"Kailangan mong ligawan si Lani." sabi ni Fifth
Gabi na at hindi parin kami natulog dahil nag-iisip kami ng plano para sa pangalawang kaluluwa na kukunin niya. Nagulat naman ako sa plano niya.
"B-bakit naman yan ang plano mo?!" Waah ayoko! Hinawakan naman niya ang mukha ko at nagulat ako.
"Makinig ka." At nakipag-eyecontact siya sakin. Sigurado akong sobrang pula na ang mukha ko ngayon.
"Kapag napasagot mo siya ay ipapakilala ka niya sa mga magulang niya at yun ang tamang oras para atakihin ko ang Zeratium niya at kailangan mong siguraduhin na hindi aalis ang Papa niya." Paliwanag naman niya.
Sinabi niya kasi sakin na posibleng papa nila yung lalaking yun. Hindi nga ako naniwala pero may sinabi naman siyang rason kung bakit. Na-kumbinsi niya naman ako. Grabe akala ko wala siyang pakialam sa nangyari kanina kasi kain lang siya ng kain.
"Pano ka naman nakasisiguro na ipakikilala niya ko?" tanong ko
"Matagal ko ng ino-obserbahan ang mga mortal kaya alam ko." Grabe sigurado talaga siya?
"Pero pano mo naman lalabanan ang Zeratium? Nakikita mo ba sila? Kasi diba nasa sakin yung ability mo noon na makakita ng alam mo na." tanong ko
"Ako na ang bahala dun. Basta sundin mo lang ang plano."
Kinabukasan, pumasok nako sa school at sinalubong ako nila Joshua. Inakbayan ako ni Joshua at may sinasabi siya pero hindi ko naintindihan kasi iniisip ko parin yung plano namin ni Fifth. Sinuntok naman niya ng mahina ang ulo ko. Gago! Sa ulo pa talaga!
"Kanina pako nagsasalita dito tapos hindi man lang ako nakatanggap ng sagot galing sayo?" Inis niyang sabi
"Sorry, ano bang sinabi mo?"Ay shit tanga lang!
" Ay, Ewan ko sayo." Pumunta na siya sa upuan niya at iniwan ako.
I mentally slap myself dahil sa katangahan ko. Umupo narin ako dahil dumating na si Ma'am Ramos. Habang nag-lelecture si ma'am ay napatingin ako kay lani at nagulat ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Baka anong isipin niya! Tanga ko talaga!
Pagkatapos ng morning class ay lumabas na silang lahat at naiwan kami ni Fifth sa loob. Lumabas na kami at nagulat ako sa naghihintay sakin sa labas. Si Lani. Waah!
"B-bakit?" Tumingin lang siya sakin at ngumiti
"Hi, Brian right?" tanong niya
"Oo, bakit?" Tiningnan naman ako ni Fifth na parang sinasabihan ako na do-the-plan-looks
"Baka magulat ka pero may itatanong sana ako." Waah ayan na..
"A-ano?"
"Do you like me?" Nahihiya niyang sabi.
Tumingin naman ako kay Fifth na sinabihan akong mag-oo. Pero..
"O-oo gusto kita." I can't believe it!
"Talaga?!" nagulat naman ako sa reaction niya.
"I like you too." W-what??
![](https://img.wattpad.com/cover/190049239-288-k865692.jpg)
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasiaBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...