Chapter 6: The Observant Girl

345 11 1
                                    

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Haha hindi ako bakla kasi babae ako!

"Naku, wag mo ng ideny kita ng dalawang mata ko kung pano ka nagha-hyperventilate kapag nakikita at nakaka-usap mo si Ivan."
Waah ganun ba ko ka-obvious?

"Hindi nga ako Bakla. Halikan kita diyan eh." Haha Biro ko sa kanya.

"Talaga?Sige nga." Nilapit niya yung mukha sakin. Nagulat ako sa ginawa niya  kaya tinakip ko nlang yung kamay ko sa mukha niya.

"Aish." Kinuha niya yung kamay ko na nakatakip sa mukha niya.

"Sa ginawa mo masyado mo lang pinatunayan ang hinala ko." sabi niya ulit. Grabe hindi ako makapaniwala sa babaeng to!

Bakit ba nakalimutan ko na observant pala ang babaeng to. Naalala ko dati siya yung nagsabi Kay Lani na tino-twotime siya ni Jefferson dati. Hindi pa nga naniwala si Lani Kaya lang ang bruha may evidence evidence pang nalalaman. Kamag-anak niya ba si Detective Conan? haha

"Hindi ba pwedeng hindi kita gusto kaya ayaw kong halikan mo ko?"

"Sus.ganyan mga excuse ng mga baklang kakilala ko. Pero anyway, hindi talaga kita gusto para Kay Mina." Tiningnan niya ako ng masama

"Kasi gusto mo ako lang sayo." Haha mabiro nga ulit.

"Hoy! Hindi kita type noh?! Ang akin lang itong si Mina eh crush ka at Hindi ko Alam kung bakit at mas lalong di kayo bagay ni Mina kasi BAKLA ka!" Umuusok na siya sa galit. Grabe iniinsits talaga niya na bakla ako. Hala hindi pwedeng magkagusto sakin si Mina kasi di kami talo!

"Oh, wala kang masabi kasi tama ako?"

"Wala akong pakialam sa kung anong tingin mo sakin kasi kapag sinabi ko namang hindi eh hindi ka naman maniniwala. Bahala ka nga dyan." Sorry Diana kailangan ko pang malaman kung bakit ako naging ganito kaya sa ngayon hindi ko pa masasabi sayo.

Umalis nako at sa sobrang dami ng iniisip ko eh nakalimutan ko na iniwan ko pala si Diana. Ang bad kong kaibigan. Hay, ang daming nangyari sa araw nato.

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari sa buhay ko. Ba't kailangan ko pa ng part 2 sa buhay ko? Ba't naging lalaki ako? Ano ba talaga ang nangyari? Haysss..

"Ang lalim ng iniisip natin ah?" isang di pamilyar na boses ang nagsalita. Waah sino yun? Tumingin tingin ako sa paligid.

Shocks. Wala naman akong nakita. Pinikit ko nalang yung mga mata ko at nagprepray sa isip ko.

"Hahaha wag ka ngang magtulog-tulogan dyan." dahan-dahan kong ibinuka yung mga mata ko at nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang.

"Sino ka? Pano ka nakapasok dito?" nagtataka kong tanong. Yung ngiti niya ay napalitan ng seryosong mukha.

"I'm a grim reaper and I'm here to collect again the souls I failed to collect."  ngumiti siya ng nakakatakot.

Reincarnated as a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon