19

1K 41 0
                                    

Lily

Nababaliw na ako. Ilang linggo na hindi nagpaparamdam si Jam sa akin. Hindi ko alam kung nasa Bulacan pa ba siya o nandito na sa Manila. Sabi niya isang linggo lang siya dun pero mag iisang buwan na, hindi pa din niya ako pinupuntahan. Ghinost niya na ba ako? Is this the end?


"Mom, I'll do it. Magpapa'opera na ako. In one condition..."

We're having our lunch and dito ako naka'hanap ng tiempo para sabihin yun kay Mommy.

"Talaga ba anak? Sure. Ano yun?"


"After the operation, kapag gumaling na ako... papayagan mo na ako magtrabaho. Ayoko na mag aral mom. I want to help you."

"Anak... I told you. Hindi mo naman agad kailangan mag trabaho. Kaya ko pa naman eh."


"Mom, just please? Yun lang yung hinihingi ko."


Wala nang nagawa si Mommy sa gusto ko. She said okay as long as happy daw ako. Happy nga ba talaga ako? Yeah, you can say that I'm happy because I can now get to see the world again... pero yung mundo ko kasi... parang hindi na siya magpapakita sakin eh. I don't know what I've done. Is this just a game for her? Joke time lang ba yun? Sinabi lang ba niya na gusto niya din ako para hindi ako masaktan?





Dumating si Jina sa bahay ng bandang 3 pm. Naninibago ako sa kanya kasi hindi ata siya madaldal ngayon.


"Bes, okay ka lang? Ghinost ka din ba?" I asked her.

"Huh? Ghinost? Saan?"

See? She's not in her usual self.

"Tell me, may problema ka ba?"

Ilang minuto din bago siya nakapag'salita.

"Bes... I think I'm inlove.... and I hate it." Umiiyak ba siya? Hala. Sinong nagpaiyak sa bespren ko!!!

"Hey... are you crying?" Inapa ko yung mukha niya and basa. Umiiyak nga siya.


"Shhh. What happened?"



She told me everything from the start. I knew that this day would come. Hindi malabong hindi ma'inlove si Jina kay Rose. Jusko, apat na taon ba naman kayo magkasama sa iisang bahay, tapos away lang kayo ng away dahil sa mga walang kwentang bagay. Diba ang cute? Pero, hindi ikina'cute ni Rose yung ginawa niya sa bessy ko. Mag'best friend nga sila ni Jam. Ang hilig nila magpa'iyak.


"Tahan na bes. Hindi ka pa naman cute kapag umiiyak ka. Hayaan na natin yung mag'best friend na yun okay? Wag na natin silang iiyakan. Kapag natapos yung operasyon ko... hindi ko na hihilingin na makita pa si Jam. Kaya ikaw, dapat ganun ka din kay Rose. Buti nga bago pa lang yang nararamdaman mo kay Rose eh. Cheer up na bes."


"Huh? Anong sinasabi mong hindi mo na hihilinging makita si Jam? Break na kayo? Hindi ka pa din ba niya kino'contact? Nandito na siya ah."

Nandito na siya? Really? Bakit hindi niya ako pinupuntahan or tinatawagan man lang?

"Nandito na siya? Kailan pa? Nagpakita na ba siya sayo? Or did she text you?"



"Ahh.... No.. Sabi niya kasi diba ano... isang linggo lang siya sa Bulacan? Mag iisang buwan na kaya akala ko nandito na siya."


Akala ko naman nakita na niya or nakausap na niya si Jam :(


"Hayy, bes wala na talaga. Ghinost na ako ni Jam. Ang sakit, pero kailangan ko mag move on. Magfofocus nalang ako sa paparating kong operation. Ikaw din, you should move out na sa dorm. Graduate na naman kayo eh."





-


Nandito na kami sa airport ni mommy ngayon. Kinakabahan na ako. Ilang buwan din kaming hindi makaka'balik dito. Hindi ako makaka'punta sa graduation ng mga bessy ko :(

"Bes, mag iingat ka dun ha? Pagbalik na pagbalik mo, puntahan mo agad ako kasi alam ko naman na namiss mo mukha ko." Sabi ni Jina.


"Oo bes. Pagbalik ko din, hanap na tayo ng trabaho ha? Hahaha."

"Lovely, anak let's go na. Mag iingat kayo dito Jina ha? Hintayin niyo ang pagbabalik ni Lily."

Natawa naman ako dun sa pagbabalik ni Lily. Mommy talaga oh.


"If ever ba na hanapin ka ni Jam sa amin... ano sasabihin ko?"


Hindi alam ni Jam na pumayag na ako sa operation. I'm sure matutuwa siya nun... pero mukhang malabo na yung hanapin niya ako. I've decided to let go of her na. Kung gusto naman niya talaga ako makita, dapat matagal na niya ginawa.

"Just... don't tell her anything about me again. Let's just move on hmm?"

LOVE is BLIND (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon