093 | narration

385 8 20
                                    

Zatara's

Nakita ko naman si Hyuck na nakasandal sa pader na nasa labas ng bahay namin. Agad ko namang hinalikan ang pisngi niya causing him to jump in his place. Napahawak naman siya sa dibdib niya dahil sa gulat. "Waahh! Ginulat mo talaga ako! Was that really necessary?" napapikit naman siya. Tumawa lang ako saka tumango. "Lutang ka kasi eh. Tyaka isa pa, bawal ka bang i-kiss?" I pouted.

"God, stop pouting. Oo na cute ka na." inakbayan niya naman ako and he pinched my cheeks. Pumara naman kami ng bus papunta sa mall.


-----


Nag take-out lang kami ng drinks sa infinitea dahil napagdesisyunan naming maglibot-libot lang sa mall. Hyuck's left hand was around my waist for the whole time. Tinanong ko naman siya kung bakit pero hindi niya lang ako sinagot. Tinotopak na naman ba to? Nag shrug nalang ako saka hinayaan siya.

"Babasagin ko talaga yang mga bungo nila kapag hindi sila tumigil sa kakatitig sayo." narinig kong bulong niya sa tenga ko. It almost come out like a growl! I swear, parang tumayo talaga lahat ng balahibo ko sa katawan nung sinabi niya yun. Why does he sound so hot? Nako naman Zatara! Umayos ka!

"A-Ano bang sinasabi mo?" oh tingnan mo! Ni hindi nga ako nakakapagsalita ng maayos dahil sa sinabi niya! Nakakainis ka talaga Lee Donghyuck!

"Guys are constantly checking you out. I wouldn't think twice and I'll punch their faces off their heads if they won't quit staring." napakagat naman ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sari-saring emosyon na gustong kumawala mula sa labi ko. Mahirap na, baka tumili ako dito dahil sa kilig. I didn't know he's that possessive.

I squeezed his hand and reassured him na hindi nila ako aanuhin. We decided to watch Child's Play. Ayaw sana ni Hyuck at first pero napapayag ko rin siya sa huli. Naks, ako pa ba? Hindi ako non matitiis hehehe joke. Nang matapos kaming makabili ng ticket, nagpaalam muna si Hyuck kasi magc-cr muna siya. Nagpaiwan naman ako. Alangan namang samahan ko siya sa cr? Hmm?

Naupo nalang ako sa isang bench habang hinihintay siyang matapos. Nakarinig naman ako ng mga malalakas na tawanan. Nakita ko naman yung mga lalaki na nakatingin sakin kanina. Ewan ko pero agad akong kinabahan. Iniwas ko naman ang mukha ko sa direksyon nila, nagbabasakaling hindi nila ako makilala pero kung minamalas ka naman talaga, tinabihan ako nung isang lalaki sa grupo nila.

"Hi miss, asan na ba yung lalaking kasama mo kanina? Sumama ka nalang sa amin miss." malanding sabi ng lalaki. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ko nga maigalaw ang katawan ko dahil sa panginginig. I felt his dirty hands on my shoulder na mas lalong nagpadagdag ng kaba ko. Naiiyak na ako.

"Miss, kahit quickie lang oh."

Nasampal ko siya dahil sa gulat. Hindi ko ininda ang panginginig ng kamay ko. Hinawakan niya naman ako sa wrist at pilit akong hinihila. "Kunwari ka pang ayaw mo eh. Sabihin mo, magkano ba yung isang gabi?"

Ang bilis ata ng pangyayari. Nakita ko nalang na nakabulagta na yung lalaking manyak sa sahig. Si Hyuck pala ang sumapak sa kanya. Pinagtulungan naman siya ng mga kasama ng manyak. I felt like a really bad girlfriend―ay hindi pa naman kami eh! I am the worst. I just starred at them in horror and in shock. Wala akong magawa.

Inawat naman sila ng mga guard ng mall. Nagmadali akong pumunta kay Hyuck at inawat siya. Wala siyang masyadong mga galos sa mukha. Mas maraming galos yung natamo ng lalaking manyak eh. Duguan talaga. Damn, ang sakit manapak ng baby ko.

"Don't fucking lay a finger on my girl or else tutuluyan na talaga kita! Understood?!"

Tumango naman ang lalaki at pinaalis na sila sa mall. Hyuck cupped my cheeks. "Are you okay?" nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang tinanong niya ako. Tumango naman ako. "Ayos lang ako. Salamat." hindi ako masyadong nakapagsalita. "I was nearly killing that guy with my bare hands. Subukan niya pa talagang bastusin ka."

Niyakap ko nalang siya at dun na ako naiyak sa dibdib niya.







𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon