eh dapat lang!

Pinakaba niya ko. Tumunog naman ang cellphone niya at sinagot niya yun.

"H-hello?" Namumula parin siya dahil sa pag-iyak niya.

"Huh?Hindi po!Talaga po? San po?Ah cge pupunta nako dyan."natapos yung tawag at ngumiti siya sakin

" B-bakit?"Tanong ko

"Tumawag si Mama at sinabi niya na di na daw sila maghihiwalay ni papa. Hindi ko alam kung pano yun nangyari kasi sigurado talaga ako na maghihiwalay na sila. Pero salamat talaga Brian."

"Pupuntahan mo sila?"

"Oo eh, pasensya ka na ahh gusto mong sumama?"excited niyang tanong

" Naku wag na! Mas mabuti yung kayo nalang mag-pamilya kasi parang closure narin yun para sainyo." Hay, finally!

"Salamat talaga! Hindi ako nagsisi na magustuhan ka."

"Huh?" So, gusto niya talaga ako?!

"Ahh haha magustuhan bilang kaibigan." Tumatawa pa siya na parang ewan

Pagkatapos ng usapan namin ay umalis na si Mina. Lumapit naman si Fifth sakin at umuusok na siya sa galit. Hala, nakalimutan ko siya! Sinuntok niya ko sa ulo. Aray!

"ANONG SINABI KO SAYO?!"

"Pero hindi ko kayang--" Hindi niya pinatapos yung sinabi ko at nag-walkout siya.

Hinanap ko siya sa buong school pero di ko siya nahanap. Oo nga pala, baka naka-uwi na yun. May magic kaya yun! Sa bahay nalang ako mag-sosorry sa kanya.

Pagkadating ko sa bahay pumasok agad ako sa kwarto ko at nakita ko siyang naka-upo sa bintana. Nag-iisip siya ng malalim.

"Fifth, I'm sorry.." Hindi niya ko pinansin.

Pumasok nalang ako sa banyo at dun nag-bihis. Bumaba ako sa sala at binuksan ang TV. Na-dismaya naman ako kasi news na pala hays tapos na yung drama? Nanuod nalang ako at nagulat sa nakita ko. Hindi pwede!

Nasa news si Mina at wala ng buhay.

Reincarnated as a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon