TMTYH.. 47

2.6K 124 38
                                    

Hanna pov...


              "Jeri.. anong ibig sabihin nito-- anong ginagawa natin dito?" Nagtataka kong turan nang makalabas na kami nang sasakyan, kaya lang hindi naman pinapatay ni Jeri ang makina. Wala pa din syang kibo habang binababa nito ang maleta namin ni Janus sa may compartment..







                 Anong ginawa namin dito sa San Pablo? Kumabog na naman bigla yung dibdib ko. Anong ginagawa namin dito sa-
"Jeri! Hanna.. gabing gabi na bakit kayo napa rito?" Napa awang ang labi ko nang bumungad sa amin si tita Beatrice habang naka suot pa ito nang pantulog. Nagtatanong naman ang mga mata kong nagbaling kay Jeri.







             "I'm sorry Hanna.." Hinging paumanhin naman nyang turan.. Sabay baling sa Mommy nya. "Mom! Pwede ba tayong mag usap sandali.." Turan nito. Pagka tapos ay kaagad nitong inayang mag usap ang Mommy nya sa medyo kalayuan at para hindi ko marinig ang pag uusapan nila.. Naiwan naman kami ni Janus habang hindi parin ako mapakali, kinakabahan na hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam.







            Anong ginagawa namin dito sa San Pablo.. dito sa bahay nila- Parang nag sisi tuloy ako kong bakit pa ako pumayag sa gusto nyang sumama kami ni Janus sa kanya. Kung alam ko lang sana na dito kami pupunta--







           "Hanna.. Tara na sa loob.." Napa pitlag pa ako nang bigla may magsalita. Hindi ko kasi namalayang tapos na pala silang mag usap. Pero teka lang bakit kami lang ni Janus ang inaaya ni Tita Beatrice. Paano si Jeri! "Madaling araw na alam kong wala pa kayong pahinga.."







            "Jeri.." Pigil ko naman nang akmang sasakay na itong muli sa kanyang sasakyan. Huwag nyang sabihing itutuloy talaga nya yung balak nyang pag alis.. pagka tapos, iiwan nalang nya kami nang ganun ganun lang.. "Bakit mo ba ito ginagawa?"







         Napa hilot naman sya sa kanyang sentido. "Promise babalik din ako kaagad.. meron lang akong dapat ayusin at mas panatag ang loob ko kapag andito kayo ni Janus.." Buntong hininga pa nyang turan. Pagka tapos ay bahagya ako nitong inakap..







           "Halika na Hanna.. hija!" Rinig ko ang pag tawag muli nang Mommy ni Jeri. Wala na akong nagawa nang tuluyan nang sumakay muli si Jeri sa kanyang sasakyan. Lalo na nang umusad na ang sasakyan at naka tanaw nalang ako hanggang tuluyang maglaho sa paningin ko.








             Nahihiya naman akong nagbaling kay Tita Beatrice habang si Janus ay naka hawak na sa kamay ni Tita. Pikit mata nalang akong nagbaling sa dala naming maleta, huminga ako nang malalim at wala sa loob kong sumunod nalang sa kanina habang paghakbang na sila patungo sa pintuan na naka awang. Papasok sa loob nang malaking bahay nang magulang ni Jeri.  Hindi ko parin maiwasang magkaroon nang tampo kay Jeri, ang buong akala ko kasi isasama nya kami ni Janus kahit saan pa sya mapunta--







            Napa singhap ako nang husto pagka pasok na pagka pasok palang namin sa loob nang mala mansyong bahay. Hindi dahil sa pagka mangha kundi dahil sa isang larawang parang buhay na buhay at titig na titig sa aking mga mata.







           "Hanna ayos ka lang ba?" Untag ni Tita Beatrice sa akin. Kaya lang para akong walang naririnig at nakatitig lang ako sa larawang-- "Siya si Kyle David sya ang nakababatang kapatid ni Jeri at bunso naming anak..      Halos-- halos mag tatlong taon na din mula nang iwan nya kami dahil sa blood cancer. Actually malapit na ang 3rd death anniversary niya."







          Napa lunok ako nang sunod sunod pagka tapos bigla nalang akong nakaramdam nang pang hihina. Para akong nauupos na kandila nang sandaling--  Dave...
"Hanna!!" Rinig ko ang nagpapanic na himig ni Tita Beatrice. Pagka tapos nun ay hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan nang malay..







"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon