Chapter 1: The Victim

77 0 0
                                    

***Ang mga pangalan, lugar, at pangyayaring naganap sa kwentong ito ay purely coincidence lamang.***

Hi ako nga pala si Moira. Sa Hebrew, Celtic, Scottish, at sa Irish ang ibig sabihin ng pangalan na ito ay bitter. Naku! pati pangalan ko, dinedescribe kung ano ang nararamdaman ko ngayon. You may say na baka katulad ko na si Miley Cyrus na kailangan ako magkaroon ng transformation from head-to-toe at magmukhang parang ewan. Nope, hindi ako ganun. I'll just stay the same. Medyo may babaguhin lang ng konti sa katawan like workout or magpa-rebond or magpakulot or whatever basta wag lang dumating sa punto na magmukha akong Miley or Nicki Minaj manamit.

Marami nagtatanong kung ilan na naging ex ko. Well, to be honest, apat. Oops! bawal magjudge. Hindi ako malandi. Sadyang, tanga lang pagdating sa pag-ibig. Kapag i-rate ko from 1-10 kung paano ako magmahal, 11 ang ire-rate ko. Yung mga tipong martyr na ang labas ko minsan. Kasi ibinibigay ko na ang lahat, except the V thing. Pero I think para sa kanila kulang pa din yung LAHAT na yun.

Ayaw ko rin naman talaga maging bitter eh. Sinasabi ko na lang na maging mature na lang ako pagdating sa ganito. Besides parang normal na lang ito na lagi ako nasasaktan, lagi na lang ako ang biktima, at laging naaapi. Yung parang eksena sa mga pelikula na yung bidang babae na laging inaapi ng kontrabida. Well, ganyan talaga ang buhay, i should have lived by it.

Buti pa ang 21 may forever. Kapalaran ko talaga siguro maging single forever. Mas maganda na rin yun para walang sakit ng ulo. Kaso paminsan-minsan pumapasok sa isip ko na paano kung tumanda akong dalaga? Wala man lang akong better half. How sad naman ng magiging autobiography ko kung sakali. Kung ayaw nila sa akin, mas ayaw ko naman sa kanila.

Ako daw ay choosy kaya wala na nanliligaw sa akin. Mas maganda nga yun eh. Sa apat na beses ba naman ako nasaktan, di pa ba ako natuto? Mas maganda nga na choosy ka, at least makakasiguro kang tama na ang naging desisyon mo. Kesa naman sa go ka ng go, ehdi mas nagmukha naman akong malandi.

Sa apat na napasukan ko na relationship, ako lagi yung naiiwan. Ewan ko kung kapalaran ko na ba ito, Na wala man lang ako nagtagal na relationship. Paulit-ulit kong tinatanong sarili ko kung may something ba sa akin na sadyang hindi nakakapag-attract ng true love. Ako parati yung nagmumukhang tanga, ako yung mapagbigay, ako yung laging naloloko, at ako yung parang nagmumukhang kontrabida sa kanila ng bago niyang ka-relasyon. O sige! ako na talaga ang aako sa lahat ng katangahan sa mundo. Nahiya naman ako sa kanyang kagwapuhan at ako ay sinaktan niya.

Revenge? Naku, why would I waste my time and effort for a guy who is not worth it. Buti sana kung maayos ang paghihiwalay namin. Pero hindi eh. Basta nakahanap lang ng malaki ang hinaharap at makinis na legs gora(gay lingo for ''go") na siya at nakalimutang may naghihintay pa pala sa kanya. Siguro ang sweetest revenge lang na magagawa ko sa kanya, magpaganda. Yung ma- ''who you?'' siya sa akin, yung manghinayang siya kung sakali man. At ang pinakahigit sa lahat ay ang KARMA. Maghihiwalay din lang mga yan, tiwala lang.

Masyado daw ako harsh magsalita tungkol sa kanya. Eh hindi naman na ako inaatake ng ex ko. Wala eh, bitter eh. Masakit. Magpalit kaya tayo ng pwesto at ng malaman mo gaano kasakit ang gaguhin ka ng ilang beses. At gulat ka na lang one day may bago na siya agad-agad. Sino ba namang hindi magiging bitter at magagalit sa kanya?

Baka naman daw kasi, ako nagpabaya kaya naghanap ng kalandian. Just like I said, ginawa ko lahat. Nag-effort ako. Lagi ko siyang iniintindi sa mga araw na kelangang hindi niya ako makota or i-text kasi nga, busy daw siya. Wala daw siyang pang-communicate sa akin kasi nasira phone niya,nanakaw laptop niya o kahit ano pang rason na magandang ipalusot na wala talaga siyang time na para sa akin. Kapag kailangan niya ng mapagsasabihan ng problema, I was at his side all the time to listen. Naging open-minded ako kapag may lumalapit na babae sa kanya, imbis na magselos ako, binibiro ko na lang siya na ''nanchi-chics ka nanaman. Ikaw na talaga ang guwapo.'' Yung parang paano magbiruan ang mga magkakaibigan. Inintindi ko ang mga bawat away at tampuhan namin na ito yung way na magpatibay pa ang relasyon namin. Pero ano nangyari? Sa lahat ng ginawa kong pag-iintindi at pagtanggap, ipinalit niya ako sa iba. Sa kung anong rason, yun lang hindi ko alam.

Anong pinaglalaban ko? Marami. Isa na dun ang respeto. Hindi rin naman ako magiging bitter kung in return ay rerespetuhin din ako. Pero hindi eh, kahit wala na kami ugnayan sa isa't-isa, kahit hindi in a direct way, nararamdaman ko pang gagago pa din ginagawa niya sa akin.Nanahimik ako, pero sila ng bago niya ay para akong binabangungot sa kahapong nagdaan. Sa panaginip na gusto ko ng gumising at makahinga, pero hindi pa rin ako makaalis sa kahapon na yun. Dahil nasaktan ako... at mahirap gamutin ang pusong may malalim na ang sugat.

A Bitter's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon