TMTYH.. 49

2.6K 111 27
                                    

Jeri pov...


               Excited pa naman akong umuwi, kaya lang naglaho iyon  nang madatnan ko ang isang taong ayaw na ayaw kong makita pa.. At ang kapal pa talaga nang pagmumukha na humarap sa Mommy ko. Para ano? Para magpa awa sa lahat nang kasalanang ginawa nya sa akin!







          "Oh- tamang tama andito na pala si Jeri!" Masiglang wika ni Mommy sabay tayo mula sa pagkaka upo nito sa couch habang katabi nito si Laura na hindi maka tingin sa akin nang diretso.. Yung tatlong araw kong bakasyon ay inabot nang limang araw para makapag isip na rin nang maayos.. Napa buga naman ako nang hangin. Ni hindi ko namalayang sinugod na pala ako ni Mommy nang mahigpit na yakap na kinapag tataka ko naman..







         Kaya lang, hindi ko nalang ito pinag tuunan nang pansin, bagkus ay gumanti nalang ako sa mahigpit na yakap nito. "Mommy, ano bang ginagawa nang babaeng yan dito!" Bulong ko dahilan para mapa lakas ito nang yakap sa akin.. at napa kunot noong nagbaling sa akin!  Wala pa itong kaalam alam sa mga nangyayari at siniguro ko talagang ngayong bumalik na ako hindi ko na papalampasin ang mga ginawa ni Laura sa akin.







           "Jeri.  Kakarating mo lang ang init kaagad nang ulo mo..isa pa hindi mo ba namiss itong best friend--"








                "Hindi ko na sya kaibigan Mommy.." Putol ko naman sa sibabi nang Mommy ko. "Pwede bang paalisin niyo na sya at pagod ako.."
Buntong hininga ko pa na kina kunot lalo nang noo nang Mommy ko.







         "Jeri please... Huwag na sana nating idamay dito si Tita at--"







             "Anong huwag idamay??" Singhal ko kay Laura at napa tawa ako nang pagak. "Damay sila dito Laura! Dahil buong pamilya ko ang nilapastangan mo dahil sa kabaliwan mo!" Duro ko sa kanya. At kaagad naman akong inawat ni Mommy..  Kita ko namang pinamulaan ito nang mukha pagka tapos ay para syang naluluha na alam kong acting lang naman nya.. Ang kapal talaga nang pagmumukha--







           "Jeri.. ano bang- bakit mo pinag sasalitaan nang ganyan ang kaibigan mo?" Takang tanong naman ni Mommy. Napa baling naman ako bigla sa may  taas sa may bungad nang hagdanan nang mahagip nang paningin ko si Hanna na kina bilis nang tibok nang puso ko. Tatawagin ko na sana ito kaya lang nagtataka ako dahil mabilis itong tumalikod at umalis..






          Biglang  parang may sumundot sa puso ko nang sandaling ito, wala kasing kaemo- emosyon ang mga titig nya sa akin.. Hindi man lang nya ako namiss! Samantalang ako miss na miss ko na sya sobra. Miss ko sila ni Janus.. muli nalang akong nagbaling kay Laura at naisipan kong mamaya ko nalang kakausapin si Hanna.
"Hindi sya totoong kaibigan Mom!" Wika kong muli.. "Dahil- sya ang dahilan kong bakit hindi natuloy ang kasal--"







           "Le- let me explain ple--please.." Nauutal nitong turan. "Tita..'' Baling pa nito kay Mommy na parang humihingi pa nang saklolo..Ang kapal talaga. Marahan itong lumapit sa gawi namin at gusto sana nitong hawakan ang mga kamay ko pero maagap akong nag iwas.  Kita kong naiiyak na sya.. na kina singhap ko naman sa sobrang galit ko sa kanya..







         "Huwag mo akong mahawak hawakan.." Gigil ko pang turan. "Alam mo ba Mommy! Alam mo ba kong anong pinag gagawa nang babaeng yan!" Nanginginig ang boses kong turan.. "Plinano nilang dalawa ni Tanya kong bakit hindi natuloy ang kasal namin noon ni Xander... Siya ang dahilan kong bakit nasira ang buhay ko--"







        "Mahal lang kita Jeri..." Lakas loob naman nitong sabi.. "Mahal lang kita kaya ko-- kaya ko nagawa ang bagay na yun! Ayaw kitang mawala sa akin nang tuluyan..." Hikbi nitong turan.. habang ang Mommy ko ay napa awang ang labing nagpalipat lipat nang tingin sa aming dalawa..







"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon