TMTYH.. 14

2.7K 107 15
                                    

Hanna pov...


                 "A-Y-O-K-O-..." May diin kong sagot. Sinabayan ko pa nang pag iling.  Ano namang trabaho ang maiaalok nya sa akin aber!! Ah basta ayoko.





          "Pwede bang e-set aside mo muna sa pride mo Hanna.." Turan nito sabay hampas sa manibela dahilan para napa pitlag ako. Lagi nalang syang nanggugulat, paano bigla nalang magagalit! "At least dun sa bahay ko walang mambabastos sayo, hindi ka mamroblema kung saan mo iiwan si Janus dahil araw araw mo syang makakasama.."
Bakit ba nya ginagawa lahat nang ito!  Kailan lang naman kami nakakilala para alukin niya ako nang trabaho.





        "Mag isa lang naman ako sa bahay ko..may stay out maid ako pero  gusto ko din yung may magtatao sa bahay habang nasa clinic ako.." Paliwanag pa nito. "Any time pwede kayong lumabas kung naiinip ka--"





         "So, gusto mo akong gawing maid mo ganun ba!" Putol ko sa sinabi nito. Sabay irap. Yun naman talaga ang magiging labas ko, isang kasambahay, maid, muchacha ang magiging labas ko. Sa totoo lang wala naman akong masyadong alam sa gawaing bahay, kung sa pag asikaso lang sa amin ni Janus kaya kong gawin. Pero kong---argh!!. Sa lahat uri nang trabaho yan ang pinaka ayaw kong subukan, tapos iyon pa ang iaalok nya sa akin!!. Lalo nang ayoko..





            Hindi naman ito maka tingin sa akin nang diretso.





          "Para kay Janus itong inaalok ko sayong trabaho Hanna.." Buntong hininga niyang turan. "Kung hindi ka magiging permanente sa isang lugar paano si Janus, ang pag aaral nya! Lalaki' syang ganun nalang ang buhay ninyo. Mag isip ka nga!" What?  Anong tingin nya sa akin hindi iniisip ang kalagayan nang anak ko! Lahat nang ginagawa kong ito  para sa kanya.. Mukhang wala nang katuturan  ang usapang ito.. Kaya--
Hindi ako kumibo at marahan ko nang tinulak ang katabing  pintuan.
"Hanna-"Pigil nya sa braso ko. "Heto ang calling card ko. Tawagan mo lang ako anytime na nakapag isip kana." Seryoso nyang wika sabay abot nang maliit na card. Napa titig lang ako doon sa maliit na card pero wala akong balak tanggapin.





          Napa buntong hininga na lang ako at walang kibong umibis nang sasakyan habang karga karga ang anak ko. Walang lingon likod na pumanik na ako nang hagdanan. Hanggang sa narinig ko nalang ang pag harurot nang sasakyan. Napa buga nalang ako nang hangin bago pumasok sa loob nang apartment. Nag tuloy tuloy hanggang sa loob nang kuwarto..
Naghubad nang sapatos  si Janus pagka tapos ay agad na sumampa sa ibabaw nang kama.





             Mabilis ko namang hinubad ang suot suot kong punit na damit tsaka nag bihis nang panibago. Nakalimutan ko palang sinara yung pintuan nang kuwarto, pero de bale na may harang naman itong kurtina.. Pagka tapos marahan na akong umupo sa gilid nang kama pagka tapos.



             "Ilove you anak.." Buntong hininga kong turan nang bigla niya akong yakapin at halikan sa pisngi.  Matalino ang anak ko at naintindihan nya ang mga nangyayari sana talaga maipasok ko na sya sa eskuwelahan. "Saan na naman  kaya tayo mapapadpad anak!" Wala sa loob kong turan. Bigla naman akong kinalabit nang anak ko na tila may gustong sabihin. Kaya agad akong nagbaling sa kanya. At mataman ko syang tinitignan habang may gusto syang sabihin sa bawat kumpas nang mga kamay niya. Parang instinct na din nang pagiging ina at naintindihan ko ang sinasabi nito.
"Sleep sa... Saan? Sa.. clinic!" Agad naman akong napa iling nang maintindihan ko ang ibig nitong sabihin. "Hindi pwede anak. Clinic yun hindi bahay.." Paliwanag ko sa kanya.  Na kina yuko naman nito na parang nagtatampo.





            Kaya kinabig ko sya at niyakap nang mahigpit.
"Kaya natin ito anak.. basta kasama kita kaya kong harapin ang lahat. Ikaw ang nagpapalakas kay Mama tandaan mo yan." Nangingilid ang luha kong turan. Pero bago pa ako tuluyang panghinaan nang loob nag pasya akong mag ayos na nang gamit namin. Para bukas nang umaga lilisanin na namin ni Janus ang lugar na ito.
Nakakalahating buwan palang kami nang anak ko dito pero kailangan na naman naming umalis. Buntong hininga ko.
Sayang din yung binayad ko kay aling Percy kaya lang hindi kasi refundable, hayaan ko na nga. Ganun talaga!





         Tumutulong din ang anak ko sa pag aayos nang gamit pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata. Pasensya ka na anak ha! Sana naman sa lugar na mapupuntahan natin magiging maayos na ang buhay natin doon.  Turan ko sa isip ko.




            "Hanna-" Humahangos na bungad ni Monica. Nag tuloy ito sa loob nang kuwarto dahil naka bukas naman ang pinto. "Akala ko hindi ko na kayo maabutan!" Malungkot pa niyang turan. Napa kunot noo tuloy ako. Paano kami makaka alis nang anak ko eh sya nga itong hinihintay ko para makuha yung sweldo ko sa cafe..




           ''Bukas ko pa naman balak umalis.." Wika ko naman tsaka pinagpatuloy ang aking ginagawa. Marahan naman itong umupo sa gilid nang kama.





           "Pasensya na Hanna, pati kasi ako dinamay eh. Kung madali lang sanang maka hanap ulit ng ibang trabaho mas pipiliin kong mag stay kayo ni Janus dito." Buntong hininga nitomg turan.





            "Ano ka ba! Ayos lang.." Naka ngiti ko namang tugon. Wala naman syang kasalanan, naipit lang sya sa sitwasyon.





            "Hanna.. ahm- pwede bang itigil mo muna yang ginagawa mo.. para ka namang atat na umalis! Usap muna tayo." Turan nito. At nagtataka naman ako sa sinabi nito  kaya sinunod ko nalang sya at iniwan ko muna ang pag iimpake nang mga damit. Baka lang may importante itong sasabihin. Kaya marahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito.
Kinuha naman nya mula sa loob nang  bag ang puting sobre tsaka marahang inabot sa akin.
"Ayaw na ni Mr Chan bawiin yan.. Ibigay ko nalang daw sayo. Actually- humingi naman sya nang sorry sa ginawa nya at aalis na din daw sya bukas." Talaga! Napa ismid naman ako.. Buti naman at inaamin niya yung kamanyakan nang matandang yun.







           Tinanggap ko nalang din ang nasabing pera para kay Janus. 
"At tsaka may sasabihin pa pala ako." Turan pa nito sabay may dinukot muli sa loob nang bag. Napapakamot ito nang batok tsaka  nilabas mula sa loob nang bag nito ang isang maliit na papel at isang calling card. Na naman!!




        "Eih kasi... Galing kay doc Jeri yan-" Napa eye roll tuloy ako. Sabi ko na nga ba eh! Hindi ba ako titigilan nang babaeng yun at pati kay monica kailangan pa nyang gawin ito. "Baka daw nagbago  na yang isip mo.Ito yung calling card nya at kung gusto mo mag direct ka nalang daw pumunta sa bahay niya. Yan yung address nya." Naalangang turan ni Monica. Napa buga tuloy ako nang hangin at napa baling sa ibang direksyon.





          "Maganda yung inaalok ni doc Jeri sayo Hanna.. Kung ako sayo tanggapin ko na, wala nang pride pride!!" Napa kunot noo tuloy akong nagbaling muli sa kanya. Paano nalaman ni Monica ang tungkol doon sa alok ni Jeri sa akin!Pati ba naman sya na brain wash na nito.At mukhang nakapag usap talaga nang husto ang dalawa. "Para kay Janus Hanna--"
Bigla tuloy akong napa tayo at napa hilot sa aking sentido.




            
            "Hanna.. sa totoo lang wala kang gagawin sa bahay niya! May maid daw sya.. Concern lang sya sa inyong mag ina lalo na kay Janus." Pagkukumbinse nito sa akin. Hindi naman pwedeng wala akong gagawin, sasahuran nya ako nang walang gagawin? Hindi ko parin talaga lubos maisip bakit nya ginagawa ang lahat nang ito."Pumayag ka na Hanna.. at least anytime pwedeng pwede ko kayong dalawin doon ni Janus o di kaya kayo ang pumasyal dito.''






          "Pag isipan ko.." Buntong hininga ko namang turan na kina ngiti ni Monica. Pero mukhang bibigay na ako. Tama din kasi, nakaka pagod na yung ganito lalo at lumalaki na ang anak ko. Kailangan ko na talagang makapag ipon nang husto para sa pag aaral ni Janus.






          ''Huwag mo nang pag isipan go ka na..." Parang mas excited pa itong isang ito kesa sa akin.. at tsaka bakit naman ako mai excite! "Ano tawagan ko na si doc.. ipapa sundo ko na kayo-" Akmang kukunin na ang phone nito pero maagap ko syang pinigilan.





        
          "Kaya nga pinag iisipan pa eh-" Turan ko naman.  Na kina ngiti naman nito nang nakaka loko.

"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon