TMTYH.. 54

2.8K 130 50
                                    

Hanna pov...


               Agad din akong napa baling kay Monica at tinignan ko ito nang masama. Bigla kasi akong naghinala na hindi nagkataon lang ang pag ku-krus namin ngayon nang landas ni Jeri.. Mukhang may kinalaman yata ang kaibigan ko.
Painosente naman itong napa titig sa akin tsaka nag kibit balikat.







            "Janus..." Tawag kong muli sa anak ko kaya lang naka hawak na ito sa isang palad ni Jeri..







         "Doc Jeri andito ka din?" Kunway  bati ni Monica at nagmamadali na din itong lumapit sa kinaroroonan ni Jeri. Wala tuloy akong choice kundi sumunod sa kanila. Ang lakas talaga nang kutob ko eh kaya ang tagal na nawala si Monica kanina.. "Namiss kita doc.." Bahagya itong yumakap sabay beso na kina buga ko naman nang hangin.
Narinig ko din ang sabi ni Jeri na namiss din daw nya si Monica..






           Nang matapos silang magbatian ay sa akin naman sila nagbaling..
"Hanna hindi ka ba babati kay doc?'' Pa pout pag turan ni Monica. Humanda ka talaga sa akin mamaya pag uwi. Pag babanta ko sa isip ko. Kaya lang sobrang kabog nang dibdib ko nang sandaling ito.







       "H-hi.." Nauutal ko namang turan at kita ko ang nakakalokong pagkaka ngiti nang kaibigan ko. Talagang nakaka rami na sya. Hindi kasi ako maka porma eh!
Lalo na nang narinig ko ang sabi ni Monica na wala daw bang hug at kiss din!? Kunwari nalang na hindi ko narinig..





        "Hi Hanna.."Masigla naman nitong bati.. "Buti naman at-- ahm- hindi ko inaasahan na makikita ko kayo dito.." Nagdiwang naman ang kalooban ko dahil hindi lang pala ako ang nagkanda utal. Kinagat ko tuloy ang pang ibaba kong labi para pigilan ang aking pag ngiti.





          "Manonood kasi kami nang movie.." Si Monica ang sumagot. ''Ikaw doc saan ang lakad mo, mukhang may date ka yata ah!" Napa tawa naman si Jeri nang mahina.







        "Actually may friend akong ka met kanina, nag lunch kami tapos hayun.. may emergency meeting daw kaya nauna na syang umalis.. papunta na sana akong nang parking lot eh!" Kwento naman nito. Sinong friend naman kaya yun? Gaano ba karami ang kaibigan nito..Babae kaya o lalaki--  napa oh naman si Monica





             "Uuwi ka na ba nyan doc? Sama ka na kaya muna sa amin para naman maka bonding--" Napa tikhim naman ako dahilan para mapa hinto bigla si Monica sa pagsasalita. Bakit ba kasi kailangan pa niyang yayain si Jeri--





             "May pasok sya ngayon kaya siguradong hindi rin lang sya makaka sama sa atin. Diba sabi nga nya papunta na sya nang parking lot!" Turan ko naman bigla. Na kina awang nang labi ni Monica, samantalang si Jeri ay hindi ko mabasa ang ekspresyon nang mukha nito. "Isa pa tapos na syang maki pag date kaya for sure wala na syang ganang sumama sa atin.." Ewan ko kong saan ako kumuha nang lakas nang loob para sabihin ang mga yun.






           "Sa akin okay lang.." Biglang turan nito. "Half day lang naman ako sa clinic dahil Saturday ngayon.. kaya lang mukhang ayaw naman akong makasama ni Hanna kaya aalis na lang ako.." Para namang may malamig na hanging humaplos sa puso ko nang sandaling ito..
"Bye Janus!" Turan pa niya sabay haplos sa bumbonan nang aking anak. "Namiss kita.. Bye Monica.. see you when I see you.." Baling nito sa katabi na kina lukot naman nang mukha. Pagka tapos ay napa buntong hininga itong nagbaling sa akin.






                 "Hanna... I miss you a lot." Makahulugan nitong bigkas. Bago tumalikod at akmang aalis nang pikit mata kong pinigil ang isang braso nito.. Argh! Hindi pa kasi ako handa sa pagkikita namin ngayon kaya lang-- gusto ko din syang makasama at namiss ko talaga sya..






"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon