TMTYH.. 51

2.7K 114 31
                                    

Jeri pov...



                      "Uwi na tayo.." Bagkus ay turan ko na kina awang nang labi nito. Ewan ko ba kong bakit iyon ang bigla kong naisip..






              "Jeri.. anong sabi mo?" Napo-frustrate na talaga ako. 
Hindi ko na alam kong anong iisipin ko,kong ano nang mangyayari.. Bakit kailangan pa kasing makita yung sulat na yun, baka naman wala naman talaga. Sabi lang ni Sandro yun sa kanya!?





           "Uwi na tayo nang San Jose Hanna.. tayo nila Janus--" Sa pagkakataong ito sya naman ang biglang napa iling.  Muli kong mariing isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok. FUCK!! Mahal ko na si Hanna tapos ang magiging karibal ko mismong kapatid ko pa?





         "Hindi na- hindi na kami basta basta pwede umalis ni Janus dito Jeri..    hindi ko pwedeng ipagdamot si Janus sa- parents mo.." Turan nito na kina hikbi ko nang hindi ko alam ang dahilan.  Bakit ang sakit sakit! Bakit may pakiramdam akong kalaban ko na ang buong pamilya ko. Kung alam ko lang- sana pinigilan ko nalang itong nararamdaman ko sa una palang. Dahil yun naman talaga yung tama!? "Jeri..." Anas nito..






          "Jeri please.. yung sulat..." Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang humakbang at lumabas nang kuwarto. ''Jeri..." Tawag nito pero nag kunwari akong walang naririnig. Bakit David? Bakit ang daya daya mo-- Natapat ako sa pintuan nang kuwarto nang kapatid ko. Mula nang mamatay sya hindi na ako pumasok sa loob nang kuwarto nya. Iniisip ko lagi na andyan lang sya natutulog.





               Pikit mata kong hinawakan ang doorknob, pinihit at umikot iyon.  David.. Bulong nang puso ko.. Mahal na mahal ko sya at hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang pagka wala nya. Dahan dahang bumukas ang pintuan at napa singhap ako nang masamyo ko ang gamit nitong pabago. Alam kong si Mommy ang gumagawa nito, gusto nya na parati nyang naaamoy  ang kapatid ko na nanatiling kasama namin sya..







            Maliwanag din ang buong paligid dahil baka bukas ang ilaw. Tuloy tuloy ang pag agos nang aking mga luha habang marahan akong tumungo sa table, kong saan naka patong ang mga lawaran ni David. Lahat yun ay pawang naka ngiti. Oo masayahing tao si David ni minsan hindi kami nag away, sobrang close naming dalawa.. Marahan kong hinawakan ang favorite kong picture nya. At dinala yun sa aking dibdib..







           Mariin akong napa pikit na parang yakap yakap ko na rin sya nang sandaling ito.  Pagka tapos ay marahan akong napa upo sa gilid nang kanyang kama at muli akong napa hikbi. Ang saya ko sana dahil nalaman kong pamangkin ko pala si Janus, kaya pala sobrang gaan  nang loob ko sa kanya. Unang kita ko palang.. Kaya lang bakit ganun! Bakit pati si Hanna iba yung naramdaman ko unang kita ko palang sa kanya..







             "Ang daya daya mo David.." Bigkas ko. Ni hindi man lang nya nabanggit ang tungkol kay Hanna. Dahil ba alam nyang mamamatay na rin lang sya kaya dinala na lang nya ang tungkol dito hanggang sa libingan nya.  Marahan akong kumilos at humiga sa ibabaw nang kama habang yakap yakap ko parin ang kanyang larawan. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa hindi ko na pala namalayang naka tulog na ako dahil sa pagod.







                "Ate.. kung wala na ako sana- sana subukan mong magmahal muli. Hindi yung dahil sinaktan ka na ni kuya Xander ay isasarado mo na nang tuluyan yang puso mo.. Paano sila Mom at Dad, hindi ko na sila mabibigayan nang apo kaya ikaw nalang ang pag asa.."





            "Ano bang pinagsasabi mo ha! Ang isipin mo magpa lakas ka para mabigyan mo pa sila Mommy ang benteng apo. Kahit puro panganay pa yan lahat basta kamukha ko at kamukha mo ah.."





"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon