TMTYH.. 11

2.6K 112 49
                                    

Jeri pov...

              Napapa ngiti ako habang pinagmamasdan si Janus na seryosong nanonood nang anime movie sa television. Parang tinatamad akong tumanggap nang client at mas feel kong mag baby sit ngayong araw. Kaya nilagay ko ang paskil na we're close sa may pinto, at kaka tapos ko lang din tumawag sa pinaka malapit na fast-food para magpa deliver nang pagkaing favorite nang bata..  Tiyak matutuwa ito sa surprise kong food sa kanya. And na text ko na rin si Debbie na hindi ako mag open today, kahit na ganun may sweldo parin sya.





        Nilingon ako  ni Janus pagka tapos ay ngumiti tsaka nag sensyas na tumabi daw ako sa kanya, kaya kaagad naman akong tumalima. Ano kaya kung turun ko nalang sya nang sign language. Marami namang guides sa you tube channel.
Napaka bait at napaka poging bata. Sabay hugot ko nang malalim na pag hinga.
"Asan kaya yung Daddy mo noh! Ang ganda ganda nang Mommy mo tapos ang pogi pogi mo bakit nya kayo nagawang iwan.." Sabay yakap ko sa bata. Ang sipag sipag din nang Mommy nya dahil mag isa syang itinataguyod.
Bakit kaya may mga ganung tao, takot sa responsibility..Kung hindi naman parang napaka dali na ipagpalit ka at sumasama sa iba.
Heto na naman ako sumisenti.. napapa buga nalang ako nang hangin.
Mukhang naintindihan naman ako ni Janus at gumanti ito nang yakap sa akin.





             Maya maya pa ay may kumakatok na sa may pinto.
"Andyan na yung pagkain natin!" Masigla kong turan tsaka nag magmadaling tumungo sa may pintuan. Tiyak mag eenjoy kami nitong kumain..
Pagka kuha ko nang pagkain at pagka abot nang bayad ay excited na akong bumalik sa loob nang clinic.





         "Surprise!!" Wika ko sabay lahad ang mga hawak kong paper bags. Priceless ang saya dahil kitang kita ko sa reaksyon ni Janus nang makita ang hawak hawak ko. Sobrang saya nang bata. Kaya agad ko nang hinanda ang pagkain sa ibabaw nang center table.
"Kain na tayo baby.." Turan ko pagka tapos ay nag simula ko na syang subuan. Panaka naka din nito akong sinusubuan nang fries.
"Hmmnn sarap diba!"
Mabilis naman itong napa tango biglang tugon.





           Habang abala at enjoy kaming kumakain ni Janus ay bigla ulit may kumatok sa may pinto. "Aga naman ng Mommy mo! Baka e-checheck ka kung ayos ka lang dito." Wika ko sabay tayo at tinungong muli ang glass door.
Shit! Bakit biglang sumagi sa isip ko yung kanina, yung aksidenteng pag dampi nang labi naming dalawa ni  Hanna. Biglang kumabog ang dibdib ko, ramdam ko kasing naging awkward ang atmosphere pagka tapos. Pinilit lang naming benalewala. Tapos heto na naman.
Napa buga tuloy ako nang hangin bago tinungo ang pinto tsaka marahan ko yung binuksan.





          "Hi..." Naka ngiting bungad sa akin--




                "Laura--" Bakit dismayado ako nang hindi si Hanna ang bumungad sa harapan ko. "ahm-hi.." Bati ko din sa best friend ko. At bahagya pa akong nagulat nang hinalikan nya ako sa gilid nang labi.
Parang naka ramdam ako nang pagka ilang dahil biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Hanna, na baka sa akin- in love si Laura? "Ang aga mo-"





           "Bakit sarado?" Sabay tingin sa paskil sa may pinto ko. Hindi man lang nito pinansin yung huli kong sinabi.





        "Ah ano kasi.. Halika pasok na tayo sa loob!" Aya ko naman dito. "Ahm- wala namang client na dumarating kaya nag decide akong hindi na muna mag bubukas.." Paliwanag ko naman. Kaya lang parang hindi ito naniniwala, nang naka kunot noo syang napa titig kay Janus. Totoo naman wala pa akong client mula kanina  kaya tinamad na din akong mag bukas.






           Nilapag nito ang kanyang bag sa dulo nang sofa tsaka ako muling binalingan.
"Mukha ngang hindi ka makakapag  client nyan.." Sarkastiko nyang turan. "Anong ginagawa nang batang yan dito?" Parang ang pangit nang dating sa akin yung paraan nang pagtatanong nya. "Diba yan yung anak nung nag iskandalong crew sa cafe.. Andito na naman yang batang yan baka mamaya susugod na naman--''








"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon