33

1.1K 33 2
                                    

Jasmin

"Paano kung bumalik yung ex mo na iniwan ka. Will you still accept her? And why?"


Ang daming pwedeng itanong pero bakit ito yung una kong naisip? Bakit umaasa pa din ako na matatanggap ako ni Lily kapag sinabi ko sa kanya yung totoo? Sobrang rupok mo na Jasmin. Hindi na healthy.


No one dared to speak after nung tanong ko kay Lily. Naka'tingin lang ako kay Lily. Ganun din siya. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip niya ngayon pero kinakabahan ako sa isasagot niya.


"I actually don't know. Gusto ko muna kasing malaman kung bakit niya ako iniwan."


"Kung magkikita kayo, ano gusto mong itanong sa kanya?" Nalimutan ko na na truth or dare nga pala 'to. I just want to know her side.


"Truth or Dare 'to diba? Hindi fast talk." Lily said. Eh bakit ang sungit niya? 🙄


"Okay. Party party na tayo!" Rose said.



Siya pa may ganang mag'sungit. Dapat ako nga yung galit ngayon eh pero dahil mas malala yung kasalanan ko sa kanya, nagpapa'kumbaba nalang ako. Ang gulo talaga ng babaeng 'yon.








Sumobra naman ata yung pag'party party nila. Lasing na naman si Yeri. Si Nayeon, nagiging wild na. Si Irene, mukhang lasing na din.


"Bes, help me. I'akyat na natin si Nabongs." Eto ang ayoko eh. Kapag nagkalasingan na, ako na yung mahihirapan. -.-



After ko mai'akyat sa kwarto sila Nayeon, pagbalik ko sa labas si Lily nalang yung naabutan ko. Nag iinom pa din siya. Sabi ko hahayaan ko nalang siya eh. Pero ugh..


"Hey, tama na yan. Matulog kana. Nakaka'rami kana oh." Tinuro ko yung mga bote sa lamesa na halos siya lahat yung umubos.

Ganito ba siya malasing? Tahimik lang? Pinaglalaruan lang yung bote? Tapos pa'yosi yosi lang? Or Baka naman hindi pa kasi siya lasing, Jasmin. 🤦🏻‍♀️


"I'm fine. Matulog kana." Yun lang yung sinabi ni Lily. Duh? Sa tingin ba niya hahayaan ko siya mag isa mag inom? Baka kung ano pa gawin niya.


"No, tara na. Tama na yan, may bukas pa naman eh. Hindi ako matutulog hangga't hindi ka tumitigil dyan." I don't know why I sounded like I'm her girlfriend when clearly, I'm not.


"Then join me here." This time, tumingin na siya sakin.

Wag ka papayag Jasmin, matulog kana. Wag mo na siyang pilitin kung ayaw niya matulog.


"Okay." Pumunta ako sa may puwesto niya. I mentally slapped my face. What am I doing now?


"So, can I ask you again the same question earlier?" Try lang natin, baka lasing siya eh hehe

"Why are you so pressed about my past relationship? Nagseselos ka ba?"


Oo, nagseselos ako sa sarili ko Lily. Hay nako.


"What? Me? Nagseselos? No. I just want to know your thoughts."


She laugh. She laughed?! "And why is that?"

"Nothing. Fine! Wag na nga." Mukhang hindi ko talaga siya mauuto.


Ano ba naman yan, hindi ba siya malalasing? Nung may nangyari samin, sabi niya dala lang ng ininom naming wine. Wine lang yun ha? Eh yung ngayon nga halos isang case ng beer siya na umubos tapos hindi naman siya nalasing ngayon. Kaya hindi ako naniwala sa kanya nung sinabi niya na we're both intoxicated that night. Bullshit.


"Ano ba gusto mo malaman?" Ayon.


"Kung ano yung mga gusto mong sabihin sa kanya kapag nagkita kayo. I'practice na natin. Kunwari ako si Jam, what would you tell her?"



Humarap naman siya sakin. "You remind me so much of her alam mo ba yun?"


Napa'lunok ako bago ako naka'sagot. "Uh.. really?"


"Really. But bago ko gawin yung pinapagawa mo, I just want to say sorry again. Alam mo na yun. I didn't mean to-" I shut her mouth.


"Shh. Stop reminding me that. It's okay. Let's forget about it sabi mo nga diba?"


She removed my hand from her mouth. "No. I don't think I will forget that. Ever."


Huh? Okay. She's totally drunk right now.


"Huh? Anong pinagsasa'sabi mo dyan? Lasing ka ba?"


"Nababaliw na ata ako Jasmin." Seryosong sabi ni Lily.


Teka, hindi ko mai'process kung anong sinasabi niya.


"I think... I think I like you. Not because of what happened between us. You somehow remind me of Jam and I don't know why. Posible ba yun? Hindi pa ba ako nakaka'move on kay Jam?"


Kita ko sa mga mata ni Lily na sobrang naguguluhan siya.


"No Lily, you don't like me. Nakikita mo lang sakin si Jam kaya ka nagkaka'ganyan. Clearly, you're not over yet kay Jam."


Naka'ramdam ako ng konting pag asa. Kailangan ko na lang talaga umamin kay Lily. Yun na lang.


"Is that so? Eh bakit nagseselos ako nung nakita ko kayo ni Kai na magkasama?"


I- teka, that escalated quickly. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'to. So all this time, kaya naman pala ang sama ng tingin niya sakin kanina. Okay, medyo kinikilig ako. 😭



"I don't.... know. Bakit nga ba?" Ang pabebe ng sagot nakakainis.


"Kasi, I like you. Kaya hindi ako sumipot sa Batangas nun kasi... Nahihiya ako sayo and I kinda sort things out between me and Mina. Alam ko sa sarili ko na ready na ako para papasukin si Mina sa buhay ko pero when you came... I suddenly got confused about my feelings for Mina. Nagpunta kaming Tagaytay. I spent time with her pero parang hindi ata tama yung ginawa ko eh. Habang tumatagal na kasama ko si Mina, ikaw yung naiisip ko. Hindi si Jam, kundi ikaw. So I told Mina everything. Of course, she got mad at me. Ayaw na nga niya ako makita eh." She smile bitterly.


"Jasmin, I'm really sorry. Sa lahat ng naidulot ko sayo. Gusto ko lang malaman mo na, hindi ko pinagsisihan yung nangyari. Believe me or not, it's actually my first. And no, hindi ko ginagawa sa lahat ng mga babae ko yun."


I felt the sincerity in Lily's voice. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko din naman pinagsisihan na yung first ko, is with Lily. My Lily.


"But I know you will get mad if I tell you na, kaya ko nagawa yun kasi... si Jam yung naiisip ko that time. Baka nga mahal ko pa din si Jam hanggang ngayon. Tho, wala akong idea kung ano bang itsura ni Jam. Or is Jam even real? Does she exist? Kasi parang dumaan lang siya sa buhay ko eh. Pero trust me, I like you. Ang gulo diba?"


Talagang magagalit ako sa kanya kung hindi ako si Jam tapos sasabihin niya sa harap ko na nagawa lang niya yun kasi iba yung nasa isip niya. Thank God, ako si Jam. Napapa'ngiti ako ng wala sa oras huhu nababaliw na din ata ako Lily.


"Huy? Are you mad? Say something."


"Something."

"Jas naman eh. Kinakausap ng maayos eh. Bahala ka na nga dyan." Tumayo na si Lily pero hinila ko ulit siya paupo.


"Ang moody naman. Joke lang eh. Hindi ako galit. Okay na sakin yun. So gusto mo pala ako huh." Pang aasar ko sa kanya. Namiss ko siya asarin 😭


"Oo. Like lang. I don't want to ruin your relationship with Kai kaya don't worry. I will still pretend nothing happened. Tsaka, pipigilan ko yung selos ko kasi wala naman ako karapatan."



Hay nako, Lily. Kung alam mo lang.

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon