TMTYH.. 7

2.8K 117 12
                                    

Jeri pov...

                 "Okay ka lang?" Napa baling ako nang tingin dito sa katabi kong kumakain. "Akala ko ba ngayon natin e-celebrate yung birthday ko kaya lang-- "Napa hugot ito nang malalim na pag hinga.  "Mukha namang wala kang gana." Napa labi pa nyang turan. Favorite pa naman naming dalawa itong mga pagkaing nasa harapan namin. Kaya lang itong nasa plate ko wala pang bawas. "Iniisip mo parin ba yung nangyari kanina? Gusto mo ba ipa blotter natin yung Hanna na yun!! Umiinit din ang ulo ko kapag naalala kong pinag bibintang nya sa atin kanina-" Napa kunot noo tuloy ako nang nag zinc sa utak ang sinabi nitong ipa blotter?






        ''Ano bang pinagsasabi mo Laura.. Natural lang na ganun yung reaksyon ni Hanna, syempre nag panic yung tao dahil ikaw ba naman malingat lang saglit biglang nawala yung anak mo.." Katwiran ko naman. Ewan ko ba bakit bigla nalang sumama yung pakiramdam ko matapos kong malaman yung kundisyon nang anak ni Hanna kanina. Curious ako na naawa bigla doon sa bata.. Parang sumisikip yung dibdib ko na hindi ko maipaliwanag eh.. Pati tuloy itong dinner namin ni Laura naapektuhan na.
Napa hilot tuloy ako sa aking sentido, kanina pa talagang sinusumpong nang migraine ko.




          "Alam mo pati tuloy ako nawawalan nang gana dyan sa itsura mo!'' Parang nagdaramdam na ding himig nang best friend ko. Mariin ko tuloy naipikit ang aking mga mata pagka tapos ay napa hugot din nang malalim na pag hinga. "May gusto pa naman sana akong sabihin sayo.." Pabulong pa nyang sabi.






          "I'm so sorry okay.." Sincere kong pag hingi nang paumanhin sabay gagap sa isang palad nito. "Hindi ko lang kasi mapigilang mapa isip. Naaawa kasi ako dun sa bata.. Hindi pala sya nagsasalita. I mean mukhang may mute and deaf condition yata parang ganun.." Explain ko habang naka titig ako mukha nang best friend ko. Kita ko namang napa irap ito pagka tapos ay tumingin sa malayo.






        "Bakit ba kasi kailangan mo pa yang isipin at problemahin.. Pwede ba Jeri huwag mo naman sanang hayaang masira itong gabi na to' na magka sama tayo." Makahulugan nitong turan pagka tapos ay marahan nitong hinamplos ang aking pisngi. Napapa ngiti tuloy ako nang biglang may maalala. "Yan dapat... ganyan ngumingiti ka na. Alam ko ba kanina parang beyarnes santo yang mukha mo." Tawa na rin nito.







          "May naalala kasi ako." Wika ko naman habang ngiting ngiti parin. "Ito kasing si Hanna.. dalawang beses ko na yatang narinig sa kanya na binanggit nya na girlfriend daw kita,  na mag girlfriend daw tayo!" Tawang tawa ako na napapa iling habang nagku kwento. Bigla namang nag seryoso ang mukha nang best friend ko dahil sa sinabi ko. Baka mamaya hindi din sya aware sa ganitong usapan. Kaya nga mas pinili kong huwag nalang sabihin sa kanya yung napag usapan namin ni Mommy.Bigla pa itong nag iwas nang tingin.
"Gosh.. straight kaya ako! Syempre ikaw din one hundred percent.." Natatawa akong muli.






        "Ahm- Jeri.. hindi ba sumagi sa isip mo minsan, na pumatol sa kapwa mo babae?" Napa ngiwi nyang tanong na kina tawa ko nang husto. Ano bang nakain nitong best friend ko at kung ano ano nang pumapasok sa isip nya.






         "Ano bang klaseng tanong yan Laur.. Hindi naman sa nang huhusga ako kaya lang.. Hindi ko na imagine ang sarili ko sa bagay na yan. Ako? Sa kapwa ko babae. Never!" Iiling iling ko lang turan. Dahil yun naman talaga ang nararamdaman ko. "Ni magmahal ngang muli ayoko na--"





        "Dahil ba sa ginawang pagtataksil ni Xander at Tanya sayo!" Putol nito sa sinasabi ko. Agad naman akong napa tango.. "Huwag ka parin sanang magsalita nang patapos Jeri. Malay mo isang araw may biglang dumating sa buhay mo na hindi mo inaasahan..." Tinawanan ko lang ito sa kanyang sinabi.  Kung meron di noon pa sana limang taon na ang naka lipas at tsaka isa pa manhid na ang puso ko sa bagay na yan. Sa parents ko nalang ibuhos ang pagmamahal ko at sa kapatid ko. Kung nabubuhay pa sana sya. Sabay buntong hininga.
Dadalawin ko pala sya this coming Sunday. Ang tagal ko nang hindi nadalaw yung kapatid ko baka mamaya magtampo na yun sa akin.






          "Papano kong- halimbawa.." Napa buga ito nang hangin. Muling nagsalita  kaya muli akong napa baling sa kanyang mukha. "Kung halimbawa ako hindi ko inaasahang magka gusto pala ako sa kapwa ko babae! Huhusgahan mo ba ako Jeri?" Napa tawa tuloy ako nang mahina. Bakit ba kami napunta sa ganitong usapan!





       "Gaya nga nang sabi ko I won't judge okay..Kaya lang tyak imposible namang mangyari yan, isang Laura Crisostomo magiging lesbian.." Natatawa ko paring turan na kina seryoso naman nang kanyang mukha.





        "Jeri.. hindi naman lesbian ang tawag doon. Bisexual ganun! Yung buong akala mo straight ka tapos hindi mo in expect na,  naa attract ka na pala sa isang babae. Sa isang babae lang ha!" Bigla itong napa hugot nang malalim na pag hinga.
Oh! Ganun ba yun. Kaya lang hindi ko parin talaga gets.. Ang alam ko kasi pag once na nagka gusto ka sa kapwa mo it's either lesbian ka na or gay sa mga lalaki.  ''Parang ganun- kasi yung nangyari sa akin--" Naalangan niyang sabi  sabay yuko..
Bigla tuloy akong napa kunot noo. Ano ba itong sinasabi nang best friend ko.





          "Laura.. what did you- just say?" Gusto ko lang maging klaro yung mga sinasabi niya. Bigla naman itong nag angat nang mukha at parang naluluha syang tumitig sa aking mukha..





         "Jeri.. I think I'm- I think I'm in love with-" Pabitin pa nitong turan.. "I'm in love with one of my architect sa firm..." Pagtatapat nito. Si Laura in love na! Ang saya saya nun.





       "Really... Well, congrats sayo best!"  Ang saya ko sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Kaya lang parang wala naman itong reaksyon mukha parin syang problemado.
"Parang hindi ka naman yata masaya.." Wika ko matapos ko itong yakapin.








           "Yun nga kasi... Ang kaso babae sya." Kagat labi niyang turan. Sabay seryosong tumitig sa mukha ko. "Yun yung gusto kong sabihin sayo sa araw nang birthday ko... Jeri in love ako sa kapwa ko babae." Bigla nalang akong natulala sa kanya at hindi ako nakapag salita. We're best friends in almost 13 years. Sobrang clingy kami sa isa't isa mas sweet pa kami dati pa kesa sa ex-boyfriend ko.. buti at hindi sya sa akin na attract. Bigla naman akong nag iwas nang tingin.






        Hanggang maka uwi sa bahay ko. Iniisip isip ko parin ang best friend ko. Nagulat man ako pero tinanggap ko parin sya nang buong buo. Niyakap ko sya nang mahigpit, umiyak sya nang umiyak sa aking balikat dahil- sa wakas daw nailabas na nya yung mabigat na dinadala nito sa dibdib. Natatakot din daw sya sa kanyang nararamdaman, kahit na ramdam nyang gusto rin sya nung girl kaso katulad nya naalalangan din lalo at boss sya nito.
Napa buga ako nang hangin habang naka higang naka tihaya sa kama dilat na dilat ang mga mata.






        Naalala ko tuloy tawagan si Mommy sana lang gising pa ito. Sa landline nalang ako tatawag nasa tabi lang kasi nang kama nila yung telepono sa bahay. Nag ring ito at kaagad namang may sumagot sa kabilang linya.
"Hello sweetheart." Malambing nyang turan na kina ngiti ko naman. Alam naman nyang ako lang ang nag iisang tao na tatawag sa kanila nang ganitong oras.





        "Mom.   May sasabihin po ako-" Turan ko at nakikinig lang naman ito. "Uuwi sa Sunday dadalawin ko si David." Turan ko.





        "That's good anak. Tyak miss kana rin nang kapatid mo.."Masaya naman nitong tugon. "Miss kana din namin nang Dad mo." Wika pa nito. Huling kita pa namin ay nung anniversary nila ni Dad.







         "And- Mom may isa pa akong sasabihin.." Napa kagat labi kong wika. Napa buga muna ako nang hangin bago muling magsalita.. "Si Laura po nag tapat po sya sa akin na.. In love sya-" Tama bang sabihin ko ang bagay na ito sa Mom ko, kaya lang naumpisahan ko na eh.







       "In love sya sayo? Sabi ko na nga ba eh.." What? Si Mommy pinapangunahan pa ako sa kwento  ko..






      "Mom hindi po.. okay- in love si Laura sa kapwa nya babae, pero hindi po sa akin-"








        "Mas masaya siguro kong ibabalita mong, sa iyo sya in love anak." Si Mommy talaga. Napa tawa lang naman ako. "Anak gaya nga nang sabi ko wala namang masama kong maging lesbian ka o magka gustuhan kayo ni Laura. Ilang taon na kayong magka kilala at kilalang kilala ko na din sya mabait at sobrang sipag na bata." Turan nito. Napa kamot naman ako sa noo.





          "Mom... Hindi na po ako mag aasawa." Seryoso kong wika. Pero tinawanan lang nya ako..
       

"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon