Chapter 1: Reincarnated as a Boy

773 28 1
                                    

"Brian, gumising ka na nga dyan! Kanina ka pa nakahilata dyan. Juskong bata ka late kana!!" Reklamo ni Mama.

Ba't ba ang ingay ni mama? Tsaka sino si Brian? Wala akong kapatid na brian ang pangalan.

Gumising nalang ako para tanungin sana kung sino si Brian.

"Hay salamat gumising kana.Yung ate at kuya mo kanina pa umalis. Naku." Tapos kinurot yung tenga ko. Nagtataka parin ako sa sinabi ni mama pero bumangon na lang ako.

"Sige na ma. Maliligo muna ako at kakain pagkatapos." Tinulak ko siya palabas sa kwarto ko.

Pumasok ako sa banyo at nanghilamos. Tumingin ako sa salamin para tingnan sana ang sarili pero nagulat ako sa nakita ko. Tiningnan ko yung buong katawan ko.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" sigaw ko

"Bakit anong nangyari sayo?!" Alalang tanong ni mama na may hawak pa na walis. Halatang nagmamadali siya.

"Ah eh w-wwala p-o." sagot ko sabay ngisi. Hinampas naman ako ng walis ni mama.

"Ikawng bata ka wag mo nga akong maloko-loko!!" Hinampas ulit ako.

"Aray! Sorry na po. Di na mauulit." Sabay ilag sa mga hampas ni mama.

Pagkatapos ng eksena sa bahay ay pumunta nako sa school.

Hindi ko parin maintindihan kung bakit ako nabuhay at naging lalaki. Parang bumalik ako sa oras kasi highschool pako pero hindi naman ako lalaki! Waaah!

"Brian pare, nandito kana pala!" sabi ni Joshua sabay akbay sakin na parang sasakalin ako. Kailan pa kami naging close nito? Eh bully to eh! Kasama niya rin si Mark at Louie na barkada niya.

Waah Hindi ko talaga alam kung pano ko na-tropa tong mga badboy nato. Pumasok na kami sa room at may nabunggo si Joshua.

"Ano ba yan! Ba't ka ba paharang-harang sa dinadaanan ko!" Sigaw ni Joshua.

Tiningnan ko kung sino yung sinigawan si Joshua. Nagulat ako kasi si Mina pala yun. Gago best friend ko yung sinisigawan mo! Babasagin ko yang pagmumukha mo eh!

"Tama na nga yan!" Hindi ako nakatiis. Tiningnan ko si Mina. Mukhang nerd pa siya. Napangiti nalang ako kasi naalala ko mag-aayos nayan pag nag-grade 12 na kami. Grade 10 pa pala kami ngayon.

"Wag mong tratuhin ng ganyan ang mga babae. Dapat nirerespeto mo sila." Nagulat naman halos lahat sa sinabi ko.

"Ano bang sinasabi mo, Brian? Di ba inis na inis ka sa mga babae?" Sabi ni Joshua. Nagulat naman ako. Kelan ko sinabi yun aber?

"Bahala na nga." Pumunta na siya sa upuan niya at sumama rin si Mark at Louie. Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko.

"Umm, ano Brian salamat nga pala." nag-bow si Mina at tumakbo papunta sa upuan niya. Tsk. di bagay sa kanya ew haha.

Sinenyasan naman ako ni Joshua na umupo sa tabi niya. Pumunta ako sa upuan na sinabi niya at baka mamaya dadating na si ma'am. Ayoko pa namang mapagalitan.




A/N: Any thoughts? Your comments are highly appreciated ^__^

Reincarnated as a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon