46

1K 31 1
                                    

Jasmin

"Excuse me? You what?!"


It's Friday night and syempre, it's girl's night out. Na'kwento ko sa kanila yung deal between me and Lily. Alam na pala nila kasi nabanggit ni Jina kay Rose at sinabi ni Rose kay Nayeon at Irene.


"Ano pa ieexplain ko? Alam niyo naman na pala lahat." I said. Inubos ko na 'yung tequila na nasa baso ko. I missed this. Ngayon nalang ulit kasi ako nakapag'inom.


"Are you sure about this? What if mahuli kayo ni Vince? Jas, magkapatid sila. Isipin mo nalang kung ano mangyayari once na malaman to ni Vince." Irene said.

"Lily promised me. And besides, wala naman kaming gagawin na masama ni Lily. She said kahit hanggang sa maka'alis nalang ulit siya papuntang New Zealand. I got this okay? Hanggang sa maayos ko lang sarili ko. I'll tell V everything as soon as possible. Ayoko rin namang magsinungaling sa kaniya."

"Just make sure na Lily's telling the truth. Na hindi ka niya ilalaglag. You have to guard yourself from her, Jas. Hindi na natin siya kilala. Baka nga gagantihan ka lang niya this time. Kailangan mo siyang unahan. Wag kang pakampante na porke't sinabi niya na mahal ka pa niya, hindi ka na niya sasaktan. Just a friendly reminder okay?" Rose said. Alam ko naman 'yun. Alam ko lahat 'yun. Naisip na ko 'yun bago pa ako pumayag sa gusto niya.


Kinabukasan, nag'dinner kami ni V after ng meeting ko with the managers. Sinundo niya ako sa company and dinala niya ako sa paborito kong Japanese Restaurant.


"How's your day?" V asked nung maka'order kami ng food.


"Tiring but okay naman so far. My manager told me I'm having a comeback in less than 2 months."


Kinuwento ko lang sa kaniya lahat ng nangyari sa araw ko habang hinihintay namin yung order pero napansin ko na something's off with him today. Kanina ko pa actually napapansin nung nasa sasakyan pa lang kami. Ang tahimik niya tapos parang ang lalim ng iniisip niya. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at takot. Did Lily told him already? Alam na ba niya lahat?


"Hey. May problema ba?" Hinawakan ko yung kamay niya na nasa table. Hindi ako sanay na ganito siya. V is always transparent when it comes to his feelings.


"Hmm? Ano yun baby?" Tila wala sa sariling tanong ni V.


"Are you okay?"


"Yeah. Just... having a hard time at work. I'm okay babe." He said then gave me a reassuring smile.


I know something's bothering him. Ayoko naman na pilitin siya na sabihin sakin kasi mukha talaga siyang stressed.


"You sure babe? You know you can always tell me everything right?" I squeeze his hand as a sign of telling him that I am always here.

"I know, baby. Thank you." He said as he kissed my hand. Hayy


After namin kumain, hinatid na rin niya ako sa condo ko kasi may schedule ako ng maaga bukas. I was about to go out of the car when he held my wrist.

"Babe... I need to tell you something."


Sinarado ko ulit yung pintuan ng kotse niya at humarap sa kaniya. Kinakabahan ako, sa totoo lang. Sana hindi niya ramdam yung pulso ko. 


"What is it?"


Umayos ng upo si V at huminga ng malalim bago ito nagsalita.


LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon