Zatara's
"Nak, bumangon ka na diyan! Nandito na si Donghyuck!" nagising naman ako sa sigaw ni Mama mula sa ibaba kaya matamlay akong bumangon. Bumukas naman ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sakin si Mark na nakapameywang at nagsasalubong ang dalawang kilay.
"Bakit nandito si Hyuck?"
"Aba malay ko. Nagulat nga ako eh." pagsisinungaling ko. Alam kong aasarin lang ako ng kakambal ko kaya umakto nalang akong walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Nanliligaw yun sayo noh? Kung hindi eh bakit nga nandito yan? Tyaka ang aga pa ah! Nakakaperwisyo siya ng tulog!" litanya ni Mark. Pumasok nalang ako ng banyo at pinutol ang mga sasabihin niya pa sana.
"Aba't?! Hoy Zatara Lee, mas matanda parin ako sayo ng 37 minutes ah."
"Kaya ka naiistress kasi tumatanda ka na."
I heard him scoff kaya mas lalo akong natawa. "Atleast pogi ako."
"Sigurado ka?" tanong ko habang tinatawanan parin si Mark. Nagdabog naman ito at narinig kong umalis na sa kwarto ko. Maya-maya pa, bumaba narin ako para kumain at sumabay kay Hyuck papuntang school.
"Fresh looking ah." bungad ni Hyuck nang makalabas ako ng bahay. "Minsan lang to, pagbigyan mo na." sagot ko naman sa kanya. Kinuha niya naman ang bag ko at sabay na kaming naglakad papunta sa school.
"So what exactly is this whole 'date me' thing?" curious kong tanong kay Hyuck. Skl ha pero 2 hours lang ang tulog ko magmula kahapon dahil naging busy ako sa pag-iisip kung sasabayan ko ba si Hyuck o hindi.
Isa pa, sudden move yon! Sino bang makakatulog ng maayos dun ha?
Nagstop naman kami sa lockers namin para kumuha ng ilang mga libro nang makita namin si Renjun kasama ang pinalit niya sakin. Tama kayo ng iniisip, si Renjun yung ex ko slash first love ko na nagdulot sakin ng matinding trauma.
Actually pangatlong babae niya na yan. Ako yung una, pangalawa ay yung pinagselosan ko (the one he told me not to worry about), tapos yung current niya yung pangatlo.
Nakatutok lang ako sa kanilang dalawa na nag-uusap at nagtatawanan. Ganyan rin kami dati eh. Ngayon hindi na. Kumirot naman ng kaunti ang puso ko sa nakita ko. Tanga ka talaga Zatara! Bakit ka rin ba kasi lumingon?
Sakto namang nagtama ang mga mata namin ni Renjun kaya nagmadali akong umiwas ng tingin. At napagtanto kong kanina pa din nakatingin sakin si Hyuck. Mukhang nagets na ata niya.
His lips curved into a smirk saka bumulong siya sa tenga ko. "Do you know how the whole 'date me' thing works?"
Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang hinawakan niya ang kamay ko. Naglakad naman kami sa direksyon nina Renjun pero naalala kong hindi dun papunta ang room namin!
Nilingon ko naman si Hyuck. He smiled before leaning in and he kissed my forehead. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero alam niyo yung mas nakaka shookt? Naghabol pa siya ng kindat para kay Renjun saka naglakad na papalayo sa kanila.
"And that's how it works." sabi niya. Tangina Lee Donghyuck! Wala na akong masabi!

BINABASA MO ANG
𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝
Storie brevi❝pansinin mo naman ako oh? nagmumukha na akong tanga dito sa pagpapapansin sayo.❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY + NARRATION started: 06/10/19