Jasmin
This is the day that I will come clean sa Mommy and Friends ni Lily para matulungan nila ako kapag umamin na ako kay Lily. I told Jina to bring Jeong, Yeri and Seul sa bahay nila Lily. Nandito din yung Mommy niya. Kung nagtataka kayo kung nasaan si Lily... Well, Kasama niya si Rose ngayon. Pinakiusapan ko si Rose na idistract niya muna si Lily.
"Jam, iha. Ano ba itong meeting natin? Bakit wala si Lily?" Tanong nung mommy ni Lily.
Naka'upo sila lahat habang ako naka'tayo sa gitna. Mas kinakabahan ako dito kesa kapag magcoconcert ako jusko.
"Oo nga, emergency ba 'to? Matagal pa naman birthday ni Lily ah?" Sabi ni Seulgi.
"Ah.. I have something to tell you kasi."
Naka'tingin lang sila sakin. Nagtataka.
"Ma'am, alam niyo naman po diba na mahal ko si Lily?"
Nanlaki ang mga mata nila. Si Jina halos mahulog sa kinauupuan niya.
"ANO?!" Medyo OA nga itong mga tropa ni Lily.
"Jam iha, alam ko na yan. At nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ng anak ko. Hindi mo alam kung paano mo binago ang buhay ng anak ko."
Huh? Paano niya nalaman?
"Ma'am, paano niyo po nalaman? Did Lily already told you po?"
"No. Hindi naman na kailangan sabihin yun. Sa mga kwento pa lang niya tungkol sayo eh."
"Awww." Sabay sabay namang sabi ng kaibigan ni Lily.
"Yun lang ba sasabihin mo? Mahal ka din ng tropa namin. Magpo'propose kana ba?" Sabi ni Jeong.
"No.. I'm here to tell you the truth. Ayoko na mag'panggap."
Then dahan dahan kong tinanggal yung fake bangs at specs ko. Si Jina at yung mommy ni Lily yung unang nagreact.
"Holy shit?!" Jina.
"Hi. I'm not Jamaica Dela Cruz from Pasig. I'm Ruby Jasmin Kim. Ma'am, I'm really sorry if I didn't tell you the truth-" bigla akong sinugod ni Jina at niyakap. Niyakap ko din naman siya pabalik.
"TEKA LANG!!! JASMIN!!!! SHET. IKAW SI JAM?? POTA? JOWA KA NG BEST FRIEND KO?! ALL THIS TIME?!"
"Sabi na eh!! Kaya medyo kamukha niya si Jasmin nung una ko siyang nakita." Sabi ni Yeri.
"Aba! Big time pala ang jowawit ng mahal ko." Seulgi.
Lumapit sakin yung mommy ni Lily. Seryoso yung mukha niya. Napa'yuko ako. Natatakot ako.
Pero naramdaman ko na niyakap niya ako. "Jasmin, or Jam. I'm still thankful kasi hindi mo iniwan yung anak ko. I know my Lovely is in good hands. Matutuwa yun kapag nalaman niyang si Jasmin na idol niya eh, girlfriend niya pala."
Na'touch ako sa sinabi nung mommy niya kaya niyakap ko din siya pabalik. Makiki'group hug sana si Jina pero pinigilan ito ng mga kaibigan niya.
After nung revelation ko, hindi pa din ako tinantanan ng mga kaibigan ni Lily.
"So, na'love at first sight ka kay Lovely Marie?" Yeri.
"Ah, well. Parang ganun na nga." Na'iilang ako sumagot kasi pinapalibutan nila akong tatlo. Si Jina kasi nasa isang sulok lang, nagmumukmok.
"Tangina! Akalain mo yun. Isang Jasmin Kim pala yung bumihag sa pihikang puso ng isang Lovely Marie." Seulgi.
"Hoy, Jinaliligo. Ano? Eto na crush mo oh! Crush mo pa din ba si Jas? Gusto mo pa din ba magka'anak sa kaniya? Lagot ka kay Lily."
Natawa ako sa sinabi ni Jeongyeon jusko. Lagot kayo sa bebe ko kapag kayo narinig eh. Napatingin lang ng masama si Jina. Naka'pout pa.
"Yuck! Wag ka ngang mag pout, mukha kang itek." Yeri.
"Eh kase!! Shet. Nahihiya ako!! Nakaka'inis ka Jam. Sinabi ko sayo lahat ng nararamdaman ko kay Jasmin!!! Tapos... uwaaaaaah."
Pinagtatawanan ko lang si Jina. Pulang pula na siya sa sobrang hiya.
"Hindi ko na kayang sumigaw ng ALABYU Jasmin Kim-"
"Anakan mo ko." Sabay na sabi ni Seul, Yeri at Jeong. Nagtawanan naman kami hahahaha.
"Huhuhu, nakaka'inis ka Jam. Este Jas!! Isasara ko na yung account ko bago pa makita ni Lily yung mga kapokpokan ko. #Brocode iz real."
"What? Wag! I kinda like your tweets. Hahaha, tsaka dun lang ako nakaka'kuha ng mga memes ni Lily."
"Oh shit? Ini'stalk mo ko?! Jasmin naman."
"Wow ganda ka? Maligo ka muna." Yeri.
"De, pero seryoso. Paano mo sasabihin kay Lily lahat?" Sabi naman ni Seulgi.
"Sasabihin ang alin?" Then biglang pumasok si Lily kasama si Rose.
"LOVELY MARIE!!! Bakit ka nandito?! Umalis ka muna" Sigaw ni Yeri.
"Hoy Maria Yeri, Bahay ko 'to. Ikaw ang bakit nandito."
Sinenyasan ako ni Rose. Bakit daw wala yung bangs ko. Isa pa din 'tong ano eh. Hindi pa din alam ni Lily na nandito ako. Sabi kasi nila Jeong wag daw muna ako magsalita eh.
"Saan ka nga pala galing, Lily. Bakit kasama mo si Ms. Australia? Nako ha! Isusumbong kita kay Jam." Sabi ni Jeong.
Naalala ko na naman yung Ms. Australia na yan. Pigil na pigil ako sa pagtawa jusko.
"Oo nga. Saan mo na naman ba ginala yang pet mo?!" Sabi naman ni Jina.
"Huy! Wag nga kayong ano dyan. Siya sisihin niyo! Hinila niya ako basta papuntang mall." Sabi ni Lily.
"Sumama ka naman?" Nagsalita na ako. Mukhang kinakabahan na kasi si Lily eh.
"Ja-Jam? Anong.. anong ginagawa mo dito? Sabi ni Rose nasa Mall ka kaya nagpunta kami dun."
"Are you cheating on me?" Tanong ko kay Lily pero ang totoo mamamatay na ako sa tawa hahaha.
"What?! No. Huy, Roseann! Ikaw magpa'liwanag."
Bigla namang nagtawanan ang mga kaibigan ni Lily including me.
"HAHAHAHA, PRE ANO KA? Halatang bottom ka!! Under na under eh." Sabi ni Seulgi.
"Aish! Ewan ko sa inyo. Umuwi na nga kayo."
BINABASA MO ANG
LOVE is BLIND (ON GOING)
FanfictionSi Lovely Marie Manoban o Lily ay isang ordinaryong mag aaral lamang ng Yang University. She loves taking pictures pero nagtatago siya bilang si Li Mario. Every students love her works pero hindi nila ito kilala. Then something happened to her that...