Jasmin
Nandito na ako ngayon sa loob ng bahay nila Lily. Tinulungan ako ni Dani unnie makapasok bilang kasambahay ni Lily for 3 months. Naglagay ako ng pekeng bangs at nagsuot ng salamin para hindi ako makilala. Medyo iniiba ko din yung boses ko.
Pagka'alis ni Ma'am Lara, naiwan nalang kaming dalawa ni Lily. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Naka'suot lang siya ng pang'bahay pero para pa din siyang model. Ang ganda ng mga mata niya.
I was scared to talk to her because of what had happened a while ago. Medyo nagka'sagutan sila ng mommy niya. Ayaw niya pala ng kasambahay but wala siyang nagawa sa gusto ng mommy niya.
"Hey..." Hinawakan ko yung balikat niya.
"Don't touch me." Lily said coldly. I know she's not in the mood right now.
Bigla siyang tumayo at naglakad papuntang kwarto niya ata. "Here, let me help you." I held her para hindi siya mabunggo.
"I said don't touch me! Kaya ko to. Just... mind your own business." Nagulat ako sa pag'sigaw niya. Bigla nalang siyang pumasok sa kwarto niya.
Ilang oras akong naghintay sa labas ng kwarto niya. Hindi ko alam baka natutulog siya. Kanina pa ako tinatawagan nung hair stylist ko kasi dapat magpapa'gupit ako ngayon but I ran away ng walang pasabi.4pm na ng hapon nang dumating si Jina sa bahay. Akala ko makikilala niya ako.
"Sino ka?! Bakit ka nandito sa bahay nila bes?"
Medyo may pagka'oa talaga 'tong si Jina.
"Ako nga pala yung bagong kasambahay nila Lily."
"Kasambahay? Are you sure? Hindi na ba mag babago isip mo?"
Anong sinasabi nito?
"Uh.. yes?"
"Okay, if you say so." Tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman medyo kinabahan ako kasi baka makilala niya ako. "3 weeks."
Huh? 3 weeks? Ano yun?
"Siguro mga 3 weeks lang ang itatagal mo dito." Sabi ni Jina. Nakahawak pa siya sa baba niya na akala mo ay may iniisip.
"What do you mean?"
Oops. Dapat nag tatagalog na ako simula ngayon. Baka sabihin ni Lily, englishera pala kasambahay niya.
"Eh wala namang nakaka'tagal dyan kay Lily eh. Ako lang."
So ayaw niya talaga ng kasambahay? :( No, kaya ko naman siguro umabot ng 3 months.
"Tignan natin. Malay mo umabot ako ng 3 months."
"Wow! The confidence. I like you na! What's your name? Ako nga pala si Jina."
"Jam."
Nagkwentuhan lang kami ni Jina habang naghahanda ako ng dinner ni Lily. Buti nalang marunong ako magluto. Tawa lang ako ng tawa sa mga kwento niya. Kinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Lily.
"Nung elementary kasi kami, lagi ako nawawalan ng pencil kasi kinukupit ng kuya ko. Eh mag kaklase kami ni Lily nun. Actually seat mate kami. Lagi ako nanghihiram sa kaniya ng lapis. Araw araw. Hanggang sa isang araw, manghihiram sana ulit ako sa kaniya but then sinigawan niya ako. "You keep borrowing pencils from me and never returning them. I swear if you ask me one more time I'm gonna go off on you because I have no pencils left." Grabe girl, inenglish niya ako. Grade 3 lang kami nun ha."
BINABASA MO ANG
LOVE is BLIND (ON GOING)
FanfictionSi Lovely Marie Manoban o Lily ay isang ordinaryong mag aaral lamang ng Yang University. She loves taking pictures pero nagtatago siya bilang si Li Mario. Every students love her works pero hindi nila ito kilala. Then something happened to her that...