"Isang babae patay matapos masagasaan ng isang four wheeler truck. Nakuha sa CCTV kung pano nawalan ng kontrol ang truck at bumangga sa kanang bahagi ng daan kung saan nandun ang dalagita. Ayon sa-" Wala na akong naintindihan sa balita at parang gumuho ang mundo ko. Dali-dali akong pumunta sa kwarto at hinanap si Fifth.
Nakita ko siyang naka-upo parin sa bintana.
"B-bakit namatay parin si Mina?!" Nagulat siya sa tanong ko
"Sinasabi ko nga ba!"parang may na-solve siyang puzzle sa utak niya
" Pinatay mo ba siya?!" Dahil ba di ko sinunod ang nakatakda kaya..
"Hindi ko siya pinatay! Dahil sa ginawa mo kanina nagbago ang kapalaran niya pero hindi parin magbabago at katotohanan na mamatay siya ngayon." paliwanag niya
"At hindi ko alam kung bakit..Ahh ngayon hindi ko na alam ang mangyayari! Hindi ko makuha ang kaluluwa niya at..aah karma ko nato!" Napa-sabunot naman siya sa sarili niya.
Namanhid naman ang binti ko at napaupo ako sa sahig. Bakit? Masama ba yung ginawa ko? Masama bang hangarin na mabuhay ang kaibigan mo? Umiyak ako ng umiyak ng gabing yun.
Kinabukasan nag-luksa ang lahat. Umiyak ng umiyak si Diana. Pagkatapos ng buong klase namin ay pumunta kaming lahat sa bahay nila Mina.
"Kasalanan ko to dahil palagi kaming nag-aaway ng asawa ko at hindi namin inintindi ang dapat maramdaman niya." Umiyak ang mama ni Mina habang nagkwekwento sa mga kaibigan nito.
"Brian, pwede ba niyang maka-usap?" nakita ko si Diana at sumama naman ako sa kanya.
"Alam mo parang kailan lang mga bata pa kami ni Mina tapos sabay din kaming nangarap na sabay kaming kakasalin tapos-" Hindi niya na natapos yung sasabihin niya dahil umiyak na siya.
"Pasensya ka na..Shit bakit ba ayaw tumigil ng mga luhang to!" Binigyan ko nalang siya ng panyo.
"S-salamat. K-kung sana nalaman ko na mangyayari to sana tinulungan ko siyang mapalapit sayo kasi gusto ka niya. K-kahit ano gagawin ko para sa kanya." Umiyak ulit siya.
Pagkatapos ng 2 weeks na wake ay inilibing na si Mina. Nandito kami sa sementeryo at rinig na rinig ko ang iyak ng mama ni Mina habang yakap-yakap ang kabaong ni Mina.
Hindi ko napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko. Hindi man lang niya nakilala si Lani na magiging parte rin ng buhay niya. Bakit kailangan pang maging ganito? Sana hindi nalang ako nabuhay muli edi sana hindi mababago ang lahat. Buhay pa sana si Mina.
Sabi ni Fifth dahil nabuhay ako ulit, ang nangyari noon ay maaring mabago na ngayon. Bakit Hindi ko yun naisip?
Panigurado akong galit parin si Fifth sakin. Sinira ko ang misyon niya. Nung wake ni Mina ay hindi siya pumunta at kahit sa bahay hindi niya rin ako pinapansin. Kailan kaya kami magkakabati? Kasalanan ko to! Kasalanan ko ang lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasyBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...
