1 month na ang lumipas nung inilibing si Mina. Natapos na ang first sem at tapos na rin ang semestral break kaya balik eskwela na. Excited ako ngayon kasi ngayon tratransfer si Lani. Pero oo nga pala, mababago na ang present at maaring mali ako. I'm excited for nothing hayss.
Papunta nako sa school at as usual sumama si Fifth. Okay na pala kami kasi hindi niya ko natiis haha pano ba naman paulit-ulit akong nag-sorry sa kanya at nangako narin ako na hindi nako susuway sa kanya. Sinabi lang naman niya na:
"Ano pang magagawa ko? Hindi ko na rin naman makukuha ulit yung kaluluwa niya hayss." Grabe nakonsensya talaga ako. Baka hindi na niya matagumpayan ang misyon niya dahil sakin.
Pagkadating ko sa room ay sinalubong ako nila Joshua. Nagkamustahan kami at hindi ko alam kung bakit pero nagiging close nako sa mga ugok nato. Sa past life ko never ako naging close sa mga lalaki pero ngayon nagbago na talaga. Maya-maya pa ay dumating na si ma'am Ramos
"Okay class before we start our discussion, I have something to announce." OMG!
"We have a transferee. Come here, iha." At pumasok yung transferee at waah si lani nga! I'm glad kahit papano may hindi nagbago.
"Introduce yourself, iha." utos ni ma'am. Tumingin naman ang lahat sa kanya
"Hi, I'm Lanica De Vera. I'm from Davao and I'm 16 years old. Nice to meet you all." Hindi nako nagulat. Tinuro naman ni ma'am yung bakanteng upuan sa tabi ni Diana at dun pina-upo si Lani.
Natapos na yung morning class at nakita ko namang tinotour ni Diana si Lani sa school.
Kinalabit naman ako ni Fifth.
"Kanina ka pa nakatingin sa kanya ah, nakikita mo ba na siya na ang susunod?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ah!" Sigaw ko at nagulat naman sila Joshua sa pagsigaw ko.
"Hindi ah-yos talaga ng bakasyon ko kasi tumulong lang ako sa negosyo namin." Pansin ko kasi na bakasyon yung topic nila. Medyo naniwala naman sila. Tumatawa naman si Fifth sa tabi ko. Tsk.Pagtawanan ba naman ako?
Natapos na ang buong klase at umuwi na kami ni Fifth. Habang nasa daan ay nakita ko si Lani na kasama si Ivan. Anong ibig sabihin nito? May relasyon ba sila?
#FeelingBetrayed
Nakita kong umalis sila.
"Sundan natin sila, Fifth."
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Ahh kasi-"
"Nakita mo ang kaluluwa sa lalaking yun?Siya na ba?" Excited niyang tanong
"Hindi."
"Eh, bakit natin sila susundan?" Hindi naman ako nakasagot
"Ahh sige na nga for the sake of your love para kay Lani." Waah Hindi kay Lani!
Sinundan nga namin sila at pumasok sila sa isang restaurant. Waah magdadate sila!
Pumasok naman kami ni Fifth at nakita namin silang umupo. Hindi naman sila nag-usap eh bakit nag-dedate sila kung di naman sila mag-uusap? Maya-maya pa ay may dumating na lalaki na medyo matanda na. Sa tingin ko ay nasa 50-60 years old na siya. Umupo siya sa table nila Lani at tinawag ko naman si Fifth na parang patay gutom kumain.
"Bakit?" Sabi niya habang puno ng pagkain ang bibig niya. Napangiwi naman ako.
"I think I found our second mission."sabi ko
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasyBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...
