Zatara's
Lunch break na namin ngayon at kasama ko si Zavia. Ang pinag-usapan namin kanina, magbobonding time kami at babawi kami sa mga missing days na hindi kami magkasama pero mukhang baliw ata tong si Zee. Parang tanga tapos ang lapad ng ngiti habang nagta-type.
Inagaw ko naman ang phone niya dahilan para mag whine siya. "Mamc naman ehhhhhh."
"Anong mamc naman eh ka diyan? Nakakatampo ka na ah." sabi ko saka tiningnan kung sino mang ka chat niya at nakita kong si Yangyang ito. Luh, at kelan pa sila nagkabati?
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Akala ko ba na payapa lang tayong kakain at magkwekwentuhan? Eh ano to?"
Nag pout naman siya. "Siya yung unang nag chat! Nireplyan ko lang para matapos na."
"Ah talaga? Nireplyan mo ng 'ingat ka palagi diyan ah?' hmm?"
Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. Mga malalantod! Support naman ako sa lablayf ni Mamc pero dapat may time rin siya sakin! Nakakaselos kaya!
"Tsk, wag mo nalang pansinin yan mamc. Magfocus ka nalang sa inyo ni Hyuck hehehe."
"Speaking of, feel ko galit na naman yun sakin."
Kumunot naman ang noo niya saka interesadong tiningnan ako. "Anyare? Kayo na ba? Lq na ba kayo? Bakit wala akong alam dito?" sunod-sunod niyang tanong kaya naman kinurot ko ang tenga niya. "Araaay!!" reklamo ni Zee.
"Nagagalit siya kay Felix. Nagpapatulong lang naman ako sa studies ko tapos ayun, tampo siya."
This time, si Zee naman ang nangurot ng tenga. "Manhid ka talaga mamc noh?"
"Eh hindi ko naman ma-understandings yung sitwasyon!"
Pinalo niya ako saka mariin akong tiningnan. "Mamc, may gusto yon sayo!"
"Wala kaya!" napakamot naman siya ng ulo. "Bakit ba di mo nafefeel yun? Haaaaayyyy! Kaibigan ba talaga kita?"
"How dare you? Goodbye 10 years of friendship!"
"Eh kasi naman eh! Bakit ka ba manhiiiiiiddddd?"
"Hindi nga ako manhid!"
Naputol naman ang pag-aaway namin ni Zee nang may pumasok na lalaki sa cafeteria. Hingal na hingal pa nga siya eh. "Si Felix at si Haechan! Nagsusuntukan doon sa school grounds!"
Nanlaki naman ang mata ko. "Mamc! Tara na!" sabi ko saka hinila si Zee. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at pinuntahan ko talaga sila. Basta, kinakabahan na talaga ako. Paano nalang kung may mangyari sa dalawang yun?
"Wag na wag mo siyang idadamay sa mga laro mo, Felix!"
"Ikaw ang dapat lumayo, Haechan! Ano ka ba sa buhay ni Zatara ha?"
"Hindi na yon importante. Basta wag na wag mo siyang guguluhin."
Pumagitna naman ako sa kanila because I think it is the right thing to do. "Ano ba? Tumigil nga kayo!" pareho naman silang may mga galos sa mukha. Pumutok pa nga labi ni Hyuck eh.
"Ano na naman ba to, Hyuck?"
Tiningnan niya naman ako saka pinahid ang dugo sa labi niya. "Pinoprotektahan lang kita."
"Ano bang klaseng excuse yan? Why won't you admit na nagseselos ka sakin?" mapanghamon siyang tiningnan ni Felix. Magsasapakan na sana sila ulit pero pinigilan ko sila.
"Tama na! Hyuck, dadalhin na kita sa clinic. Ikaw rin Felix."
Felix shooked his head, "I can manage."
At ayun, umexit na kami ni Hyuck sa eksena at dumiretso na sa clinic.
![](https://img.wattpad.com/cover/190368233-288-k397912.jpg)
BINABASA MO ANG
𝙄𝙉𝙏𝙍𝙊𝙑𝙀𝙍𝙏 | 𝙡𝙙𝙝
Historia Corta❝pansinin mo naman ako oh? nagmumukha na akong tanga dito sa pagpapapansin sayo.❞ LEE DONGHYUCK EPISTOLARY + NARRATION started: 06/10/19