Lily
Papunta kami ng best friend kong si Jina sa isang fan signing event ni Jasmin Kim. Lately I got hooked up kasi sa singer na 'to. Siguro influence na din ng sasaeng fan (medyo lang daw) kong best friend. Her music is one of the reason kung bakit ako naka'bangon ulit ngayon, bukod sa Mommy ko. Simula kasi nung nabulag ako... nawalan na ako ng gana mabuhay. Sa lahat ng pwedeng mangyari sakin bakit kailangan pa mawala yung paningin ko. Inisip ko na sana namatay na lang ako... Kasi ganun din naman yung naramdaman ko nung nalaman kong hindi na ako makakakita. Naging pabigat lang ako sa mommy ko.... kay Jina... sa mga kaibigan ko... My mom tried to enroll me into some rehabilitation center for blind people like me. At first, hindi ako pumayag. But I realized na kung nasa rehab ako, hindi mahihirapan yung mommy ko na mag alaga sakin. Makakapasok na ulit siya sa trabaho niya since she quit her job to look for me.
Dahil sa nangyari, Hindi ko natupad yung pangarap ko maging isang magaling na photographer. Hindi na ako pwede maging photographer kahit kailan. Yung dating makulay kong mundo, ngayon.... wala na. But thanks to my mom, my friends and Jasmin.... They helped me a lot. Jasmin helped in some different ways. Her music. Her passion sa pagkanta. Yung determination niya sa lahat ng bagay na ginagawa niya.
Kaya papunta kami ngayon ni Jina sa event ni Jasmin. Although alam kong hindi ko naman siya makikita. Masaya na ako marinig yung boses niya. Actually hindi ko pa talaga siya nakikita kahit nung hindi pa ako bulag. 2 years ago lang siya nagdebut eh, bulag na ako nun. I never got the chance to see her but, okay lang. Yung boses naman niya yung nakakuha ng loob ko. Yung personality niya.
"Grabe, bes!!! Excited na ako!! Yieee. Kinikilig ako." Sabi ng best friend kong si Jina as soon as makapasok kami ng hall.
"Bes, sure ka ba na ayaw mong umakyat sa stage para man lang makamayan mo si Jas? Sige ka, pagsisisihan mo 'to."
Ayoko kasing malaman ng ibang tao na bulag ako.... I mean, hindi ako nahihiya. It's just that... ayoko ng kinaka'awaan ako. Hindi nga ako gumagamit ng cane kapag lalabas ako eh. Tinuruan naman kami sa rehab before kaya medyo natatanggap ko na na bulag na talaga ako.
"Bes, masaya na ako na marinig ko lang siya. Wag mo na ako isipin."
Maya maya pa, narinig ko na yung sigawan ng mga tao. I guess she's here na.
"SHET!!! ALABYU JASMIN!!!! ANAKAN MO KO!!!"
Minsan talaga nagpapasalamat nalang din ako na bulag ako eh. Para hindi ko nakikita yung mga tingin ng mga tao sa best friend kong taga squatter ata. Mayaman naman sila, ewan ko ba kung saan siya pinaglihi ni tita.
"Bes, ano ka ba. Kumalma ka nga. Ako ang nahihiya eh."
"Aba! Bakit ba? Hayaan mo nga sila. Shet, bessy ang ganda ganda niya. Straight pa ba ako?!! Shet. Shet. Naka'tingin siya dito bes! Smile ka lang."
Natawa naman ako sa sinabi ni Jina. Jusko, baliw na baliw na siya kay Jasmin. Ganun ba talaga siya kaganda at pati 'tong straight(?) kong kaibigan eh, nabaliko na niya ata.
Sabi ni Jina nagsisimula na daw yung signing.
"Bes! Ako na susunod. Wait lang ha! Yiee." I heard Jina said and naramdaman ko na umalis siya.
Mga ilang minuto din bago siya naka'balik sa pwesto. "Bes!!!! Huhuhu, ang ganda ganda niya. Ang bango niya pa. Amoy baby!! Tinanong niya ako kung kumain na daw ba ako. Tapos! Tinanong ka niya kung bagong recruit daw ba kita. Nagkwekwento pa ako tapos bigla nalang ako pina'move ni managernim kasi time na daw hmp."
BINABASA MO ANG
LOVE is BLIND (ON GOING)
FanfictionSi Lovely Marie Manoban o Lily ay isang ordinaryong mag aaral lamang ng Yang University. She loves taking pictures pero nagtatago siya bilang si Li Mario. Every students love her works pero hindi nila ito kilala. Then something happened to her that...