"Ano? Oh, ito piso maghanap ka ng kausap mo at umuwi ka na baka hinahanap kana sa inyo." Binigyan ko ng piso bwiset ako ba naman yung pagtripan.Dumilim ang expresyon niya. Nagulat nalang ako ng lumulutang nako. Waah anong nangyayari? Siya ba may gawa nito? Hindi pa siya nakuntento at inikot-ikot niya pako.
"Waah tama na. Oo na naniniwala nako."
Lumiwanag ang mukha niya. Tinigil niya din yung ginagawa niya at bumagsak ako sa sahig. Bwiset ang sadista ng kamatayan nato.
"Una sa lahat alam kong naguguluhan ka tungkol sakin at wow gusto ko ang bagay nato" Humiga siya sa kama ko at sinenyasan niya akong umupo sa upuan. Grabe hindi ka naman mahiyain ano?
"Tama na nga yan! Anong pangalan mo at anong kailangan mo sakin?" Naiinis nako sa feel at home na kamatayan nato
" Ako si Fifth at nandito ako sa misyon ko. Ang misyon ko ay may kinalaman sayo."
"Bakit kasama ako?" Bakit nga ba?
"May nagawa akong isang malaking kasalanan. Nung araw na mamatay ka ay ako ang dahilan kong bakit nabuhay kang muli." paliwanag niya.
"Huh? Bakit? Bakit moko binuhay? At bakit ako naging ganito?"
"Hindi ko naman intensyon na buhayin ka. Ako nga ang reaper na kukuha sayo pero hindi kita kinuha." paliwanag ulit niya.
"Bakit? Bakit Hindi moko kinuha?" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdamam.
"Hindi kita kinuha dahil naging pasaway ako. Hindi nako nasisiyahan sa mga ginagawa namin at hindi ko alam kong bakit ko tinupad ang hiling mo."
"Hiling? Wala naman akong hiniling ah?" Eh sa wala naman
"Hiniling mo na sana makahanap ka ng taong magmamahal sayo. Nakakatuwa lang kasi sa lahat ng mga sinundo kong nag-aagaw buhay ay ikaw lang ang humiling." Waah oo nga nasabi ko nga yun!
"Pero kung yun ang hiniling ko eh ba't naging lalaki ako?" Nakapagtataka parin.
"Kasi nalaman agad ng nakatataas ang ginawa ko. Hindi ko alam kong ano ang ginawa nila sa kahilingan mo at pinarusahan nila ako. Pinatapon nila ako dito sa lupa at binigyan ng misyon." Waah kasalanan pala nila!
"Ano ba ang misyon mo?" At bakit kasama ako?
"Kunin ang mga kaluluwa na hindi ko kinuha." So madami pala kami? So ibig sabihin?
"Ibig sabihin kukunin mo rin yung akin?" So, mamatay ako ulit?
"Sa ngayon, hindi ko pa makukuha dahil konektado tayong dalawa." Tinuro niya ang bracelet na nasa left wrist at tinuro rin niya ang bagay na nasa leeg niya. Kaya pala Hindi ko matangal-tangal to!
"Hindi ko alam kung anong irereact ko. Parang wala akong makukuha dito eh! Ikaw mapapatawad na eh ako mamatay ulit!" Hindi ko alam pero nalulungkot ako.
"Pasensya na hindi ko rin alam kung anong mangyayari sayo. Pero sa tingin ko may plano siya sayo." Si Lord ba ibig sabihin niya? Sige gagawin ko nalang to para sa kawawang kaluluwang pinakawalan niya.
Marami pa siyang sinabi at ang resulta ay hindi ako nakatulog sa pag-iisip sa mga kasagutan sa mga tanong ko noon.
A/N: Sa mga spoilers(kung meron man)Wag natin i-spoil ang mga new readers(kung meron din ulit) Arigato!
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Boy
FantasyBriana Grace Dizon is a typical independent woman.Despite being independent, there is something she doesn't have. Lovelife. After her first heartache, Hindi na siya nagkaroon ng boyfriend. Lahat ng barkada niya ay nakasal na at nagka-asawa na while...