TMTYH.. 48

2.6K 116 23
                                    

Hanna pov...


                "Ang selfish selfish mo-- paano mo nagawa sa akin ito' bakit Dave?" Walang humpay ang aking pag hikbi habang ako'y naka tunghay sa puntod ni David.. Hindi ko maiwasang hindi sya sumbatan sa lahat..







         "Mahal na mahal ka lang nya Hanna, kaya nya nagawa ang bagay na yun-"







           "Isa ka pa eh!" Singhal ko kay Sandro habang patuloy ako sa pag hikbi. Hindi ko rin mapigilang hindi magalit at magdamdam sa kanya. After all this years, sya itong may alam nang lahat pero nanatiling tikom ang kanyang bibig. Masyado syang loyal sa kaibigan niya. "Dun ka na nga!!" Sabay tulak ko pa sa kanya sa sobrang inis ko kaya lang hindi nito pinansin ang sinabi ko.







             "Hanna I'm sorry.. maniwala ka, hindi ko din alam na- nagbunga pala ang pagmamahalan ninyo ni Dave.." Buntong hininga nito. Naniniwala naman ako sa sibsabi nya. Wala talaga syang alam, wala silang kaalam alam dahil pagka tapos nun ay sunod sunod ang dagok sa buhay ko. Pagka tapos nyang sabihing  pinagpustahan lang nila ako   sobrang sakit nun para sa akin.. Tsaka ko nalaman na buntis pala ako kay Janus. Kaya hindi ko na binalak pang sabihin pa ang kalagayan ko. Pagka tapos biglang na stroke si Dad dahilan  para mapa hinto na rin ako sa aking pag aaral.








          "Mahal na mahal ka nang kaibigan ko kaya mas pinili nalang nyang itago sayo yung kalagayan nya. Dahil alam naman  daw nyang mawawala din lang sya dito sa mundo." Napa singhap ako sa sinasabi ni Sandro. "Mas mainam nalang daw na kamuhian mo sya habang buhay, kesa masasaktan ka lang sa huli dahil mawawala din lang naman sya sa piling mo. Mas hindi daw nya kakayaning makikita ka nyang nasasaktan habang unti unti na syang pinapatay nang sakit nya.." Paliwanag nito. Na lalong kina hikbi ko.







             Kaya nga  bakit ganun napaka selfish nya... Ang daya daya nya! Hindi ko man lang sya naalagaan, hindi ko man lang sya nakasama  hanggang sa huli nyang hininga. Hindi man lang sya nasilayan nang anak namin..
Naramdaman ko nalang ang pag kabig sa akin ni Sandro  at niyakap ako nang mahigpit..








          "Ako na ang humihingi nang tawad sa lahat nang nagawa nang kaibigan ko Hanna.." Hugot nito nang malalim na pag hinga. Sabay marahang hinahaplos ang aking likod. Umiyak lang naman ako nang umiyak nang sandaling yun sa bisig nito, binuhos ko lahat nang sakit na aking nararamdaman.. kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan.







              "Hanna, may naalala akong sinabi ni Dave bago- bago sya tuluyang pumanaw.." Turan nito. Dahilan para mapa lakas ako mula sa pagkaka yakap sa kanya. At nagtatanong ang aking mga matang humarap sa kanya. "May sulat daw siya para sayo.." Turan nito na kina kabog nang dibdib ko. "May sulat daw syang ginawa at naka saad doon lahat nang gusto nyang sabihin sayo. Lahat nang nilalaman nang kanyang puso.."







          Bigla naman akong parang nabuhayan muli nang loob sa sinabi nito.
"Asan- asan na yung sinasabi mong sulat?" Tanong ko naman na kina ngiwi nito.. sabay iling. Dahilan para mapa hugot ako nang malalim na pag hinga.







           "Yan ang hindi ko alam Hanna. Hindi ko alam kong saan nya dinala o tinago yung sulat na sinasabi nya.." Turan nito na kina dismaya ko na naman. "Baka nasa bahay lang nila yun! Sa kuwarto niya.." Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Sandro. Hindi pa kaya nakikita nang parents nya ang sulat na yun! Baka naman naisama na doon sa gamit nya na isinama dyan sa kanyang libingan.







            "Wala namang masama kung magbaka sakali tayo.. magpaalam tayo sa magulang ni Dave kong pwede natin tignan sa loob nang kanyang kuwarto." Pangungumbinse sa akin ni Sandro. Napa buga naman ako nang hangin..At isa pa para saan pa yung sulat na yun kong wala naman na sya, lalo lang akong makakaramdam nang sakit at panghihinayang..

"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon