Zatara's
Lunch break na nang makalabas ako ng room. Hindi ako nakapag snacks kanina dahil sa dami ng quiz na itatake namin. So ayun, tampo na siguro yun si Zavia sakin. Balak ko rin sana siyang puntahan sa classroom nila at bumawi. Nang makalabas ako ng room, bumungad naman sakin si Hyuck. May dala siyang roses tyaka isang box ng chocolates. Anong trip neto?
"Good afternoon!" masayang bati niya sakin. "Kakainin ko ba yang roses as lunch?" pagbibiro ko kaya nahihiya naman siyang napakamot ng ulo.
"Ikaw yung masasarapan ka sa roses."
"Salamat." sabi ko saka kinuha ang bouquet at yung chocolates. He bit his lip and sighed. "Kakain ka na ba?"
Tumango ako, "Why? Manlilibre ka?" syempre joke lang yun. Ang kapal naman ng mukha kong magpalibre pero nagulat ako nang pumayag siya. "Joke lang yun! May pera naman ako eh."
Umiling siya, "A girl like you should be treated with food."
"English yun ah! Boom google!" dagdag pa niya kaya napatawa ako. "Okay sige tutal nag english ka naman." at ayun, nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria. Medyo malayo-layo rin yung cafeteria mula sa building namin. And boy, napaka-awkward naming dalawa!
"Bakit ka pa hindi nakakamove on?" biglaang tanong ni Hyuck sakin. I shrugged. "Kasi gusto ko parin siya?"
He stopped on his tracks and pinned me to the wall. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Go out with me."
Napanganga naman ako. "Ha?"
"Date me."
Nag init ang buong mukha ko sa sinabi niya. My heart started beating incredibly fast. "B-Bakit―what do you mean go out?" I stuttered. Tiningnan ko ang mukha niya at nakita kong seryoso nga siya sa mga sinasabi niya.
"Date me and forget about him."
I don't know but an amused expression was all I had. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya kaya kumunot ang noo niya. "Bakit?" tanong niya.
"I'm not ready to trust again."
"Then I will regain your trust back."
Tumango naman ako, "Sige." but wait, BAKIT NGA BA AKO PUMAYAG?

BINABASA MO ANG
𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝
Historia Corta❝pansinin mo naman ako oh? nagmumukha na akong tanga dito sa pagpapapansin sayo.❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY + NARRATION started: 06/10/19