Bigla namang tumunog ang cellphone ko at napatingin naman ang ibang tao sakin. Nakita ko ring lilingon sila lani kaya dumuko ako at tumama ang ulo ko sa lamesa. Napa-aray naman ako ng mahina at narinig kong humalakhak si Fifth."Hindi na sila nakatingin." Sabi ni Fifth
Umayos naman ako ng upo at sinagot ang tawag ni Mama."ASAN KA NA BANG BATA KA?!" Inilayo ko yung cellphone hayss..
"Bakit ba?" wala sa mood kong tanong
"WAG MOKONG MA-BAKIT BA DIYAN! ALAS-SAIS NA TAPOS HINDI KA PA UMUUWI!" Ganto na si Mama simula nung mamatay si Mina. Nagiging overprotected na siya pero naintindihan ko naman.
Natapos na yung tawag at napagdesisyunan namin ni Fifth na umuwi na kami. Sayang hindi ko man lang nalaman kung ka-ano-ano nila yung matanda nayun. Habang nasa daan ay kinausap ko naman si Fifth.
"Talaga?!" Gulat niyang tanong
"Oo nga."
" Kaya lang..parang may mali eh."
"Bakit?"
"Kasi hindi ko nakita kung pano siya mamamatay."
"Ano?!" Gulat niyang tanong at napa-kagat naman siya sa hintuturo niya. Nag-iisip nanaman siya ng malalim.
"Anong iniisip mo?"
"Hindi ko alam kung bakit nangyari yun pero may hinala nako at ayaw kong maniwala sa ideyang iyon." Paliwanag niya
"Ano ba kasi yun?"
"He have a Zeratium beside him." Zera-what?!
"Ano yun?"
"Yun ang tawag sa isang Grim Reaper na nagproprotekta sa isang mortal." What? Merong ganun?
"B-bakit? Bakit nila prinoprotektahan ang mga tao?"
"Hindi ako sigurado kasi alamat lang naman yun. Ayun sa libro, sila ang mga grim reaper na tumiwalag sa pagiging grim reaper and they become demons. They protect mortals but eventually they will eat their souls." Ano?!
"Kumakain kayo ng kaluluwa?!"
"It's against our creed and I once read it in the prohibited section in our library that human souls taste good." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.
"Hahahahaha." Tumawa naman siya sa reaction ko. Bwiset!
"Pero wag kang mag-alala hindi ko kakain ang kaluluwa mo. I'm not like them and I will never be." ngumiti naman siya to make me at ease.
Nakahinga naman ako ng maluwag pero....
hindi ko alam kung bakit kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa ngiting yun.
A\N: Zeratium ay gawa-gawa ko lang kaya don't search it hahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/190049239-288-k865692.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasíaBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...