"Congrats, bes!" niyakap ko si Lani dahil finally kinasal na siya for almost forever niyang pagdadrama sa love life niya. Pano ba naman kasi on-off yung relationship nila ni Jefferson.
"Thank you talaga bes. At sa inyo rin guys." Mangiyak-ngiyak niyang sabi sa ibang kaibigan din namin.
Tiningnan ko ang mga barkada ko. Si Mina buntis na at si Diana kinasal din last year. Ngayon si Lani naman ang kinasal. Masaya ako para sa kanila. Kainggit bwiset.
"Ikaw Yana kailan ka ba kakasalin? Don't tell me, Hindi ka pa nakamove-on sa High School first love mo?"hirit naman ni Mina.
" Naku, ano ba kayo matagal na Kaya akong nakamove-on sa kanya." sagot ko naman
"Hindi nga? Eh bakit Hindi ka nagkaroon ng boyfriend during college years natin? At mukhang wala ka ding kalandian sa office niyo." dagdag ni Diana. Natawa na lang ako.
Ganyan sila ka updated sa walang laman kong love life. Alam na nila lahat ng kwento sa buhay ko at alam ko rin yung kanila. Ganun kami ka-close. Mas close pa nga ako sa kanila kesa sa mga kapatid ko.
Nagtinginan silang lahat. At alam ko na yung mangyayari.
"Naku, wag niyo ng ituloy yang balak niyo. Wag niyo na akong ireto kahit kanino." Inunahan ko na sila.
"Eh kasi masyadong mataas yang standards mo. Naku tatanda kang dalaga diyan." sabi ni Lani.
Mas mabuti nalang yun kesa makadate ng mga ugok na katulad nila. Yung unang sinet-up nila sakin ay isang Attorney. Parang lumiliit yung confidence ko. Yung mga topics namin tungkol sa laws at para akong tinatamaan ng kidlat kapag tinatanong niya ko kung ano yung naintindihan ko sa mga sinasabi niya. Yung ginawa ko eh nagpapalusot ako na masakit yung ulo, tiyan ko at kung anu-ano pa.
Yung pangalawa naman eh isang dakilang two-timer. Naalala ko pa nga na binuhusan ako ng malamig na tubig ng girlfriend niya. Grabe na-highblood ako nung oras na yun. Hindi ako nakatiis at nag-walkout ako. At yung pangatlo at pang-apat ay palpak rin. Hays, malas ko talaga sa pag-ibig.
Kinabukasan, na-late akong gumising. Matagal kasi ako nakauwi galing sa kasal. 8:30 yung oras ng trabaho ko at nagising ako ng 9:30 na! Wow congrats self! First time mong malate haha. Nagmadali akong magbihis at Hindi na nga ako kumain. Tsk. traffic pa naman. Buti nalang may naabutan pa akong taxi.
Lumabas ako sa taxi at papasok na sana sa office nang may nakita akong bata na masasagasaan na ng isang delivery truck. Tumakbo ako at tinulak yung bata at pagkatapos ay dumilim na ang paningin ko. Ang huli kong narinig ay ang ingay sa paligid. Masakit rin ang buong katawan ko. Mamamatay na ba ko? Napangisi nalang ako. Mamatay akong single. Kunsabagay, naiahon ko naman yung pamilya ko sa hirap. Wala na ata akong unfinished business. Pero sana sa next life ko, makahanap na ako ng taong mamahalin ko.

BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasyBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...