Chapter 3: Rumors

544 22 1
                                        

Tatlong araw na ang lumipas simula nang maging lalaki ako. Nandito ako ngayon sa harap ng boys cr at hindi sigurado kung papasok ba ko o hindi. May biglang umakbay sakin at alam ko na kung sino.

"Hindi matutunaw ang pinto sa katititig mo. Hindi ka ba papasok?" tanong ni Joshua.

"Ahh papasok siyempre." Kinakabahan kong sagot.

"Sige sabay na tayo at pag-usapan narin natin yung atraso mo sa barkada." Medyo natakot ako sa expresyon niya. Oo nga pala, di ko sila sinipot kahapon.

Dali-dali akong pumasok sa cubicle. Pero tinawag niya ko.

"Ba't ka pa papasok dyan?" nagtatakang tanong niya. Napa-huh naman ako.

"Dito kaya tayo umiihi." Swear ang pula na ng mukha ko. Hindi ko alam yung tawag nun basta yung cubicle na walang harang.

Binuksan niya yung zipper niya at tumalikod na lang ako.

"O, Hindi ka ba iihi?"

"A-ahh natatae kasi ako kaya dito nalang ako." Turo ko sa cubicle na may harang.

"Ngayon ka pa natatae? May sasabihin pa naman ako pero mamaya nalang ayokong makaamoy ng haha alam mo na." Tumatawa siyang umalis buti nalang tumalikod ako nung umiihi siya.

Aish para akong ewan. Parang wala akong ganun. Huhu feeling ko na-devirginized ako. Araw-araw kasi akong nakakakita ng ganun! Huhu ayoko na..

Pagkatapos mag-cr ay pumasok nako sa room. Nakita ko na sinenyasan ako ni Mark at pumunta ako sa kanila.

"Patay ka kay Boss, Pare." sabi ni Mark. At humalakhak pa ang gago. Kinabahan naman ako.

"Oh, ayan napala siya." dagdag naman ni Louie. Napatingin naman ako sa kadadating na si Joshua.

"Alam mo pare medyo inis pako sa ginawa mo kahapon pero ang mas kinaiinisan ko ay ay ang rason kung bakit mo kami inindiyan. Kailan pa kayo nagkarelasyon ni Mina?" WHAT?!

"Sinong maysabi?"

"Kalat na kalat kaya sa campus." Hirit ni Mark. Wow masyado naman ata akong famous pag ganun.

"Kelan ka pa naging chismoso?"inis kong sabi kay Mark

" Hindi yun pagiging chismoso. Masyadong malakas boses nila kaya rinig na rinig namin." sagot ni Joshua.

Hindi natapos yung usapan namin dahil pumasok na si Ma'am Ramos. Hindi ako maka-focus sa klase at tumingin ako kay Mina. Nagulat ako kasi nakatingin din pala siya sakin. Nagulat siya at umiwas ng tingin. Anong ibig sabihin nun? Gosh siya ba yung nagpakalat sa tsimis na yun?Pero bakit? OMG may gusto ba siya sakin? Natapos ang buong klase namin at lutang parin ako.

Kailangan kong maka-usap si Mina. Hinanap ko si Mina pero hindi ko siya mahanap kung saan.

"Sinong hinahanap mo Dizon?"Isang matikas na Bose's ang tumawag sakin.

OMG kilala ko yung boses na yun! Humarap ako at nakita ang HS first love ko na si Ivan.

Waah! Hindi pwedeng nakita niya akong ganito!


Reincarnated as a BoyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon