TMTYH.. 12

2.6K 119 6
                                    

Jeri pov...


          Hila hila ko si Hanna pabalik nang cafe..
"Sigurado ka ba sa gagawin natin! Pwede naman akong umalis na lang,aalis nalang kami dito nang anak ko.." Bigla akong napa hinto nang marinig ang huling sinabi nito. Nag iinit ang ulo ko na isiping lagi nalang ginagawa ang ganito kay Hanna kahit san sya mapunta. Hindi naman pwedeng lagi nalang ganun! Andito ako at bukal sa loob ko ang pag tulong sa kanya,kahit san pa kami makarating nang Mr Chan na yun.





         Napa hugot ako nang malalim na pag hinga tsaka ako humarap sa kanya. Kaya lang agad din akong nag iwas nang tingin nang hindi maiwasang magawi ang paningin ko sa dibdib nito..
"Akong bahala okay.." Yun lang ang nasabi ko sa kanya. Bago pinag patuloy ang paglalakad patungo sa nasabing cafe..





         Mukhang tahimik na ang cafe nang maka rating kami kaya lang napa baling lahat sa amin ang mga taong naroon nang makita kami, lalong lalo na ang kasamahan ni Hanna at tila iba ang tingin sa kanya.
Alam kong kanina pa nya ako pinipigilan kaya lang hindi ko to maaring palampasin.





        "Pwede bang maka usap ang manager ninyo!" Matapang kong turan. "Or ibig kong sabihin yung may-ari mismo.." Lalong humigpit ang hawak ni Hanna sa kamay ko.
Sakto namang ang pag sulpot nang mukhang intsik na panot kong saan at naka ngisi pa ito nang makita kami, or kay Hanna dahil sa kanya naka focus ang animal na to' sarap hambalusin nang upuan.





           "Kapal mukha mo para.. balik pa dito! Ipapa jail kita. Magnanakaw ka-"





         "Excuse me?" Putol ko sa sinasabi nang matandang to' kahit matanda pa sya hindi ko sya igagalang kong ganyan naman sya umasta. Ang kapal nang mukha. Rinig ko ding napa singhap itong kasama ko sa galit.  "Baka ikaw ang ipapa kulong namin manyakis kang matanda ka. Nang ha-harass ka nang empleyado mo." Gigil kong turan. Rinig naman ang bulong bulungan sa paligid.. at biglang nanlaki ang mga mata nang matandang intsik.. akala nya masisindak nya kami!





          "Yan- yang babaeng yan. Gusto akong pagnakawan nyan!" Sabay duro nito kay Hanna. Aba talagang nakikipag matigasan pa..






            "Hindi totoo yan.." Depensa naman ni Hanna. "Gusto nya akong pagsamantalahan nang hayop na matandang yan. Bigla na lang akong pinatawag sa loob nang kanyang opisina. Yun pala may balak sya- buti nalang nasipa ko yung kamanyakan niya.."  Lakas loob na turan ni Hanna. Lalong lumakas ang bulungan sa paligid. At yung manager nang cafe hindi maka tingin sa amin nang diretso. Kita ko kung paano pinamulaan nang pisngi si Mr Chan.
Hanggang sa nag iba ang ekspresyon nang mukha nito at bigla nalang humalakhak.





        "Modus niyo ba ito ha-- kunyari paawa pa kayo sa mga tao. Ako may-ari cafe.. Gusto niyo tawag na ako nang pulis.." Turan niya. Talaga inuubos nya ang pasensya ko. Mukhang ganun din si Hanna, gusto nya itong sugurin pero maagap kong niyakap ang kanyang baywang.





            "Relax.." Bulong ko sa kanyang tainga. Bago muling hinarap si Mr Chan. "Pulis!? Di tumawag ka ngayon din.. hindi kami natatakot sayo. Mag demandahan tayo kong gusto mo, don't worry parating na yung lawyer namin.." Wika ko kahit hindi naman totoo yung huli kong sinabi.
"At tsaka pu-pwede naming e-request ang CCTV footage nang opisina mo para makita natin kong sino ang nagsasabi nang too.."
Sa sinabi kong yun, biglang nag iba ang awra  ni Mr Chan. Takot lang nya. Dahil sya ang kakasuhan namin.





          "Umalis na kayo.. huwag kayo manggugulo dito..'' Tarantang turan nito. "Bigay ko sahod mo isang buwan. Alis ka lang.. Alis!" Pagtataboy pa nya sa amin ni Hanna. Tignan ko lang, di lumabas din ang totoo. Manyakis na ito..





"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon