TMTYH.. 30

2.9K 114 16
                                    

Hanna pov...

              "Ayy!!" Tili ko sabay off nang television. Gosh!  Ang lakas naman nang kulog na yun  parang sobrang lapit lang.. Turan ko sabay tayo' at tuluyan ko nang tinanggal sa saksakan ang TV. May kasunod pa kasing mahihinang pag kulog. Tumungo ako sa may bintana sabay hawi sa kurtina at tumingin ako sa may labas..





             Oh my!  Malalaking patak nang ulan ang bumungad sa akin. May bagyo ba! O talagang tag ulan na, sobrang dilim kasi nang kapaligiran.
Binalingan ko si Janus pagka tapos,na saktong naka tingin din pala sa akin.  Napa hugot  tuloy ako nang malalim na pag hinga pagka tapos ay muling lumapit sa kanya habang naka upo din sa may couch.





         "Halika anak.. dun muna tayo sa kuwarto." Aya ko sa kanya.. Takot kasi ako sa kulog eh-  at kapag nakatalukbong na ako sa kumot feeling ko safe na ako.





           Inakay ko na si Janus papanik sa itaas, patungo sa aming kuwatro. Sana hindi mag brown out! Lalo lang akong matatakot pag ganun, tapos dalawa lang kami nang anak ko! Gosh!!
Halos kaka tapos nga lang namin nag lunch. Sana titila din kaagad ang ulan, bigla kasi akong  nag alala kay Jeri baka mamaya kasi maulanan. Baka mabinat sya..




                 Napa tili akong muli nang bigla na namang kumulog nang napakalakas. Oh my god! Nakaka takot talaga.. Agad tuloy akong nagtalukbong nang kumot, pagka tapos ay mariin kong pinikit ang aking mga mata. Todo ang dasal ko  na sana wala nang kulog at kidlat mamaya,sana tumila na ang napaka lakas na ulan..




               Dahil narin sa takot kong naramdaman , hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong iginupo nang antok. Nakaka dala din kasi yung malakas na buhos nang ulan sa labas. Hindi ko na din alam kong ilang oras akong naka tulog. Dahil pag gising ko, pinakiramdaman kong maigi  ang paligid kong may maririnig pa akong kulog sa labas. Mukhang tahimik na, kahit patak nang ulan wala na. Hayy salamat kung ganun!Naka hinga ako nang maluwag.





                Napa hikab pa ako sabay inat nang dalawa kong braso pagka tapos ay nagbaling ako kay Janus. Kaya lang  napa  kunot noo ako bigla nang  makita kong wala na sya sa tabi ko? Asan na yung batang---
Napa bangon ako nang tuluyan dahil bigla nalang akong sinalakay nang kaba..
Gosh Janus--





              Naka hinga din ako kaagad nang maluwag nang makita ko syang naglalaro pala sa may sahig. Napa ngiti  ako, saglit ko syang pinagmasdan  pagka tapos ay bigla kong naalala kong ang oras. Agad kong dinampot ang cellphone at  napa awang ang labi ko nang malaman kong anong oras-
What? 6:30 pm na! hindi ko akalain na ang tagal ko palang naka tulog.





            Bigla ko namang naalala si Jeri,naka uwi na kaya sya? Kadalasan kasing uwi nun ay alas sinco nang hapon at kung may dinaanan man syang binili sa labas ay mga six o-clock na yun nakaka rating.. Sabay suksok sa cellphone ko sa  bulsa nang suot kong jogging pants.
Tuluyan na akong umalis sa higaan tsaka ko binalingang muli si janus.
"Lika anak baba muna tayo!" Aya ko at kaagad naman itong napa tayo bitbit ang laruan nitong Lego.





             Ipag hahanda ko pa kasi sya nang hapunan. Si Janus lang naman kasi ang madalas na kumakain sa hapunan.





            Nagtataka naman ako dahil masyadong tahimik ang buong paligid pagka baba namin nang hagdanan.Sa sala ay ganun parin ang ayos. Napa buntong hininga na lang ako sabay balik ko sa saksakan nang tinanggal ko kaninang cord nang TV  para maka panood na uli si Janus..  Naisipan kong silipin ang kotse ni Jeri sa labas.





"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon