TMTYH.. 52

2.7K 138 60
                                    

Hanna pov...


             "Huwag mong hawakan baka masugatan ka.. Teka tawagin ko si Narcy!"







          Napa hinto tuloy ako sa pag hakbang nang natapat ako sa kuwarto ni David nang maulinigan ko ang boses ni Mommy Beatrice na parang nag papanic-- 
''Oh Hanna andito kana pala-- teka lang!" Turan nito at nagmamadali na syang umalis sa harapan ko. Napa kunot noo tuloy akong nag baling sa naka awang nang pinto.







            Kaka galing ko lang kasi nang memorial park para dumalaw sandali sa puntod ni David at Dad..
Napa silip  tuloy ako sa loob nang kuwarto dahil na curious ako bigla kong ano bang nangyayari--  nakita ko si Jeri na nasa loob niyon habang naka talikod ito  sa gawi ko. Napa lunok  naman ako bigla  bago nag pasyang pumasok at marahang humakbang patungo sa gawi niya.







            Hindi ko na sya nakita pagka tapos nyang mag walk out habang nag uusap kami kanina at sabi ni Mommy Beatrice naka tulog nga daw sya dito sa kuwarto ni David. Kaya hindi na sya inabalang gisingin nang sumapit ang agahan. Hindi ko parin sya maintindihan sa totoo lang, gusto ko lang naman makita yung sinabi ni Sandro na sulat.
"Jeri..!?" Naalangan kong sabi.  napa singhap ako nang makita ko ang nagkalat na bubog sa may sahig. "A-anong nangyari?" Takang turan ko.






          Marahan naman syang pumihit paharap sa akin at kita kong hilam nang luha ang kanyang mga mata..
"Jeri..." Anas kong muli sa pangalan nito. Pinagmamasdan ko lang syang kumilos at may puting papel itong inilahad sa harapan ko.  Napa titig naman ako sa hawak hawak niyang iyon at--







            "Mukhang-- ito na yata yung hinahanap mo-- Hanna.." Buntong hininga nyang turan pagka tapos ay nagbaling sya sa ibang direksyon. Bigla namang kumabog ang dibdib ko nang sandaling ito.  David..my god! singhap ko.. Marahan kong kinuha ang nasabing naka tuping papel mula sa kamay ni Jeri habang pinipigil ko ang panginginig nang kamay ko. "Kung- kong hindi pa nabasag yung isang picture frame- mahirap talagang mahanap yan." Turan pa nito.
May mga naririnig naman akong boses at yabag papalapit sa kinaroroonan namin.







          Naka focus lang ang mga mata ko sa nasabing puting papel nang nasa kamay ko na iyon, nagmamadali namang umalis si Jeri sa harapan ko. Jeri..  Bulong nang puso ko..







           "Heto Narcy paki linis na lang ha. At papalitan ko nalang nang bagong frame itong picture ni David." Rinig kong turan ni Mommy Beatrice habang nasa hawak ko parin ang aking atensyon. "Hanna okay ka lang?  Asan na si Jeri..!"







         "Ho? Ahm-lumabas na po.." Bigla akong nataranta. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang pasimple ko nalang tinago ang hawak hawak kong papel.  "Mommy- doon muna ako sa kuwarto namin ni Janus.." Hindi ko na sya nahintay na sumagot, napa buga nalang ako nang hangin pagka tapos ay nagmamadali na akong lumabas nang naturang kuwarto.. Tuloy tuloy ako sa pag hakbang hanggang sa makarating ako dito sa kabilang kuwarto.







          Napa hugot ako nang malalim na pag hinga pagka tapos ay marahan akong umupo sa gilid nang kama..
Kong ano man ang nilalaman nang hawak hawak kong sulat.. hindi na mababago ang desisyon ko. Pikit mata kong turan. Kina usap ko na din si Dad tungkol sa bagay na yun at kahit wala na sya alam kong patuloy parin nya akong ginagabayan hanggang ngayon..







         Marahan ko nang binuklat ang naka tuping papel.. Nanginginig ang mga kamay ko at biglang nag init ang sulok nang aking mga mata nang sigurado na akong ito na yung sinasabi sakin ni Sandro.





"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon