TMTYH.. 32

2.8K 119 29
                                    

Jeri pov...


               "Good morning!" Masigla kong bati.. habang nasa likod ako ni Hanna. Hinawakan ko ang baywang nito pagka tapos ay hinalikan ko sya sa kanang pisngi.. Kaya lang marahan syang umiwas na kina bigla ko, kaya nagtataka akong dumistansya sa kanya.
Okay na okay naman kami kagabi, may goodnight kiss pa nga-- hinatid ko pa nga sya sa may pintuan nang room nila ni Janus bago ako tumungo sa kuwarto ko.







           Bakit bigla nalang syang naging cold ngayon-- "Aga mong nagising.." Matamlay nyang wika. Bigla nitong iniwan ang kanyang ginagawa para ipag timpla ako nang kape. Ni wala man lang good morning too. hmp!







            "Ako na.." Pigil ko kaagad. Sabay hawak sa kanang kamay niya, kaya lang marahan nya itong tinanggal. "Ituloy mo nalang yung niluluto mo.'' Sabi ko at pilit kong pinasisigla ang   himig ko kahit na naramdaman kong parang may kumurot sa puso ko. Pinag mamasdan ko lang sya hanggang sa bumalik na sya sa kanyang ginagawa..
Napa buga nalang ako nang hangin pagka tapos  ako na ang gumawa nang aking kape.







             I don't understand, bakit may iba akong pakiramdam kaya lang  benalewala ko nalang. Baka masama lang yung gising nya, late na din kasi kami naka tulog kagabi. Nang matapos kong magtimpla nang kape ay binitbit ko na ang mug, nagpasyang iwan muna sya baka kasi ayaw lang nyang maabala. Tumungo muna ako sa may sala para manonood nang kung ano lang. Para ma distract lang yung sarili ko.







           Kaya lang kahit ang gawin ko, wala parin sa panood ang concentration ko. Dahil inookopa nang utak ko yung babaeng nasa kusina.. Napa buga ako nang hangin pagka tapos ay muli akong napa tayo at parang tangang bumalik muli nang kusina, mukhang tapos na ito sa kanyang ginagawa..







             "Kain na ba tayo!" Kunway hinihimas yung sikmura ko at lumapit ako sa kanya. Hinapit ko syang muli sa baywang habang nasa likod nya ako, bahala na kung iiwas na naman sya. Narinig ko naman syang napa singhap, nang bigla ko nalang syang halikan sa kanyang leeg pagka tapos, ipinatong ko ang baba ko sa kanyang balikat..







           "Jeri...." Buntong hininga naman niya. Pagka tapos ay naramdaman ko ang mga kamay nitong humawak sa braso kong naka pulupot sa kanyang baywang kaya hinigpitan ko lalo ang pag yakap..  "Jeri.. ano ba itong ginagawa natin..." Buntong hininga nyang muli. Dahilan para dahan dahan kong kinalas ang pagkaka yapos ko sa kanya.







            Marahan syang pumihit paharap sa akin. Pagka tapos ay tinitigan nya ako.
"Jeri... Mali ito!" Bulong nito. Na kina lunok ko. "Bakit ba tayo nagkiss, yung kagabi--" Kagat labi nyang turan.. Na kina awang nang labi ko.
Gosh-- hindi ko rin alam. Magmula kasi nang natikman ko yung labi niya hindi  na mawala sa isip ko..  Maghapon nalang na yun ang pumapasok sa isip ko habang nasa clinic ako. Gusto ko na ulit tikman yung labi nya, kaya pag uwi ko kagabi, nadatnan ko syang natutulog sa may sofa. Hindi ko na napigil ang aking sarili..







            "Ayaw mo ba?" Gosh! Bakit ba yun ang lumabas sa bibig ko? Nakita ko naman ang pag awang nang labi nito.







           "Jeri... Aminin mo nga sa akin  lesbian ka ba?"  What?  Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa tanong nito. Ako lesbian? Tinanong na din yan nang Mommy ko... but! No way.. never in my wildest dreams.. "Dahil kong lesbian ka---"







           "What-- no- no way!!" Depensa ko kaagad. Yun naman talaga ang totoo. Hindi ako ganun at hinding hindi ako magiging lesbian.







"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon