Chapter 5: Bakla ka nga

452 12 0
                                    

Natapos na buong klase namin at nagmadali akong ipasok yung mga gamit ko sa bag  dahil sisibat ako sa practice haha. Aalis na sana ako nang hinawakan ni Joshua yung bag ko.

"O, nakalimutan mo ba na may practice tayo pagkatapos ng klase?" nagtatakang tanong niya.

"Huh? Ah haha hindi ko kaya nakalimutan. Ahh ano kasi oo tama may dapat pala akong gagawin kaya pakisabi nalang kay Ivan este captain na sa susunod na ako papractice he he." palusot ko.

"Alam ko na yang mga style mo pare. Sa tingin mo maloloko mo ulit ako? Sa ayaw at gusto mo prapractice ka." At ang walanghiya sapilitang hinila ako. Waah ayaw akong bitawan. Kaya ngayon, nandito kami ngayon sa basketball court at natulala na lang ako. Never as in never akong humawak ng bola sa tanang buhay ko. Pano na to?

Nagsimula ng magpractice and as expected palpak ako. Madali lang akong hingalin at Hindi ko pa ma-shoot yung bola. Completely Useless talaga ako.

"Ano bang nangyayari sayo? Nawala naba talent mo sa basketball?" sabi ni Joshua at tumawa pa ang gago. Binigyan ko siya ng I-will-kill-you-look pero tumawa lang ulit siya.

"Dizon." naistatwa naman ako ng tinawag ako ng boses na yun. Si Ivan.

"Ah Iva- este Captain. Bakit?" pahamak ka talaga yana!

"Let's talk. Ah Cruz iwanan mo muna kami." Utos niya. Umalis siya at binigyan niya ako ng patay-ka-kay-boss look. Gago.

"What happened to you? I've seen you play basketball and you're good. Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya

"Ahh oo kasi ano nahulog ako sa hagdan kanina oo tama kaya medyo masakit pa katawan ko. Mukha nabalian ata ako." Sabay arte na  nabalian kuno.

"Pano na yan? Next week na yung tournament at sayang naman kung hindi ka makasali." Naku. Ba't parang nangungunsensya ka?

"S-so-rry talaga captain. Mukhang di talaga ako makakasali." Kasi hindi ako marunong at hindi na ako magpapauto sa charms mo.

"Ganun ba. Pero hindi ka naman aalis sa team dba?"

"Ahh oo naman." Kailangan ko pang makakita ang kagwapuhan mo no. Aish ang landi ko!

"Ahh bumalik na tayo dun. Ididismiss ko nalang kayo medyo late na kasi atsaka wala si coach kaya ako nalang." Tumango naman ako.

Pagkatapos ng nakakapagod na practice ay umalis nako  at palabas na ako ng gate nang may bumulong sa tenga ko.

"Boo!" Waaah napasigaw ako sa takot.

"Hahahahahaha." Nilingon ko kung sino yun at nagulat ako kasi si Diana pala. Bwiset na babaeng to.

"Ngayon, sigurado nako sa hinala ko." Anong pinagsasabi niya?

"A-an-ong sigurado?" Tumawa ulit siya.
"Bakla ka nga." Ngumisi ulit siya.

W-whattt??

Reincarnated as a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon