21

1K 39 2
                                    

Jina

After nung pag uusap namin ni Jas, I stayed for awhile sa coffee shop. Hindi ko alam kung ano yung dahilan ni Jas, that's not my problem anymore. Kinakabahan na din ako sa nalalapit na operation ni Lily. Lord, please guide her. :(

"Hey, Jas I'm sorry I'm late- Jina?"


I heard that familiar voice. That familiar accent. Inangat ko yung tingin ko to see Rose, naghahalungkot siya ng gamit sa bag niya. She's wearing a business suit.

Isang buwan na din simula nung umalis ako sa dorm. Yun na din yung huli naming pagkikita.



Flashback


Nung sinabi ko na kay Lily lahat, ginawa ko yung sinabi niya... na umalis na sa dorm. After ko malaman na si Rose na at Jungkook, sobra akong nasaktan. Umasa kasi ako eh. Akala ko mutual yung feelings. Crush lang naman pala.

Nag iimpake na ako ng gamit nang biglang dumating si Rose. May dala siyang mga pagkain.

"Oh? Saan ka pupunta? Uwi ka sa inyo?" Takang tanong ni Rose.

"Yeah, I'm finally moving out. After 4 years hehe." Nagawa ko pang mag'joke ha. I'm still not looking at her. Nasa may pintuan ko lang siya.

"W-what? Why? Hindi naman kita pinapa'alis ah? Tsaka... matagal pa yung graduation. Sabi mo... after graduation ka pa aalis?"

"Change of plans. Sabi nila Mama, mag byahe nalang daw ako eh since wala naman ng pasok."

"Is it because of me? Ji, I'm sorry. Please.. don't leave." Naramdaman ko na niyakap ako ni Rose from the back.

This is the first time... and I know this would also be the last.

"Silly. No, it's not because of you. Kailangan na din naman talaga natin umalis dito. We're graduating na." Humarap ako kay Rose. Ang tangkad niya naiinis ako. Kailangan ko pa tumingala para makita ko siya 🤦🏻‍♀️


"Yung totoo? Ji, I'm sorry. I'm sorry if you thought we're on the same boat. I like you... crush kita. But, you see..."


Eto na naman siya, pinapamukha na naman niya sakin na umasa ako sa wala.


"Huy, ano ka ba. Bakit ka ba nag eexplain? Crush lang din naman kita noh... hehe.... happy ako para sa inyo ni Jeon. Sabi ko sayo eh, baka siya na yung hinahanap mo."

Ang sakit. Gusto ko umiyak. Gusto ko mag wala. Kasi after 4 years... kung kailan paalis na ako dito... tsaka ko lang naramdaman to. Kung kailan may iba na siya.



End of flashback


Umupo sa harapan ko si Rose. She still has her blonde long hair. Okay, ang OA ko. Isang buwan lang naman kaming hindi nag kita.

"Uy... ano ginagawa mo dito? Hehe." Spell awkward. J I N A.


"I thought Jasmin's here. Sabi niya magkakape kami. Nagmadali pa naman ako."


It's funny how I still love how she roll her eyes kapag naiinis siya. Namimiss ko na makipag'away sa kanya. Kamusta na kaya sila ni Jeon?

"Ah, saan ka nagwork?"

We're casually talking about sa mga nangyari sa buhay namin these past few days. Kinamusta din niya si Lily. Hanggang sa...


"So, may jowa ka na ba?" Parang nag alinlangan pa siyang itanong.


May jowa nga ba ako? May kalandian, pero wala naman akong balak jowain yun.


"Ah, wala. I don't think I'm ready eh."



May pa'ganon sis.


"Ikaw ba... are you still with him?" She looked at me then smiled bitterly.


"He cheated."

Aba't. Gagong Jeon yun ah?! Hindi ko ipinaglaban si Rose sa kanya kasi akala ko nasa mabuti siyang kamay... pero puta?!


"What?!" Napa'lakas ata yung sigaw ko.

"Hey, umupo ka nga. Calm down." Hinila ako pa'ulo ni Rose.

"Kailan pa? Bakit? Gagong yun."


I can't help it, sorry. 🤦🏻‍♀️


"Well, Matagal na. Nanliligaw pa lang siya sakin may jowa na pala siya nun."

Ay wow. Tangina?


"Really?! Are you okay?"

"Weird nga eh. Parang okay lang sakin. I mean, at first I was angry at myself. Kasi mas pinili ko siya over someone I truly love."



Eto ang ayoko kay Rose eh. Minsan talaga may pagka'play girl siya. Akala ko si Jungkook na yung gusto niya. Tapos ngayon.... truly love daw.



"So sino dun sa mga manliligaw mo before yung truely love mo? Ekis na si Jeon."

"None. Hindi naman kasi siya nanligaw. Mahina."



Owkay?? Wala na akong ibang kilala na nagugustuhan ng babaeng to.


"Hindi mo man lang ba itatanong kung sino?"
Bago pa ako makapag'salita, nagsalita na ulit siya.


"Ay wait. Order muna ako ng coffee ko." Tapos tumingin siya sa menu. "Hmm.. I want Iced Amerikano ... do you think mura na yung 350 or mahal?"


"Mahal." Sabi ko.


"Yes, mahal? " Rose said while looking at me. Pigil na pigil yung tawa niya.


Did I heard her right?"


"Huh?"


"Sabi mo mahal. I thought you're calling me... so yeah." Bigla naman siyang nagtago sa menu.

Oh. Pick up line pala yun? Puta, ang slow hahahaha 🤦🏻‍♀️



"Mahal, order kana. Pigilan mo muna 'yang kilig mo."



Parang walang nangyari samin. Parang hindi ako na'broken jusko. Ang rupok 😔

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon