TMTYH.. 33

2.8K 114 20
                                    

Jeri pov...

                       "Jeri.. huwag kang pumayag!''





                "Huwag pumayag sa-- alin ba?" Maang maangan ko. Kahit na, gets ko naman yung tinutukoy nito. Mariin niyang isinuklay ang mga daliri sa kanyang buhok..





          "Tungkol dun sa therapy..." Buntong hininga nito. Sabay hawak sa magka bilang balikat ko. "Jeri.. kaya ko naman tustusan yun para kay Janus, pinag iipunan ko naman na yun- please pigilan mo si Mommy mo--"




                 "Hanna.." Pikit mata kong turan. "Kung ayaw mong isiping isang tulong yun- sige utang nalang ibabawas ko sa buwanang sahod---"
Napa hinto ako sa aking sinasabi nang sunod sunod itong napa iling..






           "Hindi mo naiintindihan Jeri.." Turan nito. ''Utang man yan o hindi.. Magkakaroon parin ako nang utang na loob sa Mommy mo.  Tama na yung nagkaroon ako nang utang na loob sayo.  Ayoko lang dumating yung panahon na isumbat sa akin lahat nang tulong na---''







            "Utang na loob Hanna? Yun ba ang tingin mo sa pag stay  ninyo ni Janus dito sa bahay ko?" Yan ang problema sa kanya ang taas nang pride, ayaw na ayaw nyang masaring yung ego nya.. "Sana huwag mo ding bigyan nang masamang kahulugan ang inaalok ni Mommy para kay Janus... Kay Janus yun Hanna!" Turan ko bago dinampot ang gamit ko. Hirap bang intindihin yun..Nag hihintay na din kasi si Mommy sa labas. Actually nasaktan din ako sa sinabi nyang, utang na loob pa nya yung pag stay nila dito sa bahay ko..






              "Jeri..." Pigil nito sa braso ko. Nang tumitingin ako sa mga mata nito. Kita ko ang pagsusumamo.
Kung para kay Janus mas sumasang ayon ako sa gustong mangyari nang Mommy ko. Kahit pa siya ang ina nang bata..






                  "Kailangan ko nang umalis Hanna.." Buntong hininga kong wika. Kaya marahan na nyang binitawan ang braso ko. Tumalikod na ako at tuluyang lumabas nang bahay.






               Naabutan ko naman si Mommy sa labas na halatang inip na inip na. At gusto nang pumasok sa kanyang sasakyan.
"Bakit ang tagal tagal mo..." Sermon nito na kina kamot nang kilay ko..






         "Pinipilit kasi ako ni Hanna na- Kombinsehin daw kitang huwag nang ituloy yung offer ninyo about sa therapy ni Janus. Sya nalang daw ang bahala." Hugot ko nang malalim na pag hinga. Nagtataka lang din kasi ako kay Mommy, kong bakit naisip nyang gawin ang bagay na ito. Samantalang kailan lang nung pinaalalahanan nya ako tungkol sa sitwasyon nang pamilya ni Hanna.

                




            "Sa ayaw at sa gusto nya. Sa Monday na mag start yung therapy nang bata.." Turan nang Mommy ko. Kaya wala na akong magagawa dahil buo na ang pasya ni Mom. Napa buga nalang ako nang hangin.






           "But Mom, pwedeng ho bang malaman kong bakit ninyo ito ginagawa?" Lakas loob kong wika. Wala naman sigurong masama, may karapatan din naman akong malaman..





           "Mukhang hindi mo naman yata ako mabibigyan nang apo so, bakit hindi nalang si Janus." What? Seriously!?Napa awang tuloy ang labi ko. "Ngayon ko lang din napag tanto na  ganito pala ka walang hiya ang mga kapatid ni Hanna. Kung tutuusin wala namang kasalanan yung bata para idamay nila sa galit nila sa kanya.. Total sinimulan mo nang tulungan ang mag ina.. Pamilya tayo Jeri, tayo din lang ang mag tutulungan." Makahulugang wika nito.





               No comment nalang kung ganun. Napa ngiti nalang ako pagka tapos ay niyakap ko sya nang mahigpit.
"Iloveyou Mom!" Sincere kong wika.






"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon