Kinabukasan mukha akong zombie kasi hindi ako nakatulog kagabi. Naki-tulog naman si Fifth sa bahay at siya pa ang natulog sa higaan ko. Tsk. Natutulog din pala ang mga Grim Reaper? Ang resulta ay natulog nalang ako sa sahig. At ang mas nakakainis pa ay sumama pa siya sakin sa school."O, anong tini-tingin tingin mo dyan?" tanong niya sakin
"Ah, Hindi ka ba nakikita nila." Turo ko sa mga ibang estudyante
"Hindi nila ako nakikita at siyempre exempted ka."tumawa pa siya
" Pero hindi ko parin ma-gets pano ba kita matutulungan?"
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam kasi wala ka namang kapangyarihan at hindi ko alam kung ano ang trip ng matandang hukluban na yun at kinonekta pa tayong dalawa. Bwiset talaga!" Haha parang sinasabi mo narin na di moko kailangan.
Pumasok nako sa room at sumunod naman siya.
"Pero-" lumingon ako sa kanya kasi may sinabi siya pero hindi niya natapos kasi dumating si Mina at nilagpasan siya ng walang kahirap-hirap.
"G-good morning Brian."ngumiti siya pero nagulat ako sa ibang nakita ko.
" Ahh, Brian okay ka lang?"tanong ni Mina
"Huh?" Natauhan ako sa tanong niya.
"A-ahh oo haha." Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko
"Ganun ba?Buti naman sige punta nako sa upuan ko." Paalam niya at tumango naman ako.
Pumunta na din ako sa upuan ko. Nag-start na yung klase at yun parin ang iniisip ko. Nagulat ako kasi tinapik ako ni Fifth at tinuro si Ma'am na galit na nakatingin sakin.
"Mr.Dizon!"
"Out of my class now!" galit na utos ni ma'am Ramos
"Kanina ka pa tinatawag ni maam, pare" bulong ni Joshua
Waah bakit ba absent minded ako! Lumabas nalang ako sa klase at sumunod naman si Fifth sakin.
"Ano bang nakita mo sa babaeng yun kanina?" seryosong tanong niya
"N-nakita k-ko ang kaluluwa niya at hindi lang yun nakita ko kung p-pano siya m-mamatay." takot kong sabi sa kanya.
"Ano?!"
"Kaya pala hindi ko na nakikita ang mga kaluluwa na kinukuha ko. Wow!" Tuwang-tuwa niyang sabi
"Bakit masaya ka pa?!" Mamatay na nga yung tao tapos masaya pa siya!
"Kasi ibig sabihin magsisimula na ang misyon ko matatapos na ang parusa ko. Kaya.."tumingin siya sakin
" Hindi pwede!" Ayoko! Ayokong tanggapin na mamatay siya at sa paraan pa na yun
"Hindi ka pwedeng makialam sa dapat na mangyari!" Inis niyang sabi
"Pero.."
"Wag kang gumaya sa ginawa ko dati at kahit ayaw mo susunduin ko na siya. Kaya sabihin mo sakin Pano siya mamamatay?"
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasíaBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...