031 | narration

494 12 49
                                    



3rd person's




Naghintay naman si Zatara na dumating si Haechan. As usual, gagabihin na naman ng uwi si Ree dahil may usapan sila ni Felix na tuturuan siya nito ng Math after classes pero nagpaalam si Felix kaagad. Narinig niya naman na bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Hyuck na dala-dala pa ang school bag niya. Naka-pokerface lang ito saka inilapag ang bag niya. Kumuha siya ng upuan at itinapat ito kay Zatara bago umupo. The loud bang startled the girl.

Nanatili lang silang tahimik at nagpapalitan ng tingin hanggang sa mas inilapit pa ni Hyuck ang kanyang upuan kay Zatara kaya napahawak siya sa balikat nito.

"U-Uy wag m-masyadong malapit." nauutal na sambit ng dalaga. "Hindi naman gaano ah." sagot ni Hyuck saka lumayo ng kaunti. Sila lang dalawa sa room kaya halatang-halata ang awkwardness sa pagitan ng dalawa.

"Asan yung workbook?" ibinigay naman ni Zatara yung workbook kay Hyuck. His eyes squinted a bit. He clicked his tongue and quickly opened his bag and grabbed his specs. "Ah, madali lang to. Bakit ka pa kay Felix nagpapaturo eh kaya naman kitang turuan?"

"Bakit ba parati niyong sinasabi na madali lang kahit hindi?" pambabara naman ni Zatara. She noticed a small smile that was evident on Hyuck's lips. "Mindset mo lang ang nagsasabi na mahirap. Dali na, lapit ka na dito para maturuan kita."

Tumango naman ito saka nahihiyang lumapit kay Hyuck. Napaka-gwapo ni Hyuck tingnan kapag naka specs at pinigilan niyang madistract dahil dun. Pero akala lang niya yon na hindi siya madidistract. Ang tanging na-gets niya lang ata ay 'bring down' at 'isolate'. Yung iba? Wala na. Nakatitig lang siya kay Hyuck habang nagdidiscuss siya.

"Itutuloy ko pa ba to?" napukaw naman ang atensyon niya nang magsalita si Hyuck. Nakangisi na ito sa kanya. 'Ay shet mukhang nadistract nga ako' bulong ni Zatara sa kanyang sarili. Naramdaman niya naman ang pag init ng mukha niya.

"H-Ha?"

"Namumula ka Ree."

Nanlaki naman ang mga mata niya saka nagpaypay. "Mainit lang kasi dito! Oo tama!" iniwas niya naman ang tingin niya kay Hyuck. He smiled to himself. "Stop being cute. Nahihirapan akong magturo."

Napakurap naman si Zatara. "Ha?"

"Parati ka na lang bang magbibingi-bingihan?"

"Hindi naman ah."

"Stop giving me reasons to fall for you every single damn day, Ree. Alam mo ba kung gaano kahirap magpigil?"

Zatara swore that she felt butterflies in her stomach. Nagmamarathon na ang puso niya sa kaba at kilig na nararamdaman niya. Hindi niya inexpect na sasabihin yon ni Hyuck. Lalo na't alam niyang galit si Hyuck sa kanya. O baka nagtatampo lang.

Hyuck sighed and closed the workbook. Dahan-dahan niya namang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Zatara. Konti nalang at magkikiss na sila pero natigilan ang dalawa nang makarinig sila ng tunog ng lock.

"Hala?"

Tumayo naman si Hyuck para i-check ito. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka lock na ito. "Tangina, na-lock tayo."

"Ha?! Wala akong dalang pagkain! Yung tubig ko ubos na! Ayoko pang mamatay!"

Tinawanan lang siya ni Hyuck saka ibinigay sa kanya ang bag nito na may lamang pagkain. "Sayo nalang yan. Busog pa naman ako eh."

"Salamat."

Ngumiti lang si Hyuck saka tumango. "Eat up. Masamang magutom ang hamster."

"Hamster ka diyan! Tadyakin kita eh."

Natahimik naman silang dalawa. "Sure ka bang ayaw mong kumain?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Umiling naman si Hyuck. "That's yours already. Ubusin mo yan ah."

---

Lumipas ang mga oras at sumapit na ang gabi. Alas otso na ng gabi and they made the most out of time. Ipinagpatuloy nila ang tutoring sa Math hanggang sa dalawin na ng antok si Zatara.

"Sleepy?"

Tinanguan naman siya ni Zatara. Hinubad naman ni Hyuck ang jacket niya at ginawa itong kumot para kay Zatara. She unconsciously placed her head on Hyuck's chest kaya hinawakan lang siya ni Hyuck sa left side ng ulo niya.

Hyuck kissed her forehead and drifted off to sleep.







𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon