Jina
Hulaan niyo kung nasaan kami ngayon. Tama! Nasa Bar lang naman kami. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag aya si Lily mag inom. Ang alam ko maaga pa alis nito bukas. Kanina pa tumatawag si Mina sa kanya pero hindi niya 'to sinasagot. Ayoko namang mangialam sa kung ano mang away ang meron sa kanila.
"Lily, hinay hinay lang. Hindi naman tayo mauubusan ng alak. Madami pa dun. Order lang tayo ng order." Sabi ni Seulgi.
"Bes, ano bang nangyayari sayo? Ilang araw lang naman tayong hindi nagkita, nagkaka'ganyan kana agad." I'm trying to ask her kung ano problema niya pero wala talaga eh. Shot lang siya ng shot.
"I am fucking stupid. Buti natagalan niyo ako? Hah." She finally talk.
"Ano bang sinasabi mo dyan, Lovely Marie? Syempre tropa tayo. Kapag stupid ang isa, dapat stupid din lahat." Sabi naman ni Yeri.
"Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko in the first place."
"Sige lang, Lily. Ilabas mo lang yan. Makikinig kami. Alam mo yan. Nandito lang kami." Sabi ni Jeong.
Ang sakit makita na ganito si Lily. Paano pa kaya kapag nalaman na niya yunv totoo? Hindi ko ata kakayanin.
"Jasmin and I.... something happened. I fucking messed up. I shouldn't do that. Sobrang tanga ko."
Nagka'tinginan kaming apat. Yun din ba ang iniisip nila? Kung ano yung iniisip ko?
"I didn't know na nasaktan ko pala yung feelings niya. Wala naman akong idea na ganun pala yung nararamdaman niya eh. Sobrang naguguluhan na ako. I know for sure na mahal ko si Mina pero when Jasmin came... hindi ko na alam."
So tama nga yung iniisip namin. Hindi ko alam kung paano ko icocomfort si Lily. Nagui'guilty na ako.
"Shhh. Wag kana umiyak. Bakit ka ba naguguluhan? Sa tingin mo ba mahal mo na din si Jasmin?" Tanong ni Yeri. Alam namin kung ano yung nararamdaman ni Lily.
"Sa tuwing nakaka'usap ko siya, pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya. Alam niyo yun? Parang familiar na sakin yung feeling na kapag hinahawakan niya yung kamay ko, iniisip ko na nahawakan ko na yun before. Nakalimutan ko lahat nung gabing mag'kasama kami. Kaya siguro ginawa ko din yun.... nung hinalikan niya ako, naalala ko si Jam sa kanya to the point na I was imagining na si Jam yung kasama ko because of the way she hold me, yung malalambot niyang labi and her smell.... ewan ko. Namimiss ko lang ata si Jam. Hindi pa ata ako totally nakaka'move on sa kanya."
Umiiyak na si Lily ngayon and hindi ko mapigilan na maluha. Ngayon na nakaka'kita na siya, hindi pa din niya nakikita na si Jam lang din yung kaharap niya. Na si Jam lang din yung nagpapa'gulo ng utak niya.
"Guys ano ba. Bakit ba naiyak din kayo? Haha." Bigla namang nagtawanan kami at nagpahid ng mga luha.
"Eh kasi naman tangina ka. Nakaka'iyak" nararamdaman na din siguro nila Seulgi yung guilt. Sobrang hirap itago. Ang tagal na kasi eh.
"Paano yan, diba magkasama kayo sa Batangas bukas? Paano si Mina? Ano plano mo?"
Natahimik naman si Lily. "Hindi ko alam. I don't want to hurt anyone's feelings. Pero kaka'usapin ko si Mina. And for Jasmin.... Magpapanggap nalang ako na walang nangyari. Yun naman talaga ang dapat."
BINABASA MO ANG
LOVE is BLIND (ON GOING)
FanfictionSi Lovely Marie Manoban o Lily ay isang ordinaryong mag aaral lamang ng Yang University. She loves taking pictures pero nagtatago siya bilang si Li Mario. Every students love her works pero hindi nila ito kilala. Then something happened to her that...