019 | narration

488 11 24
                                    




Zatara's




Two weeks narin simula nung nagawa yung 'Date me' thingy namin ni Hyuck and nasanay na rin ako sa mga pagbibigay niya sakin ng gifts and all. Parati rin kaming magkasama papuntang school, sa cafeteria (along with Zee and Yang), at sa pag-uwi rin. Hindi ko inexpect na masasanay rin pala ako.

So ayun nga, magkasama kami ni Zee ngayon sa library. Medyo ginagabi na nga kami dito sa pag-aaral. Si Zee kasi ay kasali sa Battle of the Brains tapos ako, may tatlong upcoming quizes. Ayos ba? BFF Goals hihihi.

Ibinagsak naman ni Zee ang ulo niya sa libro. "Ayoko na."

"Ha? Suko ka na agad?" tanong ko kay Zee. She groaned. "Ikaw kaya top 2 mamc tapos sinali ka sa Battle of the Brains kahit di ka pumayag? Punyeta, ang sakit na ng ulo ko." nag pout naman ako saka minasahe ang sentido ni Zee. She likes it when I do that.

"Ikaw ba Ree? Himala atang game ka mag-aral ngayon?" tanong niya sakin. Actually, inspired naman kasi ako. "Ewan ko. Nahawa na ata ako sayo. Baka lumaki ulo ko nito ah."

"Gaga ka, wag mong igaya yung ulo mo sa ulo ni Yang. Buti pa si Jaemin, napaka-humble." at ayun, ngumiti ang gaga. Binatukan ko naman siya. "Hoy Zee, magtapat ka nga. Gusto mo na ba talaga si Jaemin?"

"Aray naman Ree! Oo syempre, like sinong hindi magkakagusto sa lalaking yun hihihi."

Napailing nalang ako. Nako Yangyang, nauunahan ka na. Baka mabusted ka. "Eh pano si Yang?"

Kumunot naman ang noo niya. "Anong Yang? Ano namang kaso niya? Epal lang yun kamo." at napairap siya. Tiningnan naman niya muna ako. "Eh kayo ni Hyuck? Nagwowork ba yung date me chuchu niyo? Mga mahaharot kayo ah."

Gaga talaga to hayyy nako. Tumawa nalang ako saka tumango. "Oo naman."

Nginisian niya ako. "Gusto mo na ba?"  ewan ko rin eh. Siguro crush lang, yung minor type. Hindi naman kasi ako into boys eh. Pero may something si Hyuck.

"Hindi pa."

"Uy anong hindi pa? So papunta pa lang?"

"Ewan ko sayo mamc! Mag aral na nga lang muna tayo." pang-iiwas ko sa topic. Ang lakas mang hotseat ni Zee eh.


---


Kakatapos lang namin mag-aral ni Zee sa library. Alas-sais pasado kaming natapos at malas naman, umuulan pa ngayon. Nasa gate na kami ng school ni Zee. "Mamc, andito na si Kuya. Hatid na kita mamc." pag-aalok ni Zee sakin.

"Nako mamc wag na. May family dinner pa kayo diba? Mahuhuli kayo niyan."

"Umuulan mamc oh. Sure ka ba?"

"Oo nga! Sige na, I can manage."

"Okay sige, sabi mo eh. Basta ah mag ingat ka! Don't catch a cold!"

Umalis na ng tuluyan si Zee. Naghintay nalang ako na may dumaang tao na may payong pero ni isa walang dumaan. Hayyyyy no choice. Ginamit ko nalang yung bag ko as payong saka naglakad papunta sa waiting shed. Hala sige Zatara, I can manage pa.

Nang papalapit na ako sa shed, naramdaman kong nawala na yung ulan. Tumingala ako at nakita kong pinapayungan na ako.

"Gabing-gabi na at umuulan pa. Hindi ka rin nagdala ng payong. Magkakasakit ka nyan."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Impossible. "Hyuck?"

Imbes na sumagot, hinapit niya lang ako papalapit sa kanya at naglakad na kami para sumilong sa waiting shed.

"Akala ko umuwi ka na?" tanong ko kay Hyuck na ngayoy pinapagpag yung payong niya. "Hinintay kitang umuwi, Ree. Baka ano pang mangyari sayo."

Namula naman ang mukha ko. Hinubad niya naman ang jacket niya saka isinuot ito sakin. "Eh paano ka?" tanong ko sa kanya. Nakapolo nalang siya ngayon. "Mas importante ka."

Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako.





𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon