Jasmin
"Lily naman! Maligo kana."
Ilang araw na ako dito sa bakasyunan ni V sa Batangas with Lily. Her bruises are getting better na but last night, nagdugo yung ilong niya and I panicked kaya today I will bring her to the hospital kahit sa bayan pa 'yan. I'm really scared of what's happening to her. She's having this really bad dreams every night kaya dito ako natutulog sa kwarto niya. Hindi naman niya sinasabi kung ano 'yun kaya lalo akong nabobother.
"Jas, ayoko nga. Nosebleed lang naman 'yun. I'm fine okay? We don't need to go to the hospital." Lily said then went back to sleep. Nagtalukbong pa ng kumot.
I have no choice.
Nagpanggap akong lumabas ng kwarto niya pero ang totoo, binuksan ko lang yung pinto at sinara ulit. Maya maya pa, Lily uncovered her blanket from her. She caught me looking at her tapos naka crossed arms pa with matching taas pa ng isang kilay. Matakot ka, Lily. Matakot ka.
"Jasmin... please? I don't want to go to the hospital." Lily pleaded.
Gustohin ko man na maawa sa kaniya at bumigay sa mga nakakaawa niyang tingin, ayoko naman nang makita siyang nahihirapan. Baka kasi mamaya may kung ano na siyang sakit or may na'damage sa organs niya nung nabugbog siya. Maigi na 'yung magpa-check up as soon as possible.
"Hindi mo ko madadaan sa mga ganiyan mo, Lily. Bumangon kana!"
Akala niya ba mapapagod ako sa kaniya? I've been here before. Alam ko na kung gaano katigas ang ulo niya kaya 'wag niya akong subukan. :)
Aba't ang babaeng 'yun, hindi man lang ako sinunod. Nakahiga pa rin tapos ang sama ng tingin sakin. Naka'nguso pa, halatang inis na inis sakin. Para siyang batang inagawan ng candy, sa totoo lang.
"Bakit ba kasi ayaw mo pumunta ng ospital? Magpapa-check up lang naman tayo. You don't have to be scared kasi nandun naman ako." Sabi ko. Lumapit ako sa pwesto niya at naupo.
I heard her sigh before saying "Hindi pa ako handa."
Handa saan?
"Why?" I asked. Humarap pa ako sa kaniya para makita ko yung mukha niya. 'Coz I know kapag nagsisinungaling siya or hindi.
"Takot ako sa ospital." Lily said.
I just rolled my eyes at her. Anong pinagsasasabi niya? Sakin pa niya sinabi na takot siya sa ospital, eh hindi naman totoo.
"Wag mo nga akong pinaglololoko diyan. Gusto mo bang tawagan ko pa si Vince para lang mapapayag ka?" Pananakot ko sa kaniya.
"Call him. You know na hindi siya mananalo sakin."
Ugh! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to. Hindi ko na alam kung anong panakot pa ang gagawin ko.
"Okay then, I don't have a choice but to call our family doctor." I was about to dial our doctor's number when Lily snatch my phone from me.
"Ugh, fine! But dun tayo sa doctor ko sa Manila."
Papayag din naman pala gusto pang tatakutin. Wala naman talaga akong number nung family doctor namin. I just dial an unknown number 🤷🏼♀️
After maligo at mag ayos ni Lily, I helped her get inside my car. Inayos ko na rin kanina yung mga gamit niya habang naliligo, mga gamot, in case lang.
BINABASA MO ANG
LOVE is BLIND (ON GOING)
FanfictionSi Lovely Marie Manoban o Lily ay isang ordinaryong mag aaral lamang ng Yang University. She loves taking pictures pero nagtatago siya bilang si Li Mario. Every students love her works pero hindi nila ito kilala. Then something happened to her that...