Si Ivan Carlos Sarmiento ang first love at first boyfriend ko. One year ahead siya sakin. Naging boyfriend ko siya Grade 10 ako at nag-last yung relationship namin nung grade 12 na ako. Nag-break kami nung magcollege siya. Nawasak talaga yung puso ko nung panahon na yun at ipinangako sa sarili na hindi na magmamahal ulit. Haha hindi ko alam kung bakit ko sineryoso yun.
Ayun tuloy mamatay akong single haha.
" Ahh si Mi-ahh este si sir Mendoza." Mahirap na baka eechosin din niya ako tungkol sa relasyon kuno namin ni Mina.
"Ahh ganun ba. Nakita ko si sir na umuwi na. "
"Ahh sige alis nako." Tumalikod ako at aalis na sana pero tinawag niya ulit ako.
"Ah Dizon, May itatanong sana ako." enebe yen. Yes, I do. Bwiset ang landi ko.
"Ano yun?"
"May nasalihan ka na bang school club?"
"Wala pa."
"Ahh ganun ba. Sumali ka nalang sa basketball club. Nakita na kitang maglaro at magaling ka nga. Sinabihan ko nga si Cruz na isali ka kaya lang ayaw mo daw." Tsk. member din pala ng basketball team si Joshua? Pero Hindi ako marunong magbasketball! Pero..
Nginitian ako ni Ivan. Shit.
"Ahh cge." Wala sa sarili kong sabi.
"Talaga?Sige ibibigay ko nalang Kay Cruz yung membership form mo. Sige alis nako Dizon." At umalis na nga siya.
Hay, ang gwapo talaga niya. Natapos yung pagdedaydream ko ng marealize ko yung katangahan ko. WAAH! Pumayag lang naman ako. Bwiset Pano nato? Langya ang landi mo Yana! Waah huhu..
Kinabukasan, binulabog ako ng sigaw ni Joshua. Napatingin lahat ng estudyante sa room dahil sa sigaw niya. Gago. Lumapit siya sakin.
"Pare, I thought we're best friends pero bakit feeling ko masyado ka ng maraming tinatago sakin."
"Bakit ba? Ang aga-aga mong mangbulabog." Inis kong sabi.
"Si Captain may binigay na membership form sakin. Para sayo daw. Grabe noon pa kita sinabihan na sumali tapos pumayag ka ng captain ang nagsabi sayo. Nakakatampo ka." Nagpa-awa effect pa ang gago. Ew ang sagwa lang.
"A-ahh k-kasi..hindi ko pa feel noon pero ngayon medyo feel ko na a-hahah" yung tawa ko parang natatae pero medyo naniwala naman siya.
"Mamaya pala pagkatapos ng class may practice daw." Binigay niya yung form.
Kung punitin ko nalang kaya to at magback-out? Gaga! Natawa nalang ako sa ideya ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasyBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...
